Robin Padilla treats family to three-week vacation in Europe

"Matagal na kasing dream ni Liezl na makapunta saParis, France, at ipinangako ko sa kanyang tutuparin ko ‘yon basta nagkaroonng panahon. Last month ko pa ‘yon sinabi kay Liezl, na ang European vacationang birthday gift ko sa kanya. Lalo siyang natuwa nang sabihin ko sa kanyang isasamanamin ang lahat ng mga anak namin," relates Robin Padilla about the European vacation with his family.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Robin Padillasa solo presscon na ibinigay sa kanya ng GMA Films para sasuspense-horror movie niyang Sundo. Ginanap ito kagabi, September 18,sa Dulcinea restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Bukas ngmadaling-araw, 12:30 a.m., naman ang flight via Qatar Airlinesfrom Manila to Dubai ni Robin at ng kanyang family—wife Liezl Sicangco,daughters Queenie, Kylie, Zhen-Zhen, and only son Allih—for athree-week-European vacation.

"Nagsisigaw sa tuwa ang mga anak ko," sabi niRobin nang tanungin ng PEP kung ano ang naging reaction ng mga anak niya nangsabihin niyang magbabakasyon sila. "Alam kasi nilang matagal nang pangarap‘yon ng kanilang ina, kaya ganoon ang reaction nila. Nahirapan din akong itago sa kanila ang balak kong bakasyon dahilgusto ko munang maayos ang lahat bago ko sabihin sa kanila.

"First time din nila kasing magbibiyahe nang malayo. Angalam lang nila noong una, uuwi kami ng Australia para sa birthday ng mommy nilasa September 26, kaya pinahinto ko muna sila sa mga trainings and workshopsnila.

"Every year kasi, umuuwi kami ng Australia para sa birthdayng mommy nila. Kaya ang gulat din nilanang malaman nilang dumating ang mommy nila kanina from Australia, kasama sinaZhen Zhen at Allih.

"Matagal na kasing dream ni Liezl na makapunta saParis, France, at ipinangako ko sa kanyang tutuparin ko ‘yon basta nagkaroonng panahon. Last month ko pa ‘yon sinabi kay Liezl, na ang European vacationang birthday gift ko sa kanya. Lalo siyang natuwa nang sabihin ko sa kanyang isasamanamin ang lahat ng mga anak namin.

"Tamang-tama kasi na may offer na shows sa akin ang Smart[he is one of the endorsers] sa Italy kaya sinamantala ko na ‘yon. Mauuna langkami ng one week ng family ko sa France. Nagkataon namang matatapos ko na ang shootingng Sundo kaya tuluy-tuloy na ang sorpresa ko sa mga anak namin. Kahapon[September 17], kinunan ang final scene namin," mahabang lahad ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ni Robin sa Sundo sina Sunshine Dizon, Rhian Ramos,Katrina Halili, Hero Angeles, at Mark Bautista. Ito ay mula sa direksiyon niTopel Lee, na matagal na raw pangarap ni Robin na maging direktor.

Biniro namin si Robin, paano ang pagsa-shopping ng mga anakniya at ni Liezl, e, ang sabi ng mgaanak niya, mainipin daw ang action superstar sa shopping.

"Siyempre po, sasamahan ko naman sila. Pero kinausap kona sila, binigyan ko na sina Queenie, Kylie, at Zhen Zhen ng kani-kanilangshopping money. Kailangang pagkasyahin nila ‘yon. Si Allih, bahala na sa kanyasi Liezl. Bata pa naman siya at hindi pa niya alam kung paano mag-shopping,"saad ni Robin.

From Dubai, tutuloy na ang mag-anak sa Paris, France. SaSeptember 28, imi-meet na lamang ni Robin ang mga kasama niya sa show nila saMilan, Italy na sina Edu Manzano, Ai Ai delas Alas, ang magka-love team na sinaKim Chiu at Gerald Anderson, at ang singer na si Jed Madela.

Mag-i-stay muna ang mag-anak ni Robin sa Milan, bago silatumuloy sa Rome sa October 5 para naman sa show ni Robin doon. After the show,lilibutin pa nila ang iba't ibang lugar sa Rome. Sa October 9, flight na nila pabaliksa Dubai, at sa October 10 na ang balik nila ng Pilipinas.

"Pagbalik po namin dito, promo na agad ako para sa Sundona showing na sa October 22," dagdag ni Robin.

Napansin namin na malaki na ang katawan ni Robin. Magdadagdagpa ba siya ng weight para sa taping niya ng susunod niyang action-drama seriessa GMA-7, ang Totoy Bato, o itutuloy pa niya ang training niya sa Australia,tulad ng balak niya noon?

"Hindi na po, dito na lang ako magte-training," sagotni Robin. "Sa totoo lang po, madali namang magdagdag ng weight at nakuha ko na yungweight na kailangan ko sa character ko bilang isang boxer sa Totoy Bato. Pagbaliknamin mula sa bakasyon, workout na lang po ako para ma-firm ang mga muscles ko.By November, magsisimula na kaming mag-taping ni Direk Mac Alejandre. Makakasama ko na po rito si Queenie na isanglady boxer ang role."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang magiging leading lady niya sa Totoy Bato?

"Ah, sikreto pa po. Hindi pa po puwedeng sabihin kasikinakausap pa nila," natatawang wika ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN