Richard Gutierrez does not want to label relationship with KC Concepcion

"We still find time to meet up and talk. But nowour schedules are really, really bad, and we don't want to rush things. It'sbetter that we take it step by step. At kung anuman ang maging final decisionna mangyayari, e, kayo rin ang unang makakaalam," says Richard Gutierrez about his relationship with KC Concepcion.



Looking forward nasi Richard Gutierrez sa second movie nila ni KC Concepcion after For The FistTime, ngayong nakabalik na ulit ng Pilipinas ang aktres. Pero bago ang pelikulanila sa GMA Films, excited muna si Richard sa susunod na trip nila ni KC sa Vienna, Austria, para sa special screening ng For the First Time.

"We're very excited for our trip to Vienna. Kasi nga nalungkot siya dahil mag-isa lang siya [KC] sa L.A.and San Francisco. Hindi ko siya nasamahan because of my schedule here inManila. Pero ngayon, we're looking forward to our trip in Vienna together," bungad ni Richard nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa inauguration ng Flawless Moments saGreenhills, San Juan City, noong September 14.

Mag-e-extend ba silang stay sa Vienna?

"You know what, sanamakapag-extend kami kasi we really want to visit other places besides Vienna.But with our schedule, mukhang hindi kami makaka-extend. But we're going toenjoy the moment that we have in Vienna and we're gonna have the most out ofit. And we're gonna make sure that the Filipinos will have a goodtime, and we're gonna have a good time."

What's the realscore now between him and KC?

"Well, now, likewhat we always say, sobrang busy namin sa work but we still find time to seeeach other," sabi ni Richard. "We still find time to meet up and talk. But nowour schedules are really, really bad, and we don't want to rush things. It'sbetter that we take it step by step. At kung anuman ang maging final decisionna mangyayari, e, kayo rin ang unang makakaalam."

Ano na ba ang statusnila ni KC? Are they exclusively dating, or may mutual understanding na?

"Kasi kami, we don'twant to put a title to it, you know? Kung ano man meron kami, basta ‘pagmagkasama kami, nag-e-enejoy kami. Basta wala munang titulo, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May lumabas na balitang gusto raw ni Piolo Pascual na makapareha si KC. Anong masasabi niRichard dito?

"Well, I'm surethere's a lot of guys who want to work with KC, or who would want to work with KC in the future. Masarapkatrabaho si KC, e, and I'm sure lahatng guys gusto siyang makatrabaho. It's okay with me. I think it's also good forKC to be working with other leading men, so she will grow also as an artist."

Nagkita na ba silani KC pagkarating niya sa airport?

"Yes, pero sa aminna lang yung kung saan. Basta nagkita kami."

Ano ang pasalubongni KC sa kanya?

"Wala, wala namanakong bilin sa kanya. Pero we saw each other, I welcomed her back...nandun [yung pasalubong]."

Napapanood ba ni KCang kissing scene ni Richard at ni Heart Evangelista sa Codename: Asero ng GMA-7?

"Hindi, hindi niyanapanood. Hindi ko pa alam kung pinanood niya privately."

Sa tingin niya, maykarapatan bang magselos si KC, if ever?

"Wala naman dapatpagselosan kasi yung ginawa namin ni Heart, it was very tastefully done andthey made sure na maganda ang eksena at walang malisya."

May nami-miss basiya sa paggawa niya ng movie sa Star Cinema?

"Well, you know, notonly Star Cinema but I miss the people that I've worked with there. I miss thewhole thing in making the movie, working with the different group and the wholeexperience shooting in Santorini, Greece, working with ABS-CBN. Siyempre,nakaka-miss yun."

Ilang araw rinsiyang nag-promote sa ABS-CBN. Na-miss ba niya ang Kapamilya network?

"I'm happythey welcomed me very warmly and the people are very nice to me. I miss thepeople that I've worked with there more than anything."

Ano ang na-feel niyanang makatabi niya sa ASAP '08 sina John Lloyd Cruz, Sam Milby, at PioloPascual, na sinasabing mga kakumpitensiya niya sa popularity?

"Oo nga, e. Medyo,siyempre medyo unbelievable. Medyo surreal, di ba? Pero nakakaaliw din at thesame time. That was good moment, I think, na makita kami ng mga tao sa isangframe na magkakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun pa lang, e,makita lang ng mga tao yun, it inspires them to have unity, di ba? Na huwag nangmasyadong rivalry. Na kahit split second lang kami nagsama, siguro may mgana-inspire kami na mga tao at yun ang goal namin," saad ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN