Piolo Pascual talks about love, career, and intrigues

"When it comes, it comes. I'm still looking forward for it.And if it happens everyone will know," answers Piolo Pascual when asked when will he settle down.



Positive ang feedback ng mga tao sa TV commercial ng Pond'sPinkish White Dream Date Promo, kung saan tampok ang dalawang hottest matineeidols at most in-demand male product endorsers sa bansa ngayon—sina PioloPascual at Dingdong Dantes.

Sa launching ng naturang Pond's promo kahapon, September 18,sa Crowne Plaza Ortigas, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)ang ABS-CBN Kapamilya idol na si Piolo Pascual. And Piolo has only good wordsfor his GMA Kapuso counterpart na si Dingdong.

After the Pond's commercial, posible bang mag-collaboratesila ni Dingdong para sa isang project na pagbibidahan nilang dalawa, sincenagpo-produce na rin si Piolo at nagdidirek naman si Dingdong?

"That remains to be seen," sagot ni Piolo. "We have a commonfriend, si Direk Joyce Bernal. And si Dingdong nga is also a director and afilmmaker. We just love our work. Mahal naming pareho yung filmmaking. We're both gonna grow with our craft. So,there's a possibility. Dong is very nice person. I don't mind working with himagain."

Aware ba siya na silang dalawa ni Dingdong ang pinagpilianng E! Entertainment para sa isang slot sa 25 Most Sexiest Men of the World?

"Hindi ko alam. It's a privilege, Dingdong and I, whoever,it doesn't matter. His pride is my pride and kung sino man sa amin ang mag-standout, walang problema doon. Kami ni Dingdong, we give each other time to shinealso. I'm proud to know na napili siya," sabi ni Piolo.

ON HIS DREAM DATE. Since dream date ang Pond's promo,inihayag ni Piolo na ang gusto niyang maka-date ay yung "girl who can make himsmile." Pero kung siya ang papipiliin ng dream date niya, sino ang gusto niyangmaka-date?

"Of course, Natalie Portman, and then Winona Ryder. Crush kotalaga silang dalawa. Ambisyoso ako, pero kaya nga dream date, di ba?"natatawang sabi ni Piolo. "Sa local naman, Angel [Locsin] can be a nice date.Marami pa like Marian [Rivera], Kristine [Hermosa], Anne [Curtis], Nikki [Gil],Claudine [Barretto], Bea [Alonzo], at Sarah [Geronimo].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit halos lahat yata ng binanggit niya ay Kapamilya stars?

"Ang hirap kasi kapag nagsabi ka ng Kapuso, naiintriga ka,e. But kahit sino naman, e, basta pareho kayo ng gusto, okay yun."

ON ANGEL LOCSIN. Pagkatapos ng kanilang teleseryeng Lobo saABS-CBN, balik-tambalan sina Piolo at Angel Locsin, pero this time sa bigscreen naman. Abala nga si Piolo ngayon sa shooting ng pelikula nila ni Angelunder Star Cinema

After three weeks ng shooting sa Bukidnon ay bumalik ngManila last September 17 si Piolo para sa September 18 press launch ng Pond's. Pero ngayong araw na ito, September 19, aybumalik din agad si Piolo sa Bukidnon para ituloy ang shooting niya with Angel.

Kumusta na sila ni Angel ngayon, especially sinabi niyangisa ang aktres sa gusto niyang maka-date?

"We're better. Mas relaxed kami sa isa't isa. Maskumportable kaming magkaeksena. And we get to enjoy each other's company evenmore, because kami ang laging magkasama. Magkatabi kami ng kuwarto. Kapagwalang shooting, magkasama kaming kumakain. We even went water rafting duringour break. So, nakakatuwa. At saka si Angel, napakamaalaga."

Nagkakahulugan na ba sila ng loob ni Angel?

"Siguro kasi people will think na laging magkasama kayo andposibleng magkahulugan ng loob. But we are just happy na our dream of having amovie together is coming true. And at the same time, masaya kami sa ginagawanamin. I don't want to give malice to the friendship that we have, especiallyafter a year of working together mas nagiging maganda yung relationship namin."

Kailan ba ipalalabas yung pelikula nila?


"It's going to be shown probably in November," sabi ni Piolo. "And we arerouting sa Amerika and sa Europe for our screenings. It's okay for me kasimakakabisita ulit ako sa Amerika, and my son [Iñigo] is there. Angel is happyalso kasi marami naman talaga ang nag-aabang sa pelikula. May mganagpapa-reserve na raw ng mga tickets. I'm excited."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pressure kay Angel, especially na this is her firstmovie as a Kapamilya and her first project under Star Cinema. Ano angencouraging words na sinasabi ni Piolo kay Angel?

"I am telling her nga na hindi siya dapat magpadala sapressure. For me, the bottom line is to be able to deliver and offer theaudience something entertaining and new for them to watch."

Hindi ba siya nagwo-worry na pagselosan siya ni LuisManzano, na boyfriend daw ni Angel Locsin?

"Luis and I are friends. We see each other sa ASAP. Andnever kaming nagka-issue ni Luis. I have great respect for the guy," sabi niPiolo.

ON ROSANNA ROCES. Bukod sa pelikula nila ni Angel Locsin,proud din si Piolo sa pelikulang Manila, kung saan siya ang bida atco-producer. Hiningan ng PEP ng update si Piolo tungkol sa naturang indiemovie.

"Tapos na yung shoot niya. Nagpo-post prod na kami ngayon.I'm excited kasi first time akong nag-produce. It's a different Piolo thatpeople will see. I'm excited as well knowing na pinaghirapan natin yungproyekto. We shot 10 days for the movie. I have only high hopes for the filmand I'm excited."

Todo ang paghanga at papuri na ibinibigay kay Piolo bilangaktor at producer ni Rosanna Roces na kasama niya sa pelikulang Manila. Pero siOsang nga ay may image na pasaway daw, hindi ba niya naging sakit ng ulo sashooting ang controversial actress?

"Alam mo may call time siya and she was there on time. Neverkaming na-delay because of her. She even visited our set twice before siyamag-shoot, just to, you know, have a feel of the movie and how is she going tobe a mother to me. Kasi nga first time naming nagkatrabaho. She was sosupportive. Napakasarap niyang katrabaho, napakagaan, magaling, ganun."

Nagkasakitan daw talaga sila sa "bugbugan scene" nila. Totooba ito?

"Only because we have to be realistic," sabi ni Piolo. "Andsa isang eksena kasi ang daming shots, e. And she must have hit me a couple oftimes. Nasampal niya ako ng kung ilang beses. Pero yung iba daya na kasisiyempre nahihiya rin siya. Pero ang nakakatuwa, she's very professional. Enjoytalaga akong katrabaho siya. I wish there will be more time and more projectsna magkakasama kami nang matagal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-e-expect ba siya ng award for the movie at para sakanya?

"We're not looking after that. I'm just happy that I wasable to produce a film to star in it. It's a twinbill. It's a challenging role.We just want to offer the audience a new Piolo that they haven't seen before."

ON JERICHO AND THE HUNKS. Pansamantalang huminto sapag-aartista to focus on his music and singing career, nagbalik na nga sapag-arte via ABS-CBN's new teleserye Kahit Isang Saglit ang kanyang kaibigan atdating kasama sa Hunks na si Jericho Rosales. Ano ang masasabi ni Piolo rito?

"I'm happy for Echo. I always told him na konti lang angnabibigyan ng opportunities sa trabaho natin. He's one actor na alam kongmagaling. I'm praying na maging successful yung show niya. We are hoping to doa movie together."

Posible bang magkaroon ng reunion ang Hunks, lalo na nga'tactive na ulit sa showbiz ang lahat ng members, kabilang sina Echo, DietherOcampo, Bernard Palanca, at Carlos Agassi?

"That remains to be seen. I don't mind. I love the guys.Magkakapatid kaming lahat, e. So, okay lang magkaroon kami ng reunion. But oncein a while we keep in touch. And nagkaroon pa kami ng reunion sa ASAP. And walakaming problema sa isa't isa. We are always there for each other."

ON KAPUSO STARS. Isa rin sa naging topic ng pagtatanong ngPEP kay Piolo ang ilan pangalan ng mga sikat na Kapuso talents.

Between Marian Rivera and Katrina Halili, sino ang gustoniyang makapareha?

"I'd like to work with both. I've worked with Marian sa isangendorsement. I also would like to work with Katrina."

Si Richard Gutierrez ay nakagawa na ng pelikula sa StarCinema. Is Richard a threat sa kanyang leading-man status sa Star Cinema?

"Hindi naman po," sagot ni Piolo. "As I have said in myprior interviews, hindi naman ako na-issue sa mga nagkakaroon ng pelikula saStar. Napakalaki ng Star Cinema para hindi mabigyan ng projects ang ibangartista. Actually, it's a welcome change also that Richard was able to do aproject with us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON JUDY ANN SANTOS. Hindi rin maiwasang maitanong kay Piolosi Judy Ann Santos, lalo na nga't nakaayos na sila at magkakasama pa as guestssa nalalapit na concert ni Ogie Alcasid?

"Wala na kaming problema ni Juday. Nagkasabay nga kami saflight pabalik ng Pilipinas galing ng Paris. Nagkasabay kami sa Dubai.Nagkasalubong pa kami sa linya. Exchange of 'hi' and 'hello'. Wala na kamingproblema," diin niya.

Dati sila ang laging magkasama sa mga projects. Ngayon maykanya-kanya na silang mga bagong kapareha. Hindi ba siya nanghihinayang nahindi na sila ang magka-love team ngayon?

"Natural lang naman na you grow, and you grow apart, namaipa-partner kami sa iba. At the same time, I'm happy sa nangyayari sa buhayniya ngayon. Kung anuman meron si Juday, I'm happy knowing na masaya sila niRyan [Agoncillo]."

Willing ba siyang makatrabaho si Juday ulit?

"Yes, I'm very open. Alam n'yo naman I never close my doorsto anyone, especially with Juday. So, bahala na lang kung mangyayari yun, kungkelan."

So, kailan nga kaya, lalo na at may mga fans pa rin nahumihiling na magsama sila sa isang project?

"It's not for me to say. We can only pray for it to happen.Tingnan na lang natin. Ako I'm willing to work with her again sa ABS-CBN. I'mhappy knowing na wala akong kaaway, okay kami."

Malapit na raw magpakasal sina Juday at Ryan, anong palagay niya rito?

"That's good, I'm happy for them. And it's about time.Pareho naman na silang ready, especially emotionally. It's going to be nice ifthey decide to start their own family.

Si Piolo, kailan naman siya ikakasal?

"When it comes, it comes. I'm still looking forward for it.And if it happens everyone will know," pagtatapos ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN