Piolo Pascual hopes his film with Angel will not clash with Dingdong-Marian movie

"Sana huwag namang magkatapatan para parehong mag-benefit. But just in case, labas na kami roon. Network na ang magkalaban diyan.But if you'll ask me, mas better siguro na magtulungan instead of magtapatan.Para pareho namang kumita kesa pagtapatin mo sa box office," says Piolo Pascual about the possibility of his movie with Angel Locsin clashing with the movie of Dingdong Dantes and Marian Rivera.



Medyo umitim ang kulay at medyo pumayat si Piolo Pascualnang humarap siya sa media kaninang tanghali, September 18, sa Ruby Room ngCrowne Plaza sa Ortigas, Pasig City, para sa press conference ng Pond's nilani Dingdong Dantes.

Kadarating lang daw ni Piolo mula sa Bukidnon para sashooting ng pelikula nila ni Angel Locsin under Star Cinema. Bukas,September 19, ay babalik daw ulit si Piolo roon.

"I was there for almost three weeks. Shooting every day withAngel. Catching the beautiful sight of Bukidnon. It's something that I don'treally think na magagawa ko in my career and I'm really enjoying it, yungpagho-horse ride, yung pagiging ranchero. So, nakakatuwa," lahad ni Piolo saPEP (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang entertainment press.

Ayon kay Piolo, this November na raw talaga ang playdate ngmovie nila ni Angel. May balitang yung sisimulan daw na movie nina DingdongDantes at Marian Rivera sa GMA Films ay November din ang playdate. Kungsaka-sakali, posible pala silang magkatapatan. Ano ang masasabi ni Piolo rito?

"Sana huwag namang magkatapatan para parehong mag-benefit,"sagot niya. "But just in case, labas na kami roon. Network na ang magkalaban diyan.But if you'll ask me, mas better siguro na magtulungan instead of magtapatan.Para pareho namang kumita kesa pagtapatin mo sa box office.

"Kasi, napakarami namang araw. Napakarami namang araw napuwedeng ipalabas ang mga pelikula namin. So I think, they should realize thatwe should both benefit and sana wala na lang competition," asam pa ni Piolo.

BIG STARS FROM DIFFERENT NETWORKS. Sosyal ang ambience sa Crowne Plaza kanina. Pareho ringnaka-coat and tie sina Piolo at Dingdong nang humarap sa press. Tulad ng pagpasoknila sa TV commercial ng Pond's, magkahiwalay na entrance din ang pinasukan ngdalawa when they were introduced.

Kahit napapanood na ang TVC nila, tila marami pa rin angnagugulat sa pagsasama nina Piolo at Dingdong—na itinuturing na pinakamainit nayoung actors ng competing networks—sa isang product endorsement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang naging working relationship nila niDingdong?

"Dong and I are also good friends. Wala kaming problema niDong. Nagkasama na kami sa show before sa Japan. And then, nagkasama na kami saawards night. I'm just happy knowing that he's doing so much, [and doing] very well now inhis career. And there's so many things in store for him," pahayag ni Piolo.

Very welcome daw kay Piolo ang pagsasama nila ni Dingdong—isang Kapamilya at isang Kapuso—saisang product endorsement.

"Yeah, napakaliit naman ng showbiz natin para hindi kayomagkasalubungan, magkatrabaho. So, I'm always open for anything. Especiallymakatrabaho ka na first time mong makasama. Kahit na sino, para hindi ka rinnaman malimitahan, di ba?"ani Piolo.

Masasabi ba niyang si Dingdong na ang kanyang counterpart saGMA-7?

"I don't wanna call it such, pero masaya naman po ako sa mganangyayari kay Dingdong ngayon. Knowing that he is growing as an actor. Butpersonally, I think I don't want to compete with them or to anyone. I'd ratherdo my job and be better with what I do," ani Piolo.

PIOLO AS PRODUCER. Nagsisimula na si Piolo na mag-venture into film producingsa independently produced film na Manila. Posible rin kaya na mag-produce siya ngpelikula ‘tulad halimbawa na silang dalawa naman ni Dingdong ang leading men atpuwedeng si Marian Rivera ang leading lady nila?

"That remains to be seen...we're talking. We have a common friend,si Direk Joyce Bernal [director of Dyesebel]. And you know, Dingdong is also a director, he's afilmmaker, so we both wanna grow in our craft. So, it's a possibility," saad niPiolo.

Pagkatapos ng Lobo, ano na ang susunod niyang drama seriessa ABS-CBN?

"I'll be doing a soap and a movie after this project withAngel," pagbabalita niya. "But again, I cannot disclose it yet, medyoconfidential pa. But I'll be definitely doing a new soap opera and a movie. ButI am focusing more on my movie with Angel, kasi malapit na siyang ipalabas. AndI'm also touring with Sam [Milby] in Europe for a concert."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN