Dingdong Dantes talks about working with Piolo Pascual

"Sa akin it's an honor. Para makasama at, kumbaga, magkaroonng equal footing sa isang very respected and, kumbaga, high-ranking co-actor," says Dingdong Dantes about Piolo Pascual.



Inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siDingdong Dantes kasama si Piolo Pascual sa isang function room sa Crowne PlazaOrtigas, kung saan ginanap ang launching ng bago nilang endorsement na facialproduct last Thursday, September 18.

May benda pa ang kanang kamay ni Dingdong nang makausap namin siyaafter ng one-on-one session interview niya sa ilang broadsheet.

"Naaksidente ako sa taping," bungad ni Dingdong saamin.

Inalam agad namin kay Dingdong kung ano ang pakiramdam niyana katabi si Piolo sa isang event tulad ng launching-presscon nila for acertain product.

"Siyempre, a different feel, different atmosphere. Parangit's a fresh slate because we're here in a product together who came fromdifferent networks. Very fresh and para sa akin, very great experience."

Kumusta naman ang naging working relationship nila ni Piolo?Nagkaroon ba sila ng bonding moments?

"Kung sa bonding, wala pa masyado kasi isang araw langkaming nagkasama sa shooting ng commercial. Pero I'm looking forward naman todoing projects aside from this later on."

What was his initial reaction nang malaman niya namagkakasama sila ni Piolo for an endorsement?

"Sa akin it's an honor. Para makasama at, kumbaga, magkaroonng equal footing sa isang very respected and, kumbaga, high-ranking co-actor."

Ano ang naging impression niya kay Piolo sa isang araw na nagkatrabahosila?

"Ano, very down to earth. Very professional."

Nagkaroon din daw sila ng chance ni Piolo na magkausap.

"Pinag-usapan namin yung kagandahan ng industriya natin atano pa ang possibilities of doing it better."

Napag-usapan din ba nila ang possibility of doing somethingtogether na isang proyekto?

"Hindi naman namin directly napag-usapan, pero siyempre ako,it's an option that I would really want to consider. Although hindi namantalaga namin napapag-usapan in detail personally, pero it's a possibility."

Nauna nang nakasama ni Dingdong sa isang endorsement productang isang Kapamilya na si Angelica Panganiban; this time, si Piolo naman.Interestingly, nakasama na rin ni Piolo ang ka-love team ni Dingdong na siMarian Rivera sa isang endorsement. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's how we evolved na, e. Na hindi lang limited sakanya-kanyang istasyon. You know, we get to work with our co-actors over thebakod," saad ni Dingdong.

Hindi ba sila nagkaroon ng problema sa billing o kungsino ang mauuna sa kung anuman?

"Wala, walang-wala," sagot ni Dingdong. "And kung meron man,I would give way. I mean, I would definitely salute and give high regard. Forme, there's no issue kung siya ang mauna sa billing. He deserves that more thanI do."

What about talent fee? Sino ang mas malaki?

"Hindi ko na alam yun. Sila na ang bahala sa mga ganyan,"nakangiti niyang sabi.

Nangangarap ba siya na makagawa rin ng pelikula sa StarCinema, tulad ni Richard Gutierrez, na nakasama ni KC Concepcion sa For The First Time?

"Hindi naman," sabi ni Dingdong. "I would want to do a moviewith GMA Films first. And yung sa Star Cinema if they want me, sana. Why not? Imean, if it was already a possibility, of course, my doors are open."

Nakakontrata pa raw si Dingdong ngayon sa GMA Films. Last Thursday rin naganap ang story conference para sa first film nila ni MarianRivera sa GMA Films, ang One True Love. Kasama rin nila rito si Iza Calzado nanakatambal na ni Dingdong sa mga pelikulang Moments of Love at Eternity.

Ano naman ang reaksiyon ni Dingdong sa sinabi ng isa pangKapamilya na si John Lloyd Cruz na gusto nitong makapareha si Marian?

"I won't be surprised. I mean, everyone would want to be herpartner. And I'm glad I'm the first and I was with her at her best," sambit niDingdong.

What about him? Sino ang gustong makapareha niya naartistang babae sa Kapamilya network?

"Sa akin kahit sino ang ibigay, ayokong mamili," maiklingsagot ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN