PART I: Mrs. Rose Flaminiano to Gabby Concepcion: "Wala kang utang na loob!"

Rose Flaminiano (left) on Gabby Concepcion: "Sana lang,magkaroon siya ng puso. Buksan niya ang kanyang pag-iisip. Kasi minsan siGabby, ganun, e. Parang hindi na niya alam kung ano ang kanyang ginagawa. Siya,marami siyang ‘sulsoltan.' Ganun si Gabby, madaling masulsulan."


Isa-isang sinagot niMrs. Rose Flaminiano, o mas kilala sa tawag na Mommy Rose sa showbiz, ang lahatng isyung ibinabato sa kanya ng talent niyang si Gabby Concepcion.

Nagpatawagsi Mommy Rose ng isang presscon kasama ang kanyang legal counsel na st Atty.Bonifacio Alentajan noong Miyerkules, September 17, sa Hotel Rembrandt saQuezon City, para sagutin ang mga paratang sa kanya ni Gabby sa interview nito saThe Buzz noong September 14.

Una na rito angtungkol sa diumano'y patong na P25,000 sa kontrata ni Gabby sa kanyang show saPAGCOR.

"Bakit niya akongayon aakusahan sa twenty-five thousand?" tanong ni Mommy Rose. "Imagine, akolahat ang gumagastos. Siguro si Atty. Alentajan [na katabi niya that time],kaibigan ko ito, pero hindi ko naman pababayaan kahit paano na hindi akomagbabayad.

"Naka-amerikana [tuxedo], nagpapalinis pa ‘yan [Gabby] ng amerikana. Peroang asawa ko [Atty. Ed Flaminiano], pumupunta doon [sa hearing ng mga kaso niGabby] nang walang bayad alang-alang sa akin. Walang attorney's fee kahitsingko sentimos, wala siyang ibinayad.

"Ako ang nagpiyansa,ako ang nagbabayad lahat. Ano pang ano? Magtutuusan kami? Baka siya pa angtalagang sumobra ng ano sa akin kapag nagtuusan kami? Biro mo, twenty-fivethousand sa harap ng telebisyon sasabihin niya. Di ba, nakakahiya yun?

"Hindi ko langmasabi that time, siyempre may P11 million ako naisampa sa kanya. Every month,two million mahigit, plus one million ang teleserye [Iisa Pa Lamang]. E, ditatlong milyon yun? ‘Tapos aakusahan niya ako sa twenty-five thousand? Ano bayun? Ang babaw!

"Kaya yun 'pagnaalala ko yun, kaya ako napahagulgol talaga ng iyak, kasi yung totoo naman,nung sinundo ko siya sa Amerika, talaga naman, maayos naman siya. Natuwa ako sakanya kaya ganun na lang ang pagtingin ko. Siya ang naghuhugas ng pinggan. Siyayung doon sa bahay niya, nung naglipat siya, nakita ko na mag-isang naglilipat.Siyempre, nung nakita ko siya, ‘Oy, pagdating natin sa Pilipinas, wala na 'yan.Hindi mo na dadanasin ‘yan. Ikaw Gabby, pagdating natin, makikita mo kung paanoko ipagtatanggol, kung paano kita iaangat ulit.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakita niyo namanna walang nangyari sa buong industriya sa pelikulang Pilipino na bumalik naganyan kainit. Tama o mali? Hindi kasi ako talaga, kinu-consider ko, nagingchallenge sa akin yung pagbabalik ni Gabby. Kaya ako, super ang ligaya ko nung siya'y nakaahon. Kaya lang, yun nga ang inaano ko, kung bakit napakaliit na bagay.

"Assuming, sige na,P150,000 nga yun, P125,000 ang napunta sa kanya, yung P25,000 ba, dapat baipagmarakulyo ng ulo mo sa isang nakapagbigay, ako, ng ilang milyones na? Mga eight to ten million, ‘tapos elevenmillion? Iba pa yung mga inaayos ko para maging Ambassador of Good Health andEducation siya. Siya mag-aayos ng mga nutrition. E, ngayon, nagkagulo kami.Meron pa bang sponsor na puwedeng pumayag? Meron pa bang mga kukuha na puwedengpumayag?

"Ang sinasabi, pinapalitawsa akin ngayon, meron daw isang mayaman na magdedepensa sa kanya. Isang mayamanna talagang tutulungan siya sa kaso. Okey lang. E, hindi ko alam kung sinoyun."

REAL REASON OF GABBY'S RETURN. Totoo ba na angrason ng pag-uwi ni Gabby sa Pilipinas ay dahil sa maysakit niyang ama na siRolly Concepcion?

"Actually, hindi konarinig ‘yon. Nahihiya man ako, ‘no, tutal narito na tayo sa gathering natinngayon, yung katotohanan lang... Kasi meron akong narinig, sabi ni Jobert[Sucaldito], kaya lang daw siya sumama sa akin, natumbok ko yung ano ni Gabby,na gusto niyang makita ang tatay niya. Hindi," mariing sabi ni Mommy Rose.

"Nung nagkikita kamisa Hawaii, sa Max's restaurant, sabi ko sa kanya... Kasi talagang guwapo pa siya, e, talagang puwede pa siya.‘Naku, Gabby, puwede ka pa sa pelikula. Kalangan ka namin. Tara, gawa tayo ngpelikula.'

"Sabi niya, 'Parangayoko nang umuwi.' Sabi ko, ‘Anong problema mo?' Until finally, nasabi niya saakin yung mga kaso, yung mga ganyan. Sabi ko, ‘O sige, ayusin ko yun.Ire-research ko yun kung ano yun para malaman ko na puwede ka nang makabalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, inayos naminyun dito bago siya bumalik. Kaya nung bumalik siya, ayos ang lahat. Pati yungpiyansa niya, binayaran ko. Hindi dahil sa tatay. Nung nalaman ko na lang doonsa The Buzz, na gusto niyang makita ang tatay niya. Pero sa akin, hindi na akoaano doon, tutal ama naman yun, di ba?

"Pero ang totoo,paanong sa ama niya, e, nagkontratahan? Nung sinundo ko siya, meron akongkontrata ng ABS-CBN? Alam niya na gagawa siya ng teleserye. Alam niya na gagawasiya ng pelikula. It's a three-picture contract. Yung teleserye nila, alam niya yun. Kaya yung tatay, hindi ko alam yun."

GABBY'S LEGAL WOES. Ano yung inayos niyabago bumalik si Gabby ng Pilipinas?

"Inayos namin yungbigamy [case] niya. Tiningnan namin kasi may mga piyansa yun. Kasi may warrantof arrest; 1997 pa, meron nang warrant of arrest. Kaya nga nung bago dumating‘yan, parang meron akong sasabihin sa inyo, pero ayoko nang magbanggit sainyo. ‘Naku, Mommy Rose, natatakot ako diyan, baka nakakahiya ‘yan. Bakapagdating niyan naka-posas ‘yan. Nakakahiya, e, ang daming nagsasabi poposasandaw.' Sabi ko kay Gabby, ‘Huwag ka nang mag-alala. Basta ako na ang mag-aayosniyan. Sagot ko ‘yan.' Walang nangyari. Naayos siya."

Ano yung mga kaso niGabby na inayos niya?

"Dalawa yun, e.Dalawang falsification ng public documents at isang bigamy."

Sinabi rin ni Gabbysa The Buzz na siya na mismo ang nag-ayos ng Tax Identification Number (TIN)niya at Alien Emergency Certificate, hindi si Mommy Rose.

"Okey, nung dumatingsiya, ibinigay ko sa kanya ang tax account number niya. Sabi niya sa akin, ‘Ay,mabuti pala may tax account number na ako.' Oo, kasi gagamitin nga pag-open ngaccount, e. Sabi niya, ‘O, sige.' Sabi niya meron siyang accountant noon pa.Ang pangalan, Jon Vitug. Ah, o sige, okey ‘yan.

"Tungkol naman saImmigration niya, inaano ko raw siya, tine-threaten ko, hina-harass ko. Akoyung nagmamalasakit sa kanya, iha-harass ko siya? Yung sinasabi niyangImmigration, ang sabi niya sa akin, three or four months ago, sabi niya, ‘MommyRose, meron na akong certificate ng dual citizenship ko.' E, di natuwa namanako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"‘Tsaka in the firstplace, wala naman sa kontrata ako ang mag-aayos ng Immigration niya. Walanamang Immigration office na extension doon sa opisina ko. E, kung anak ko, apoko na American citizen hindi ko maayos, siya pang kumikita at marami namansiyang puwedeng utusan?

"Number two, yungBIR niya, hindi naman ako accountant. Malay ko! Sabi niya, meron naman siyangJon Vitug. Malay ko kung meron din siyang i-declare na iba? Bakit kopakikialaman? Parang napakababaw, nakakasakit talaga ng ulo. Kaya nung Linggo[September 14] na yun, ayokong panoorin, e. Pero napilitan ako. ‘Naku, dyusko,ang babaw pala nito!' Akala ko kung ano ang mga pinagsasabi niya.

"Ang pinakamasakitdoon sa akin, yung P25,000. Sabi nga ng kakilala ko, ‘Naku, Mommy Rose, ano banaman 'yang alaga mo? Twenty-five thousand samantalang...Di ba? Kung P100million ‘yan, puwede pa. Masyadong ano, ewan ko."

UTANG NA LOOB. May nagtanong kay MommyRose kung hanggang kailan at hanggang saan ang pagtanaw ng loob.

"Sa akin, nahihiyaakong sabihin sa kanya, ‘Wala kang utang na loob!' Yung utang na loob, ‘pagtiningnan mo, parang ayokong manggaling sa akin yun. Kasi lahat naman yun,talagang bukal sa kalooban ko na tulungan ang isang Gabby Concepcion. Naturalsa kultura ng Pilipino kapag tinulungan mo, lahat naging honest ka sa kanya.

"Limang buwan kosiyang pinagtiyagaan. Sabi nga minsan, iko-quote ko na si Malou [Santos,managing director ng Star Cinema], ‘Bakit naman kasi sama ka nang sama kayGabby?' Siyempre, tinitingnan ko kung paano yung reception sa kanya ng tao.

"Ngayon, nasa sakanya na yun kung tumanaw siya ng utang na loob. Pero kung baligtarin mo, akosi Gabby Concepcion, siya si Mommy Rose, talagang tatanaw ako ng utang na loobdahil si Mommy Rose nagpakahirap. Yung major effort niya, lahat ng effort niyapara maibalik niya ng Pilipinas. Lahat ng tinatamasa niyang tagumpay niyangayon, hindi mo naman puwedeng sabihin na hindi yun galing sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana lang,magkaroon siya ng puso. Buksan niya ang kanyang pag-iisip. Kasi minsan siGabby, ganun, e. Parang hindi na niya alam kung ano ang kanyang ginagawa. Siya,marami siyang ‘sulsoltan.' Ganun si Gabby, madaling masulsulan."

Halimbawangmagmakaawa si Gabby na patawarin na, idi-dismiss ba niya ang kaso laban saaktor na isinampa niya sa korte?

"Actually, yungtotoo din, ayoko namang maglumuhod siya. Ayoko naman na magmakaawa siya. Makitako lamang na sincere na sincere ang kanyang pagsisisi na ginanun niya ako,talagang parang pakiramdam ko nabasura ako. Ang pakiramdam ko, bakit ngayon?Ang pakiramdam ko, pinagnakawan ko siya ng pera. Ano ba yun? Wala akong... Yuntalaga ang sama ng loob ko, ganun-ganun na lang. Pero tatanggalin ko ‘yan dahilsiyempre ako, parang ina sa kanya, puwedeng magpatawad ng anak."

CLICK HERE TO READ PART II.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN