Sheryn Regis has no time for "loving-loving" because of work

by Rose Garcia
Sep 18, 2008
"Wala...kasi, parang hindi ko rin naman hinahanap yung ganyan. Actually, he's very supportive. Ang feeling ko nga, para ko na rin siyang daddy," says Sheryn Regis about lacking time for "loving-loving" with her husband, who is 20 years her senior.

Minsan nang nakagawa ng acting job ang singer na si Sheryn Regis sa Love Spell Presents Cindy-Rella at aminado si Sheryn na na-enjoy nga raw niya ito. Kaya naman very welcome kay Sheryn na muli siyang nabigyan ng ABS-CBN ng tsansa na makaarte muli sa I Love Betty La Fea.

PLAYING KYLIE. Di katulad ng iba, hindi na raw dumaan si Sheryn sa audition. At katulad ng huli niyang papel, comedian muli si Sheryn dito. Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung nahirapan siya sa role na Kylie, natatawang sumagot ang singer:

"Actually, hindi ako nahirapan. Kasi yung kabaklaan, very natural. Kasi, ganoon din naman ako. Yung role kito, parang working at okrayan. Actually, challenging pa rin siya para sa akin. Kasi, I am portraying something like an assertive character, e. Hindi naman ako ganoon ka-assertive like Kylie. Napakatsismosa. E, ako silent type lang naman ako."

Kung may real-life similarity sila ng character niya, yun ay sa height lang.

Continue reading below ↓

"Pino-portray ko kasi ang 4'11" na si Kylie, na iniwan ng boyfriend dahil pinalitan ng [isang] 5-foot-tall. Ha-ha-ha! E, 4'11" is my real height. Pino-portray ko rin diyan yung sabi ng boss namin na kailangan, huwag akong pumayag na minamaliit. E, ganoon akong talaga."

Although nakikilala siya sa comedy acting, aniya, puwede rin naman daw siyang sumabak sa mga drama roles. Unang-una, marami nga raw siyang paghuhugutan dahil sa mga karanasan niya sa buhay.

Napunta ang usapan sa five-year-old niyang nag-iisang anak na si Sweety. Kasalukuyan daw itong kindergarten sa Montessori school, na malapit lang sa bahay nila. "Of course," ika ni Sheryn sa tanong, sila pa rin ba ng husband niya?

"Still active!" sey pa niya. May sarili na rin po kaming bahay rito sa Tandang Sora, at may sarili na rin po akong boutique na nasa Center Plaza Condomium po, yung Blends boutique," pagpa-plug pa ng Cebuanang singer.

Continue reading below ↓

JUST ONE. Nagulat ang PEP kay Sheryn dahil nang tinanong ito kung bakit wala pang kasunod ang ang daughter nila, mabilis ang sagot niyang ayaw na raw niyang magkaroon pa ito ng kapatid.

"Ayoko po! Ayaw ko lang, kasi, okey naman yung magka-baby, pero my career, it's not really that advisable. Mahirap din. Mahal ang bigas, Ha-ha-ha!"

Hanggang isang anak lang daw ang plano niya.

"Hindi ba po mahirap yun? Pero ewan ko, parang hindi ko nga masyadong maasikaso yung baby ko ngayong isa lang siya, wala akong masyadong time. So, how much more kung dalawa na?

Pero sabi rin niya about her daughter, "Actually, she's always asking me, ‘Mommy I want a baby brother! Mommy, I want a baby sister!' Kaya sinasabi ko naman sa kanya, ‘O, may dala akong doll galing Australia. Hayan, baby brother mo ‘yan,'" natatawa niyang kuwento.

Kapag nag-a-out-of-the country raw siya, naiiwan daw talaga ang anak niya.

Continue reading below ↓

"Pero naiintindihan naman niya. Kasi, lahat ng ginagawa ko, ine-explain ko sa kanya at naiintindihan naman niya."

Ang asawa ni Sheryn ay matanda sa kanya ng halos 20 years. Sheryn is 26 habang ang husband iya ay 46 year old. Halos kasing-edad na ng parents niya ang kanyang mister. Okey lang daw dito na isa lang ang gusto niyang anak.

NO TIME FOR "LOVING-LOVING." Tinanong namin si Sheryn kung naapektuhan ba ang samahan nilang mag-asawa mula nang manalo siya sa Star in a Million at maging showbiz personality.

"Actually, may konting effect kasi wala akong time sa kanya. Wala akong time na ‘loving-loving.' Wala....kasi, parang hindi ko rin naman hinahanap yung ganyan. Actually, he's very supportive. Ang feeling ko nga, para ko na rin siyang daddy.

Mas older man ba talaga ang type niya?

"Actually, hindi ko alam. Yun lang siguro ang dumating sa buhay ko. Actually, hindi ako masyadong mahilig sa lalaki, e. At saka, isa lang talaga ang naging boyfriend ko. At saka, ako si Ms. Work, e."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala...kasi, parang hindi ko rin naman hinahanap yung ganyan. Actually, he's very supportive. Ang feeling ko nga, para ko na rin siyang daddy," says Sheryn Regis about lacking time for "loving-loving" with her husband, who is 20 years her senior.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results