Sam Milby rides motorbike again amidst everyone's concern for his safety

"I guess you can say I have this need for speed. Kahit sa kotse, mabilisakong magpatakbo," says matinee idol Sam Milby about his passion for motorcyling.



Lunes ng gabi, September 15, sa Tomas Morato, Quezon City ay nakasalubongnamin ang entertainment writers na sina Jobert Sucaldito at Wendell Alvarez. Hhinihintay nila si Sam Milby dahil may pupuntahan daw sila. Kotse raw niJobert ang gagamitin dahil naka-motorsiklo lang na darating si Sam. Nagtanong kami agad kung motorsiklo na ba ang kinahihiligan ngayon ng isa satop matinee idols ng ABS-CBN at Star Magic.

Oo raw, pero kabado sila sa pagmu-motorsiklo ni Sam sa kalye ng Maynilakaya si Jobert na ang nagsabing iwan na lang ang bike para magkotse sila sakanilang pupuntahan.

Kaninang tanghali, September 18, sa presscon ni Sam para sa kanyang firstmajor solo concert na Sam Milby: The Rockoustic Heartthrob this October 5 saAliw Theater, ang kanyang manager na si Erik Raymundo muna ang nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) habang ini-interview ng TV crew si Sam.

Tinanongnamin si Erik kung okay sa kanya na nagmu-motorsiklo ang alaga niya.

"Gusto niya, e," sagot sa amin ni Erik.

Pati ang head ng Star Magic na si Mr. Johnny Manahan ay nagtanong narin kay Erik kung alam niya na nagmu-motorsiklo si Sam at kung pinayagan niyaito.

"Sabi ko na lang, si Sam ang may gusto," saad ng manager ng matinee idol.

Pagkatapos pag-usapan ang concert ni Sam, ang pagkakagawad sa kanya bilangYouth Spokesperson and Role Model ng Department of Education Center for Studentsand Co-Curricular Affairs, at ang paghuhubad niya sa soap nila ni Anne Curtissa Dyosa—ang pagmu-motorsiklo ni Sam ang tinanong namin nang makatabi na naminsiya.

"This is my most favorite sports growing up," paliwanag niya sa PEP.

Tinanong namin siya na tila magkalayong masyado ang dalawa niyang sportsnoong nasa U.S. Noon kasing pumasok siya sa first season ng Pinoy Big Brother, ipinakilala siyabilang isang national ice skater champion noon sa Ohio.

"Oh, I'm into a lot of sports when I was growing up. Nag-ice skating ako,motocross, ice hockey, tennis, golf, and wrestling. Wrestling was my hardestsport," pag-e-numerate ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Between 15 and 18 years old daw siya noon noong nakahiligan niyang mag-motocrosssa Ohio at lumalaban din siya sa ilang races doon. Nasubukan na niyang madisgrasyang kung ilang beses sa mga sinalihan niya. Ang pinakamatindingdisgrasya ay nang mabali ang kamay niya.

"Then someone stole my bike, so I stopped," sambit niya.

Ngayon lang muling bumalik ang hilig niya sa pagmu-motorsiklo. Hindi Harley o Ducatti or even Vespa ang kanyangmotor, kundi Yamaha. Bilis daw kasi ang hanap niya.

"I guess you can say I have this need for speed. Kahit sa kotse, mabilisakong magpatakbo," ani Sam.

Tinanong namin siya kung alam ito ng kanyang rumored girlfriend na si AnneCurtis at kung payag ba ito sa pagmumotorsiklo niya. Oo raw, supportive daw si Anne atminsan na rin silang nag-motor mula Manila hanggang Pampanga.

"Anne loves it," dagdag pa ni Sam.

Biro namin sa kanya, baka mahal lang siya ni Anne kaya ito pumapayag.

"No, okay kay Anne. She enjoyed our trip," sagot naman ni Sam.

Alam naman ni Sam na iba ang kalye sa Manila kesa sa U.S. at napakarami nangaksidente sa pagmu-motor dito, kaya doble-ingat na lang daw siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN