No 'Boo!' greeted Rhian Ramos and Mark Herras at premiere of "I.T.A.L.Y."

"I am so relieved kasi may threat talaga angmga taong ito na gagawa sila ng gulo sa premiere night. Mabuti na lang atwalang katotohanan ang mga banta nila sa amin ni Mark," says Rhian Ramos about threats that some fans will boo her and leading man Mark Herras at the premiere night of I.T.A.L.Y.



Nawala ang takot ni Rhian Ramos noong premiere night ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ngGMA Films last Sunday, September 14, sa SM Megamall.

Bago kasi angpremiere night ay may nagpakalat ng e-mail na susugod daw ang mga detractors niRhian at ibu-boo raw nila ang young actress, pati na si Mark. Nag-abang daw siRhian kung meron ngang magbu-boo, o magsisimula ng gulo, pero natuwa siya'tnatapos ang pelikula nang wala naman gano'n.

"Mga narinig ko langay mga palakpakan at tawanan," nakangiting sabi ni Rhian sa panayam sa kanya ng PEP(Philippine Entertainment Portal). "I am so relieved kasi may threat talaga angmga taong ito na gagawa sila ng gulo sa premiere night. Mabuti na lang atwalang katotohanan ang mga banta nila sa amin ni Mark.

"Pero I will admitna kinabahan din ako. Pati nga si Mark, parang bothered na baka nga may mgamanggulo na mga tao. Naaawa nga ako kay Mark kasi pati siya nadadamay sa mgaginagawa ng mga taong ito. Pero we were both happy na walang nanggulo atmaganda ang feedback ng pelikula naming lahat. We pray na it does well sabox-office."

LA LOLA. Ngayon ay naghahandana si Rhian para sa first solo primetime show niya sa GMA-7, La Lola. Nakapag-tapingna raw siya at makakasama niya rito sina JC de Vera, Angelika dela Cruz,Wendell Ramos, Marvin Agustin, Eddie Garcia, Gladys Reyes, Eula Valdes, LoviPoe, Marky Cielo, at marami pang iba.

"Nakakatuwa kasiit's a star-studded show at nakakatuwa ang istorya niya," sabi ni Rhian. "Thisis based on a very popular and hit Argentinian telenovela, na ngayon ay may iba'tibang versions na sa buong mundo. Ithink sa U.S. meron na silang sariling version na sinisimulan. Our directorhere is Dominic Zapata, kaya abangan nila ang mga nakakatuwang mga mangyayari sashow."

Papalitan ng La Lolaang Ako Si Kim Samsoon. Nakapag-last taping na raw si Rhian para saCodename: Asero para walang maging conflict sa bago niyang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Tamang-tama ang pagpasok ng La Lola dahilmatataon ito sa 18th birthday ni Rhian on October 3. Ayon kay Rhian,ito na ang best birthday gift na kanyang natanggap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN