Sheryn Regis has no time for "loving-loving" because of work

"Wala...kasi, parang hindi ko rin naman hinahanap yung ganyan.Actually, he's very supportive. Ang feeling ko nga, para ko na rin siyangdaddy," says Sheryn Regis about lacking time for "loving-loving" with her husband, who is 20 years her senior.


Minsan nang nakagawa ng acting job ang singer na si SherynRegis sa Love Spell Presents Cindy-Rella at aminado si Sheryn nana-enjoy nga raw niya ito. Kaya naman very welcome kay Sheryn namuli siyang nabigyan ng ABS-CBN ng tsansa na makaarte muli sa I Love BettyLa Fea.

PLAYING KYLIE. Di katulad ng iba, hindi na raw dumaan siSheryn sa audition. At katulad ng huli niyang papel, comedian muli si Sheryndito. Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung nahirapan siya sa role na Kylie, natatawang sumagot ang singer:

"Actually, hindi ako nahirapan. Kasi yung kabaklaan, verynatural. Kasi, ganoon din naman ako. Yung role kito, parang working atokrayan. Actually, challenging pa rin siya para saakin. Kasi, I am portraying something like an assertive character, e. Hindinaman ako ganoon ka-assertive like Kylie. Napakatsismosa. E, ako silent typelang naman ako."

Kung may real-life similarity sila ng characterniya, yun ay sa height lang.

"Pino-portray ko kasi ang 4'11" na si Kylie, na iniwan ngboyfriend dahil pinalitan ng [isang] 5-foot-tall. Ha-ha-ha! E, 4'11" is my real height.Pino-portray ko rin diyan yung sabi ng boss namin na kailangan, huwag akongpumayag na minamaliit. E, ganoon akong talaga."

Although nakikilala siya sacomedy acting, aniya, puwede rin naman daw siyang sumabak sa mga drama roles.Unang-una, marami nga raw siyang paghuhugutan dahil sa mga karanasan niya sa buhay.

Napunta ang usapan sa five-year-old niyang nag-iisang anakna si Sweety. Kasalukuyan daw itong kindergarten sa Montessori school, na malapit lang sabahay nila. "Of course," ika ni Sheryn sa tanong, sila pa rin ba ng husbandniya?

"Still active!" sey pa niya. May sarili na rin po kamingbahay rito sa Tandang Sora, at may sarili na rin po akong boutique na nasaCenter Plaza Condomium po, yung Blends boutique," pagpa-plug pa ng Cebuanangsinger.

JUST ONE. Nagulat ang PEP kay Sheryn dahil nangtinanong ito kung bakit wala pang kasunod ang ang daughter nila, mabilis angsagot niyang ayaw na raw niyang magkaroon pa ito ng kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko po! Ayaw ko lang, kasi, okey naman yung magka-baby,pero my career, it's not really that advisable. Mahirap din. Mahal ang bigas,Ha-ha-ha!"

Hanggang isang anak lang daw ang plano niya.

"Hindi ba po mahirap yun? Pero ewan ko, parang hindi ko ngamasyadong maasikaso yung baby ko ngayong isa lang siya, wala akong masyadongtime. So, how much more kung dalawa na?

Pero sabi rin niya about her daughter, "Actually, she'salways asking me, ‘Mommy I want a baby brother! Mommy, I want a baby sister!'Kaya sinasabi ko naman sa kanya, ‘O, may dala akong doll galing Australia.Hayan, baby brother mo ‘yan,'" natatawa niyang kuwento.

Kapag nag-a-out-of-the country raw siya, naiiwan daw talagaang anak niya.

"Pero naiintindihan naman niya. Kasi, lahat ng ginagawa ko,ine-explain ko sa kanya at naiintindihan naman niya."

Ang asawa ni Sheryn ay matanda sa kanya ng halos 20 years.Sheryn is 26 habang ang husband iya ay 46 year old. Halos kasing-edad na ngparents niya ang kanyang mister. Okey lang daw dito na isa lang ang gustoniyang anak.

NO TIME FOR "LOVING-LOVING." Tinanong namin siSheryn kung naapektuhan ba ang samahan nilang mag-asawa mula nang manalosiya sa Star in a Million atmaging showbiz personality.

"Actually, may konting effect kasi wala akong time sa kanya.Wala akong time na ‘loving-loving.' Wala....kasi, parang hindi ko rin namanhinahanap yung ganyan. Actually, he's very supportive. Ang feeling ko nga, parako na rin siyang daddy.

Mas older man ba talaga ang type niya?

"Actually, hindi ko alam. Yun lang siguro ang dumating sabuhay ko. Actually, hindi ako masyadong mahilig sa lalaki, e. At saka, isa langtalaga ang naging boyfriend ko. At saka, ako si Ms. Work, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN