PBB Teen winner Ejay Falcon patiently waits for projects in ABS-CBN

"Datipa naman yung paglabas ko, alam ko hindi pa ako ready na isalang, alam ko rinsa sarili ko. Pero ngayon, pinaghahandaan ko naman po kung sakaling maydarating na trabaho. Para ‘pag isinalang ako, may ibubuga ako," says Ejay Falcon.



Pagkatapos tanghaling Big Winner sa Pinoy Big Brother TeenEdition Plus, hindi na muling nasilayan sa telebisyon si Ejay Falcon. Sa grandopening ng Forever Flawless sa bago nitong branch sa Greenhills ShoppingCenter, isa si Ejay sa mga celebrity guests. Dito nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Nagwo-workshop kami," bungad ni Ejay nang kumustahin namin siya. "Naka-nine sessions na kami. Sabi nila,17 sessions lahat daw po yun kaya kalahati pa lang kami."

Okey lang daw siya kahit wala pa siyang regular show saABS-CBN, ‘tulad nina Josef Elizalde, Nicole Uysiengsu, at Robi Doming nalumabas na sa My Girl.

"Actually, wala pa pong sinasabi. Pero sana meron. Datipa naman yung paglabas ko, alam ko hindi pa ako ready na isalang, alam ko rinsa sarili ko. Pero ngayon, pinaghahandaan ko naman po kung sakaling maydarating na trabaho. Para ‘pag isinalang ako, may ibubuga ako."

Kumusta naman sila ng co-housemate niya dati sa Bahay niKuya na si Valerie?

"Nagkikita pa rin po kami sa workshop. Magkaibigan pa rin pokami," sabi niya.

Nililigawan niya pa rin ba si Valerie o sila na?

"Sa ngayon, hindi ko masasabing nililigawan ko siya,"sabi ni Ejay. "Basta close lang po kami. Mas mabuti yung makilala namin angisa't isa. Pero walang ligaw-ligaw pa."

Natupad na ba niya ang mga pangarap niya for his family?

"Napag-aral ko na po yung kapatid ko. Pinapag-aral ko pongayon, college po siya. ‘Tapos yung iba, nasa probinsiya.Nagpapadala rin ako minsan ng pera."

Nasa probinsiya na raw ang kanyang ama-amahan at nakasama saloob ng Bahay ni Kuya na si Ka Erning. Nakabili na ba siya ng bangka?

"Hindi po siya bumili ng bangka. Pero bumili po siya ng lupasa Mindoro."

Malaki ba yung lupa na nabili niya?

"Para sa amin po, sa kagaya namin, malaki na po yun. Nagtatanimpo sila, coconut. Para yung copra, ibebenta nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Coconut plantation ba ito?

"Opo," sabi ni Ejay.

Lahat ba na napanalunan na P500,000 ni Ka Erning angpinambili niya ng lupa para sa coconut plantation niya?

"Kasi para po sa amin, yung pera na yun, sobrang malakinglupa na po yun. Sa amin po kasi, mas mura ang lupa. Mga P230,000 po yung bili salupa ni Papa."

Nakuha na ba nila lahat ng napanalunan nila sa PBB?

"Opo, pati po yung sa akin nakuha ko na rin po. Yung sa akinpo, naka-time deposit, ano po P350,000. Yung iba po binayaran ko na po ng oneyear yung condo na tinitirhan ko ngayon sa Future Point Plaza po, malapit saABS-CBN.

"Binayaran ko na yun ng one year. Ano lang, P108,000 lang po. ‘Tapos yun nga,pinapag-aral ko yung kapatid ko. Sa JRU siya nag-aaral. Kaming dalawa po angnakatira sa condo. May tax po na binawas, kaya P800,000 yung napunta saakin."

Kasama rin sa premyo ni Ejay ang condo unit sa mayValenzuela. Pero dahil malayo ang lugar at wala naman daw siyang sasakyan kayahindi rin niya matirhan ang napanalunan niya na condo unit.

Binigyan din niya ng P160,000 ang kanyang discoverer at hairdresser na siBenjie Alipio. Sa ngayon, naghihintay lang siya ng project na ibibigay sa kanyang ABS-CBN. Pero kamakailan, may bulung-bulungan na nagko-call boy na lang dawsiya.

"After nung PBB o dati pa po?" paglilinaw niya. "Kasi maraming isyu sa akin.Kung ngayon po, basta sa mga nagsasabi niyan, bahala na sila. Basta ako, alam kosa sarili ko na hindi ako ganun. Hindi po ako pinalaki ng mga magulang ko ngganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN