Vilma Santos-John Lloyd Cruz movie starts shooting in November

The long-delayed, much-awaited movie of Ms. Vilma Santos (center) and John Lloyd Cruz (left) for Star Cinema will finally push through in November. But Ryan Agoncillo (right), who is supposed to play John Lloyd's gay boyfriend, is still waiting for a go-signal.



Sisimulan na sa Nobyembre ang shootingng long-delayed Star Cinema project, top-billed by Star for All Seasons Vilma Santos and Box-office King John LloydCruz. Ididirek ni Olive Lamasan ang pelikula, mula sa panulat nina Senedy Que(scriptwriter ng I.T.A.L.Y.) at Raymond Lee. Pero wala pa itong pamagat.

New York ang magiging settingng pelikula at tutungo roon ang cast next year. Inaayos na raw ni Direk Oliveang ilang detalye ng script bago simulan ang shoot sa November.

Sa unang plano ng project,kasama raw sa cast si Ryan Agoncillo bilang anak na bading ni Vilma. Dadalaw si Vilma sa New York atdoon niya madidiskubre na bading ang kanyang anak at mayroon itong karelasyon, ang John Lloyd character.Sa kalagitnaan ng movie, supposedly ay mamamatay ang character na gagampananni Ryan. Dahil pareho silang nagluluksa sa pagkamatay no'n, magbo-bonding sina Vilma at John Lloyd. Dito tatakbo ang kuwento.

Tinanong namin si Noel Ferrer,ang manager ni Ryan, kung kasali nga ba si Ryan sa project. Ayon sa kanya,hindi pa raw sila na-inform ng Star Cinema kung kasali sila sa project. Datiraw ay nagpasabi ang Star Cinema tungkol sa project, pero hindi raw na silabinalikan tungkol dito.

Baka raw hindi na kasali si Ryan, kaya hindi na sila sinabihan tungkol dito. Pero hindi naman dawsigurado ang manager ni Ryan sa bagay na ito.

Sa ngayon ay busy pa si Ryan sahosting ng Pinoy Fear Factor. Siya rin ang gaganap na bida sa TV versionng award-winning film na Pieta under ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN