Ronnie Liang learns big lesson after admitting crush on Sarah Geronimo


"Siguro po, hindi naman porke sikat siya kaya mo siyahinahangaan. Ang masakit lang po run minsan, may sinabi kang crush, nakakahiyana kapag sinabing gagamitin mo. You admire that girl, hinahangaan mo angpersonality niya but it doesn't mean na ginagamit ko po siya," says Ronnie Liang.



Bago pala maging singer at sumali sa Pinoy Dream Academy,ang talagang pangarap ni Ronnie Liang ay ang maging aktor. Nalaman namin angmuntik nang mabulilyasong pangarap na ito ni Ronnie nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa ipinatawag na press conference para sa Star Magic singers na kasama sa I Love Betty La Fea noong Martes, September 16, sa 14th floor ng ELJ Building.

"Actually, bago ako maging singer, gusto ko pa talaga angumarte," panimula ni Ronnie. "Pero minahal ko na rin po ang singing dahil ditopo ako nagkaroon ng opportunity, kasi masyadong maraming umaarte. Hanggang sama-discover nga ng manager ko na marunong pala kong kumanta, pinag-audition poniya ako sa singing. Nag-o-audition din po ako sa acting, pero unfortunatelypo, hindi po ako natatanggap noon."

Kuwento pa ni Ronnie, almost two years ago lang daw nangma-discover niyang kaya pala niyang maging professional singer. Although evenbefore, kasama na raw siya sa choir sa church. Pero nang mapasama sa PinoyDream Academy Season 1 noon, doon na raw nagsimula ang singing career niyahanggang sa magkaroon siya ng album under Universal Records.

Sa I Love Betty La Fea, gagampanan ni Ronnie ang papel niEnrique. Noong Miyerkules, September 17, siya unang nag-taping sa EcomodaManila, na siyang tumatayong opisina ng naturang serye.

"Ang role ko po, ako po si Enrique. Pinakabagong HR [HumanResource] manager ng Ecomoda. Dati akong seminarista na naging HR manager. Andthen, naging seryoso ako sa babae. Umiiwas po kasi ako sa tukso dahil maramingmagagandang babae roon, so conservative po ako rito," paglalarawan ni Ronnie sakanyang role.

First time daw niyang mag-comedy.

"First time po and I'm very excited. It's a dream come true poat sabi ko nga, sana ay mapasama ako sa teleserye someday. Kaya talaganggustung-gusto ko pong talaga na mag-acting. Kaya nang sabihin sa akin namag-audition ako for Betty La Fea, ginawa ko naman po at masaya naman po ako nanakuha naman po ako for the show," saad ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LESSON LEARNED. Nasulat na rin sa isang artikulo rito saPEP na pagkatapos maglabasan ng mga isyu tungkol sa mansion at swimming poolabout Sarah Geronimo, humingi na raw ng dispensa si Ronnie kay Sarah. Peronatuwa rin daw ang male singer nang si Sarah mismo ang magsabi sa kanya nahuwag na lang niyang pansinin yung mga nasusulat.

"Siguro nga po, ganoon lang talaga sa showbiz minsan,nami-misinterpret nila at iba po yung nasusulat. Pero alam n'yo po, nabasa kopo yun, e. Totoo naman po na a month ago, inamin ko po na crush ko po siya.Pero wala po akong sinabi na niligawan ko po siya at gusto ko po siyangibahay.

"Siguro po sa ngayon, hindi na muna po ako magsasabi ngcrush-crush. Sa akin na muna po ang lovelife," napapailing niyang sabi.

Na-trauma ba siya at biglang tila gusto na lang niyangkalimutan kung anumang paghanga meron siya for Sarah?

"Siyempre, nandoon pa rin ang pagka-crush ko sa kanya, perohanggang doon na lang. With all thethings happening, parang huwag na nga lang po muna, hanggang crush nalang."

Nasabi ba niya sa sariling mahirap pala ang magsabi na crushniya ay sikat?

"Siguro po, hindi naman porke sikat siya kaya mo siyahinahangaan. Ang masakit lang po run minsan, may sinabi kang crush, nakakahiyana kapag sinabing gagamitin mo. You admire that girl, hinahangaan mo angpersonality niya but it doesn't mean na ginagamit ko po siya," aniya.

Ano ang natutunan niya sa nangyari?

"Maging maingat ka sa lahat ng sasabihin mo at ganoon po palatalaga sa showbiz," nangingiti niyang sabi.

Nasaktan ba siya na ang naging dating sa ilan, parangginagamit niya si Sarah?

"Nasaktan po akong talaga kasi hindi ko naman intention.Nagulat na lang po ako na yun po ang naglabasan. Ang sa akin lang, I reallyadmire her. Nakakasama ko po siya sa ASAP. Mabait po siya. I really admire herand she's very approachable."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang bagay kung bakit din daw niya hinahangaan si Sarahnoon pa man ay nasubaybayan daw kasi ni Ronnie ang pop superstar simula pa langnoong manalo ito sa Search For A Star. May kuwento raw kasi noon nanangungutang ng pamasahe ang magulang ni Sarah para makasali siya sa contest.Somehow, hindi raw maiwasan ni Ronnie na makita ang sarili at pinagdaanan dinkay Sarah.

"Yes, ganoon din ako...dumaan din kami sa mahirap nabuhay. At ngayon, nandito rin ako sa showbiz at unti-unti, natutupad yung mgapangarap ko. Gusto kong gayahin si Sarah na hindi rin ako magbabago," pahayagni Ronnie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN