Derek Ramsay says long wait for "Humingi Ako Sa Langit" is worth it

"Siyempre, hindi puwedeng madaliin, e. Medical teleseryesiya na hindi puwedeng mali. Hindi puwedeng mali yung mga terms na ipapakita mosa TV. Siyempre, I'd like it to be business faster, pero the longer ittakes, the more work you have," explains Derek Ramsay about the long delay of Humingi Ako Sa langit.



Kinumpirma ni Derek Ramsay sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) na Humingi Ako Sa Langit ang final title ng drama series nila niJudy Ann Santos sa ABS-CBN na magpa-pilot sa October.

"Theme song namin yung ‘Himala' by Rivermaya. Bale doon akobising-busy ngayon, sa pagte-taping ng soap," kuwento ni Derek nang makausapnamin siya sa Sony Cybershot launch sa Rockwell Tent noong Friday, September 19.

Matagal nga raw ang pagkakagawa nila ng Humingi AkoSa Langit.

"Yes, it's been a long time, pero siguradong-siguradongworth it," paniniyak niya.

Ano ang naramdaman niya na inabot ng napakatagal bago itomaiere?

"Siyempre, hindi puwedeng madaliin, e. Medical teleseryesiya na hindi puwedeng mali. Hindi puwedeng mali yung mga terms na ipapakita mosa TV. Siyempre, I'd like it to be business faster, pero the longer ittakes, the more work you have."

Dugtong ni Derek, "At the same time, schedule ni Juday,schedule ko, sobrang hectic. And there are other things in my life that I alsodo. So, na-push back yung soap. Nagkataon naman na ako, I had to leave thecountry to do endorsements for a shampoo, sa Thailand. Nagkataon lang na Judayhad to leave and I had to leave that's why it really took so long. So, yung mgafuture schedules namin, tumama na."

Patapos pa lang noon ang Ysabella, nagpakita na ngsobrang excitement si Derek dahil magkakasama ulit sila ni Juday saHumingi Ako Sa Langit. Dahil sa tagal bago naipalabas ang Humingi Ako SaLangit, nabawasan kahit paano yung excitement ni Derek?

"Hindi naman," sagot ng aktor. "Pero nahirapan ako sa umpisakasi nakalimutan ko na yung character. But now, full force kami. Three times aweek, so okey na siyang talaga. At ang ganda raw ng pilot episode namin."

STRONGER RELATIONSHIP. Kasama ni Derek sa naturang event ng Sony Cybercam anggirlfriend na si Angelica Panganiban. Aniya, okey na okey silang dalawangayon.

"'Eto, we take chances like this to spend together. Magkaibaang taping schedule namin. Yung Iisa Pa lamang, M-W-F. Tapos ako, T-Th-S, so yungmga time like this, magkasama kami. Actually, ako dapat ang magho-host ng eventna ito, kaso I have commitment with ABS-CBN at hindi ko maiwan yun," lahad niDerek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi niya bang pagkatapos ng napabalitang split nila ni Angelica noon ay mas nagingstronger pa ang relationship nila ngayon?

"Alam n'yo, nakalimutan ko na nga yun, nakakatawa. I don'tknow what made us stronger. We're stronger but I don't know what is the reasonthat made us more stronger now. We're okay, we're really okay," sabi ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN