Rhian Ramos plays a man who becomes a woman in "La Lola"

Young actress Rhian Ramos plays her biggest role to date, that of a man who became a woman in GMA-7's upcoming primetime series La Lola.



Pahapyaw ay naikuwento ni Rhian Ramos sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) kung ano ang magiging takbo ng kuwentong La Lola, ang pagbibidahan niyang primetime series sa GMA-7. Sabi pa niya,natutuwa siya na ang lalapit ng mga location taping nila kumpara sa ibang mganagawa niyang mga serye.

"Actually, doon ako galing kagabi, sa taping," sabi ni Rhiannang makausap siya ng PEP sa GMA Networklast Tuesday afternoon, September 16. "Sobrang saya! Masayang-masaya talaga.Lalo na at nandoon si Direk Dom [Dominic Zapata, director of La Lola], e,makulit yun.

"Ang lalapit lang ng taping namin...Makati, Ortigas. ‘Taposyung apartment ko [sa La Lola] , nasa may Linden Suites lang. Yung office ko, nasa Makati.Puro ganoon lang at first time ko na malalapit ang location."

Sikat na series sa Argentina ang La Lola na nagmula saArgentina. Nakailang salin na rin ito sa iba't ibang wika. Ginagampanan ni Rhian dito ang isang dating lalake na pinakulamng kanyang dating girlfriend kung kaya't nagkaroon ng katawang babae.

"President siya ng Distelleria, yun ang trabaho niya noonglalaki siya. Nang maging babae siya, ang akala nila, namatay si Lalo. Hindi nakasi nila mahanap. Hindi nila alam na naging babae. Kaya yung naging pakilalako sa kanila, girlfriend," kuwento niya.

Kahit paano, ni-reinvent din daw ni Rhian ang kanyang looksfor the said show.

"Ang goal kasi namin, yung talagang girl na girl ang hitsurapara yung damit na lang at acting ang lalake. Parang awkward talaga, di ba?"natatawa niyang sabi.

RHIAN AS WENDELL. Si Wendell Ramos ang gaganap na Lalo sa La Lola. Kayanatatawang kuwento ni Rhian, feeling daw niya, nawi-weirduhan na sa kanya siWendell dahil palagi niya itong tinititigan.

"Hindi ko alam kung nawi-weirduhan na sa akin si Wendell.Pero kapag nakikita ko siya, nakatingin talaga ako sa kanya. Kasi pinag-aaralanko ang mga kilos niya. Kung paano siya tumingin sa mga tao. ‘Tapos yung camerako, nakaganoon talaga sa kanya at bini-video ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa na lang daw si Wendell sa kanya.

"Kapag nakikita niya ako, medyo napapatawa na lang siya.Pero ayaw niyang ma-conscious siyempre, gusto niya, natural lang," saad niRhian.

Bukod kina Rhian at Wendell, kasama rinsa La Lola sina JC de Vera, Eddie Garcia, Marvin Agustin, Angelika dela Cruz, Paolo Contis, Eula Valdes, Marky Cielo, Keempee de Leon, at Lovi Poe.

NO BOOS. Hindi naman itinago ni Rhian na kahit paano, nandoontalaga ang kaba niya sa premiere night ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) noong September 14. Baka raw kasi totoo ang mgakumakalat na banta sa e-mails na may magbu-boo sa kanila ni Mark Herras.

Pero natapos daw ang premiere na instead na "boo!" ay mgapalakpak at sigawan pa mula sa mga natuwa at posibleng kinilig na mga fans angnatanggap nila ni Mark.

"Siyempre, siyempre! Pag-upo ko talagang... O, di ba, pasahanng microphone? So, pag-upo mo, siguro ito na yung pagkakataon nila. Sabi ko, ‘Mygosh, Mark, takot ako sa fans mo! Baka naman magalit sila sa akin kapagnag-greet ako, di ba?'

"Pero sabi niya, ‘Hindi ‘yan...hindi ‘yan. Basta hawakan molang ang microphone mo at mag-hi ka lang sa lahat.' Tuloy, dahil sa nerbiyos ko,minadali ko na. Sinabi ko, ‘O, bakit pa natin patatagalin, enjoy na natin ang I.T.A.L.Y.'‘Tapos si Mark, si Mark kasi ang unang pinasahan ng microphone at sinabi kotalaga na, ‘Walang mangyayari sa ‘yo, promise.' Nag-commit kasi ako sa kanya nawalang mang-aaway. So, yun talaga ang sinabi ko na walang mang-aaway and, infairness, wala talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN