Robin Padilla changes diet and workout routine for "Sundo" and "Totoy Bato"

"Ako naman, paratiakong open na matuto sa mga kasamahan ko sa pelikula or telebisyon. Hindi namantayo sobrang magaling na artista. Nagkakataon lang na magaganda ang mgaproyekto na naibibigay kaya pinapaganda natin nang husto ang performance. Maramipa tayong gustong matutunan pagdating sa pag-arte at saan pa natin matututunan‘yan kundi sa mga nakakasama natin parati, di ba?" says Robin Padilla about learning from his co-actors.



Lumutang lalo angkaguwapuhan ng action superstar na si Robin Padilla sa bago niyang look para sapelikulang Sundo ng GMA Films. Nagpa-military cut si Binoe at mas malaki angkatawan niya ngayon.

Ayon kay Binoe(tawag kay Robin sa showbiz), pinaghandaan daw niya talaga ang naturang pelikula,pati na sa nalalapit niyang series na Totoy Bato sa GMA-7. Nag-iba na rin dawsiya ng kanyang diet at paraan ng pagwu-workout dahil sa role niya sa dalawang project.

"Nagpalaki akotalaga ng katawan kasi nga military man ako sa Sundo at sa Totoy Bato naman, boksingeroako. Kaya hindi ako nagpapayat ‘tulad nang ginawa ko sa Joaquin Bordado.Talagang kumain ako ng mga nakakapagpalaki ng katawan.

"Pati ang workoutko, matitindi rin. Kailangan kasi pumuputok ang mga muscle ko sa katawan. Dapat yung malaki akong tingnan kaya heto, unti-unti ko nang nakukuha yung tamanglaki," pahayag ni Robin sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng GMA Films last Thursday night,September 18.

Malapit nangmatapos ang Sundo na idinidirek ni Topel Lee, na siya ring director ng hithorror movie na Ouija. Very pleased nga raw si Binoe sa outcome ng pelikuladahil matagal siyang hindi nakagawang horror movie at konti lang daw angmga action scenes niya sa pelikula.

"Huling horror moviena ginawa ko ay yung Kulimlim," banggit ng action superstar. "Ngayon lang ulitnangyari na kakaiba itong pinagawa sa akin. May mga action scenes din namanako, pero hindi marami.

"Mas maramingacting talaga. Yung mga galaw ng mata, pagbigkas ng mga dialogues. Magagalingkasi ang mga kasama ko rito sa pelikula kaya dapat makipagsabayan tayo sakanila."

Kung tutuusin ayaward-winning actor na si Binoe, pero gusto pa rin niyang matuto sa mga kasamaniya sa pelikula.

"Hanga ako sa mgakasama ko rito ‘tulad nina Sunshine [Dizon], Katrina [Halili], at Rhian[Ramos]. Magagaling sila at nakakabilib. Talagang gaganahan kang umarte kapagmga tulad nila ang kasama mo sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman, paratiakong open na matuto sa mga kasamahan ko sa pelikula or telebisyon. Hindi namantayo sobrang magaling na artista. Nagkakataon lang na magaganda ang mgaproyekto na naibibigay kaya pinapaganda natin nang husto ang performance. Maramipa tayong gustong matutunan pagdating sa pag-arte at saan pa natin matututunan‘yan kundi sa mga nakakasama natin parati, di ba?"

Ipinagmamalaki rinni Binoe ang pagiging semi-finalist ng kanyang leading lady sa Joaquin Bordadona si Iza Calzado sa International Emmy Awards.

"May sinabi ako kayIza noon na sana ay maalala niya. Noong ginagawa namin yung Joaquin Bordado atnapanood ko kung gaano siya kahusay sa mga eksena niya, nasabi ko sa kanya nahindi lang mga Pinoy ang hahanga sa pinakita niyang husay sa pag-arte, kundi patina ang ibang tao sa iba't ibang parte ng mundo.

"Kaya noong malamanko na naging semi-finalist siya, natuwa talaga ako kasi tama ang nasabi ko sakanya. Pang-international talaga ang husay ni Iza at ipagpatuloy niya ‘yandahil marami pang magagandang roles na darating sa kanya," pagtatapos niRobin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN