PART II: Rose Flaminiano on Gabby Concepcion: Not "angelic face" but "Satan"

There's no stopping Rose Flaminiano (main) from talking against her ward Gabby Concepcion (inset). If Gabby tells the public that she'll remain as his manager, will she stop? Let us wait and see.


Tuluy-tuloy ang pagkukuwento ni Rose Flaminiano tungkol kay Gabby Concepcion, na recently ay nagpadala ng sulat kung saan nakasaad na gusto na niyang i-terminate ang kontrata nito sa producer ng FLT Films.

Dagdag pa rito, sinabi raw ng aktor sa isang interview na hindi raw niya lubusang kilala si Rose Flaminiano noong nagkita sila sa States. Ano naman ang masasabi ng talent manager tungkol dito?

"Well, nung sinabiniyang ganun, well, talaga itong si Gabby..." sabay buntunghininga ni Mommy Rose."Kung hindi niya ako kilala, bakit siya sumama sa akin, di ba? Hindi kasi, bagokami umalis, meron akong kontrata galing ng ABS-CBN na una, exclusive siya satelebsiyon at exclusive din siya, three-picture contract in two years, at sakameron siyang... Alam naming lahat, ako at saka ng Star Cinema, na meron siyangpinirmahan sa GMA Films. Totoo yun.

"Ngayon, sige na,doon na lang tayo sa mababaw na hindi niya ako kilala. Bakit siya sumasama sahindi niya kilalang tao, di ba? Pumirma pa siya sa akin? E, kunyari mo, akohindi niya ako kilala, pumunta at isinama ko siya, ‘O, halika na. Punta natayo, punta na tayo sa eroplano. ‘Eto na ang iyong tiket. Tabi na tayo atpupunta tayo ng Pilipinas.'

"E, bakit hindi niyaako kilala? E, kung sinet-up ko siya samga kaso niya na pagdating niya rito, posas dito, posas doon ang ginawa sakanya? Paano niya sasabihin na hindi niya kilala?

"Kilala niya ako namabuting tao kaya siya sumama at talagang naniniwala siya doon sa talaganginayos ko, bago siya pumunta, yung lahat ng warrant of arrest niya. Kaya paanosasabihin niya na hindi niya ako kilala?"

Nagsisisi ba si Mommy Rose, ang tawag ng karamihan sa talent manager, sa ginawa niyang pagbabalik kay Gabby dito sa Pilipinas?

"Sa ngayon, sa nangyayarisa amin, nagsisisi ako," sagot ni Mommy Rose. "Malaki ang pagsisisi ko. Akalako ang isang kinuha ko ay angelic face. Yun pala, nakakahiyang sabihin, Satan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ayiuurong na lang ba nang ganun ni Mommy Rose ang kasong isinampa niya kay Gabby?

"Sa akin, alam mo banung nagkita kami, nung Martes ko ipinayl? Nagkita kami ng Lunes [September 15]ng gabi, hiyang-hiya nga ako ako kasi alam mo kung sino ang namagitan? SinaTita Celia Rodriguez at Tita Daisy Romualdez. Hiyang-hiya ako sa kanila. Alam kona nagtatampo sila sa akin.

"Sana Tita Dei [Daisy], Tita Celia, naipit po ako. Siyempre, nasa legal na po, e. Ang sinasabing abugado ko, bakit ang nakikipag-ayos hindi po yung abugadong sumulat saakin? Bakit si Fortun ang sumulat, pero ang nakikipag-ayos isang Atty. DexterLacuanan? 'Tapos meron pasiyang sinasabi, hindi pa niya nakakausap si Gabby.

"Siyempre, kailangan nangi-file. Nag-usap na kami nung aking abugado dahil ang inisiip lang niya, bakameron silang gimik. Baka meron silang ibang step na gagawin. Kaya I'm sorry,Tita Celia, Tita Daisy, hindi na ako nakapaghintay. Ang katuwiran ko nga naman,bago ka [Gabby] sana umupo, nagsalita sa The Buzz, dapat napigilan ka. Ngayong akonaman, pinipigilan ninyo? Paano naman, saan ninyo naman ako ilalagay?" pahayagng FLT Films producer.

Ayaw ba niyang pakawalan si Gabby?

"Actually, di ba, kayanaman ako nag-file ng [kaso] sa kanya, kung inisip niya, natural nag-invest akosa kanya, nag-invest din ako sa kanya ng pagmamahal ng isang ina. Sinundo kosiya sa Amerika, lahat ng effort ginawa ko para maging isang Gabby Concepcionsiya.

"Hindi ko masabingi-let go siya nang ganun kadali. Kasi nagmalasakit din naman ako sa kanya.Minahal ko siya na parang sariling anak. Nag-invest ako sa kanya ng emotionalfeelings kaya talagang masakit."

Totoo ba natinawagan niya ang dating manager ni Gabby na si Lolit Solis para kumuha ngsuporta?

"Hindi. Okey... Yungkay Nanay Lolit, ang totoo nun, tinawaganko siya. Okey naman, nag-usap kami. ‘Nanay Lolit, nababasa mo ba yungnangyayari sa amin ni Gabby?' ‘Ah, oo.' ‘O, bakit nabanggit mo wala ka namangproblema kay Gabby? Paano ka magkakaproblema, Nanay Lolit, e, nanalo nga sa 'yosi Gabby? Meron kang dapat bayaran sa kanya na P700,000, ‘no?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, that time namansiguro, hindi kagaya ng singlawak ngayon, sa dami ng booking ngayon, ganun.Kaya nasasabi niya yung ganun. At hindi rin kita masisisi dahil alam ko nameron dapat kolektahin sa kanya si Gabby. At kaya hindi ‘yan nakokolekta dahilna rin sa akin.

"Sinasabi ko kayGabby noon, nung kaming dalawa ang magkasama, ‘Pabayaan mo na yung kay NanayLolit kasi nagmalasakit din siya sa 'yo. In fairness kay Nanay Lolit, Gabby,wala siyang sinasabi sa ‘yo. Alam mo, Gabby...' Kasi minsan sinasabi niya maramingbeses, sinasabi niya na, ‘Natu-trauma ako kasi ayoko nang mangyari yung nangyarisa amin ni Lolit. Traumang-trauma ako,' sabi niya. ‘Ah, ganun ba yun? Bakit mo naman ipagkukumpara si Nanay Lolit saakin? Siguro malaki naman ang diperensiya naming dalawa?'

"E, ngayon, hanggangngayon, sinasabi sa akin. Sabi ko sa kanya, ‘Hayaan mo na yun, Gabby. Matagalna ‘yan. Yung kinukolekta mo kay Nanay Lolit, hayaan mo na yun. Tutal namanano, blessed ka naman. Marami ka namang show. Kikitain mo ‘yan. Balato mo nalang kay Nanay Lolit. Tutal parang nararamdaman ko kay Nanay Lolit, gusto naniyang magpahinga. Nag-mellow na rin siya.'"

Nalungkot ba siMommy Rose nang hindi siya nakakuha ng suporta kay Lolit laban kay Gabby?

"I don't care,"sagot niya. "Basta ang sinabi niya sa amin, ‘Sige, imbitahin mo ako, Mommy Rose.Sasabihin ko rin na yung aking L300, hindi pa rin niya nababayaran hanggangngayon.' Sabi ko, ‘So meron pa rin kayong usapan sa pera?' Naku, Nanay Lolit!"

Hanggang ngayon baay naiiyak pa rin siya sa gabi?

"Alam mo, nabuhos kona lahat ng luha ko. Nung dumating ako, drain na drain ako. Talagang masakit!Talagang hanggang pinipilit ko na huwag na lang akong lumuha kasi nandiyan na, eKailangang admitin ko na ang katotohanan na kung saan kami mapunta, tanggapinko na. Tanggap na tanggap ko na kahit hindi na siya bumalik sa akin. Aayusin nalang ang kontrata namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nami-miss ba niya siGabby na dati ay halos araw-araw niyang sinasamahan?

"Hindi na po. Siyempre, ‘pag naaalala ko angginawa niya sa akin ngayon, paano ko pa siya mami-miss?" pagtatapos ni MommyRose.

GABBY'S SILENCE. Samantala, tahimik pa rin ang kampo ni Gabby simula noong nai-file ang kaso laban sa 43-year old actor. Nagkaroon ang PEP ng pagkakataong makausap siya kahapon (click to read article ), September 18, at sinabi nitong magbibigay siya ng pahayag kapag meron nang go-signal ang kanyang lawyer.

Pero isang source ang nagsabing ikinagulat daw ni Gabby ang pagsampa ng kaso laban sa kanya. Maging sina Celia Rodriguez at Daisy Romualdez ay naguluhan din daw sa desisyon ni Rose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN