Marvin Agustin loves to star in a movie with Jolina Magdangal

"Ako, I'm always willing to workwith Jolens anytime. Basta sabihin lang nila, walang problema sa akin," says Marvin Agustin about possibly starring in a movie with perennial love-team partner Jolina Magdangal.



Dalawang contract signing para sa dalawang endorsements angdinaluhan ni Marvin Agustin noong Thursday, September 18. Una ay angendorsement niya para sa clothing brand na Urban Edge na ginanap sa Nipponrestaurant sa Tomas Morato, Quezon City; at ang pangalawa ay ang Lana de HerbaOil and Ointment sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato rin.

Tuwang-tuwa si Marvin dahil hindi niya akalain namakaka-score siya ng dalawang endorsents sa isang araw. Libreng araw sana niyaang araw na ‘yon para makasama ang kanyang kambal na anak na sina Sebastian atSantiago. Pero dahil kailangan siya sa contract signing ng dalawangendorsements ay siningit na lang niya ang oras niya para sa kambal.

"Manonood sana kami ng sine ng mga anak ko, pero biglangnagkaroon ng dalawang contract signing. ‘Ayun, inaway tuloy ako ng kambal!"natatawang kuwento ni Marvin sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy niya, "Pero nag-promise naman ako sa kanila nalalabas kami since lunch yung unang contract signing at dinner naman yung isa.Hindi na lang kami nakapanood ng sine kasi baka kapusin sa oras. Ipinasyal kolang sila at okey na sila sa gano'n. Para naman sa future nila ang mga ginagawako, e."

Ang dahilan kung bakit kinuhang endorser si Marvin ay ang kanyang mass appeal. Bukod sa top-rating ang mga shows niya ‘tulad ng GaanoKadalas Ang Minsan at Dear Friend, maganda pa ang image niya bilangbusinessman, actor, at family man.

"Nakakatuwang isipin na nakikita nila yung mga bagay na ‘yonsa akin. Like sa business side ko, it's really doing great at magtatayo kami ngtwo more branches ng Sumo Sam [Japanese resto]. It's either before this yearends or early 2009. ‘Tapos may mga naiisip pa ako na buksan na business, perolahat ‘yan nasa planning stage pa.

"The trust that these [endosements] people give me makes me want to be abetter example sa maraming young businessmen para hindi naman nakakahiyangmaging endorser nila. Promise ko naman sa kanila na I will try my best to be thebest endorser they have," nakangiting sabi ni Marvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARVIN, THE SPORTSMAN. Sportsman din si Marvin dahil sa nahiligan niyang sport naarchery. In fact, kasali na siya sa Philippine archery team na lalaban sa AsianGran Prix na gaganapin dito sa Pilipinas (sa Ateneo de Manila University) saOctober. Makakalaban nila ang mga archers mula sa iba't ibang bansa ng Asia.

"Pinayagan nga ako ng Korean trainer na mag-compete kahitthree weeks pa lang ako nagte-train under him. Mukhang ready na raw ako and,hopefully, maging okey naman ang pag-compete namin this coming October."

TEAM-UP WITH JOLINA. Bukod sa dalawang nabanggit na shows, kasama rin si Marvinsa bagong primetime series ng GMA-7 na La Lola.

"Nakapag-taping na ako for La Lola at nakakatuwa ang storyniya. It's drama-comedy na may konting mystery. It's for the whole family.Pambalanse ito sa mga sobrang drama na napapanood na nila sa GMA Telebabad.Kumbaga, ito ang magiging pinaka-dessert nila sa gabi," lahad ni Marvin.

Pagkatapos ng cameo role niya sa pelikulang I.T.A.L.Y. (ITrust And Love You), may mga fans pa rin sila ni Jolina Magdangal nanagre-request sa GMA Films na gumawa ulit sila ng pelikula. Nandoon pa rin kasiang screen chemistry nila na napatunayan na nila noon. Naging big hits angmga pelikula nila sa Star Cinema: FLAMES: The Movie, Labs Kita... Okey KaLang, Kung Ayaw Mo Huwag Mo, at Gimik: The Reunion.

"Overwhelming naman ang response ng audience noong premierenight nga ng I.T.A.L.Y. Ginawa ko yung cameo role in support na rin for GMAFilms at kay Jolens. It would be nice na magkaroon kami ulit ng movie kasimatagal na rin kaming hindi nagkakasama sa big screen.

"Sa TV kasi, okey naman ang pagtanggap sa amin, starting withI Luv New York, ‘tapos itong Dear Friend. Extended kami for another seasondahil maganda ang feedback sa amin ni Jolens. Ako, I'm always willing to workwith Jolens anytime. Basta sabihin lang nila, walang problema sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nakapansin na okey rin ang pakikitungo niya saboyfriend ni Jolina na si Atty. Bebong Muñoz. Ayon kay Marvin, magkakilalanaman daw sila ni Bebong at walang dahilan para hindi sila maging okey.

"Na-meet ko naman si Bebong noong nasa New York kami niJolens. He's a very pleasant guy at nakikita ko naman na bagay na bagay sila. Ican say na natagpuan na ni Jolens ang Mr. Right niya.

"Believe or not, happy ako para sa kanilang samahan and kungkelan man ang magiging kasal nila, huwag sana nila akong kalimutan na imbitahankasi maganda ang magiging regalo ko para sa kanila. Pero siyempre, secret muna‘yon. Malalaman na lang nila kapag naganap na ang wedding nila,"nakangiting sabi ni Marvin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN