Angelu de Leon clarifies report that she was spotted with James Yap

"Yes, we saw each other sa isangplace called Bugsy's. Pero hindi kami magkasama, even si John Estrada at kungsinuman yung isa pang sinasabi nila. Tatlo raw yun, e. I was there for ameeting. And I ended there with a meeting and that's it," explains actress Angelu de Leon about a report that she was seen with basketball superstar James Yap.



Dawit si Angelu de Leon sa isang item na lumabas sa isangdaily broadsheet na nakita diumanong magkasama ang aktres at ang mister ni KrisAquino na si James Yap. Agad na nagsalita si Angelu tungkol sa isyu.

"Uy, please, please. No, I respect the marriage of Kris andJames. Yes, we saw each other sa isangplace called Bugsy's. Pero hindi kami magkasama, even si John Estrada at kungsinuman yung isa pang sinasabi nila. Tatlo raw yun, e. I was there for ameeting. And I ended there with a meeting and that's it," paliwanag ni Angelunang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ni KimChiu as the endorser of Bioclear Food Supplement last Tuesday, September 16, saAnnabel's restaurant.

Bukas kasi sa maraming interpretasyon ang pagkakakita sakanila ni James sa naturang lugar.

"I guess, I guess," pagsang-ayon ni Angelu. "Kaya nungnalaman ko ring magkakasama raw kami at ako lang daw yung babae among the threeboys, ang ganda ko naman! Pero it's not true. I mean, it's totally not true,"giit ng isa mga celebrity users ng Bioclear.

Hindi naman kasi nakakagulat kung matsismis si Angelu dahilkahit dalawa na ang anak niya ay very attractive pa rin siya.

"Dahil babae kasi ako!" tawa niya. "Hindi ko alam. E, dithank you."

Ayon sa lumabas na report ay nakita raw si Angelu na kasayawsi James that time. Totoo ba ito?

"Wala," mabilis na sagot ni Angelu. "Uy, wala, walangsayawang nagaganap doon!"

Hindi kaya nakainom na siya noon kaya hindi na niya maalala?

"Hindi na rin ako umiinom. Nagbagong buhay na ako,"seryosong sabi ni Angelu.

Ayon kay Angelu, ni wala raw chance na nagkabungguan sila niJames that time sa Bugsy's. Dagdag niya, "Pero magkakilala kami way before because I boughttheir car sa kanya. Hindi kay Kris. Kasi si James ‘ata yung nagha-handle nungano. But actually, yun lang. Then that was it. Please, huwag naman si James."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nakita ba siyang ka-date si James that time?

"Wala, apat lang sila. Apat lang silang lalaki," sagot niAngelu.

Alam niya ba kung ano ang ginagawa doon ni James?

"Aba'y ewan ko! Siya na lang ang tanungin ninyo," pakili ngaktres.

Wala bang chance na nagkausap sila ni James considering namagkakilala naman pala sila?

"Nag-hi lang pero never yung... Kasi ang dating doon sawrite-up is kami yung magkakasama. Hindi, hindi po totoo yun," diin niya.

Nakatanggap ba siya ng tawag kay Kris nang lumabas ang itemna ‘yon?

"No, and she doesn't need to. There is no harm and I am 100percent, as God is my witness, there is nothing."

May tsismis din na shaky raw ulit ang relasyon nina Kris atJames. Ano ang masasabi ni Angelu rito?

"Shakey's. Oo, aware ako na may Shakey's!" biro ni Angelu. "Seriously,I am not in the position to say anything about their marriage."

Pero si James ba ang tipo ng lalaki na type niya?

"Hindi," sagot ni Angelu. "Unang-una, respetuhin natinyung kasal nila. Kung meron man silang problema, at least ang alam ko they'rereally trying to work things out. So, let's respect that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN