Lolit Solis speaks her mind on legal tussle between Gabby and Mommy Rose

"Kaya nga kung ako si Gabby, hindi na ako aalis kay MommyRose. For that alone, malaking utang na loob mo na yun kay Mommy Rose nanaikuha ka ng ganoong kontrata. Even I, kahit ako, hindi ko magagawa yun. Kaya...Gabby, huwag ka nang umalis kay Mommy Rose, mag-ayos na kayo," says Lolit Solis.



Kahit anong pilit ng entertainment press at TV crew,nagmatigas ang talent manager at Startalk host na si Lolit Solis na magbigay ngkanyang komento kaugnay ng gusot sa pagitan ng dating alagang si GabbyConcepcion at ang bagong manager nito ngayon na si Mrs. Rose Flaminiano.

Pero kahapon, September 20, sa Startalk ay hindi na nakaiwaspa si Lolit at sinagot na niya ang mga tanong na ibinato sa kanya ng co-hostsna sina Joey de Leon at Butch Francisco. Kasama na rin sa sinagot ni Lolit angmuling pagkikita nila ni Piolo Pascual sa press conference ng isang whiteningproduct last Thursday afternoon, September 18.

Unang tanong kay Lolit ni Butch ay kung totoo bang humingi ngtulong o kumonsulta sa kanya si Mommy Rose bilang dating manager ni Gabby?

"Madalas kasi kaming mag-usap ni Mommy Rose, nag-uusap kamisa phone," simula ni Lolit. "Then there was a time na inutusan ako ni LornaTolentino para tawagan siya at tanungin doon sa lupa't bahay ni Rudy Fernandezsa Tarlac. Kasi kinuha niya noon na model si Rudy. So, parang ang exchangedeal, binigyan niya ng unit sa subdivision niya.

"Noong may sakit pa si Rudy, balak na niyang ibigay yun samga kasamahan niya. Kay Tata Ernie or kay Valentin. Noong wala na [si Rudy], siLorna, hinahanap niya yung mga papeles. So, si Lorna, sabi niya, ‘Nay,hindi ko makita ang mga papeles, puwede bang tawagan mo si Mommy Rose?' Kayanga nakikiusap ako kay Mommy Rose kung puwede, tawagan si Lorna para maklaroyung tungkol sa lupa't bahay para naman klaro."

Pero humingi nga ba ng payo sa kanya si Mommy Rose?

"Hindi naman, tinanong niya ako kung ano ang masasabi kotungkol kay Gabby. Sinabi ko nga sa kanya, ‘Since ikaw ang nakapagpabalik kayGabby, ikaw talaga ang dapat na maging manager ni Gabby.' ‘Tapos yun nga, yungmadalas kong sinasabi, kami ni Gabby never had a problem with money. Talaganghindi materyoso si Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kung maaalala ko, sabi nga ni Mommy Rose, ‘Nag-awayrin kayo ni Gabby noon. Hindi ba't idinemanda mo si Gabby?' Idinemanda ko kasisi Gabby noon after ng scam. Siyempre galit ka, idinemanda ko siya ng worth two-million pesos. Yung mga parang unpaid na commission at yung P300,000 ko naipinagbili ko sa kanya na hindi niya pa nababayaran, so idinemanda ko.

"Alam mo, kumbaga, sa anong yun, ako pa ang natalo! Ako paang magbabayad ng P700,000! Ako pa ang magbabayad kay Gabby. Kaya may utang akokay Gabby. So, noong makita ko si Gabby, sinabi ko sa kanya na, ‘Uy, Gabby,sabi sa akin ni Mommy Rose, panay raw ang pasingil mo ng P700,000.' ‘Tapos sabiniya, ‘No, no, I never said that!' E, si Mommy Rose, sinasabi niyangpinapasingil daw. So, hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ngtotoo. Kaya kung totoong hindi ako pinapasingil ni Gabby, e, bigyan niya ako ngpapel na hindi na niya ako sisingilin," lahad ni Lolit.

Ayon kay Lolit, sinabi naman daw ni Mommy Rose kay Gabby nahuwag na nga lang siyang singilin, tutal "blessed" naman na ang aktor.

LUCRATIVE CONTRACT. Pero seriously raw, nang makita niya ang kontrata ni Gabbysa ABS-CBN, masasabi niya na walang ibang manager na makakakuha ng tulad ngkontratang nakuha ni Mommy Rose para kay Gabby sa Kapamilya network.

"Ako talaga, ‘eto manager ako... Marami kaming manager ngayonna naiinggit kay Mommy Rose. Noong malaman namin ang kontrata ni Gabby nanakuha niya sa ABS-CBN, grabe, ang laki! Na hindi mo akalain makukuha ni Gabby!

"Kaya nga kung ako si Gabby, hindi na ako aalis kay MommyRose. For that alone, malaking utang na loob mo na yun kay Mommy Rose nanaikuha ka ng ganoong kontrata. Even I, kahit ako, hindi ko magagawa yun. Kayakung ako si Gabby, huwag ka nang umalis kay Mommy Rose, mag-ayos na kayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Butch asked Lolit kung aware ba siya sa sinabi raw ni Gabbyna na-trauma ito noong nasa poder pa siya ng dating manager.

"Siyempre, ka-trauma-trauma naman ako, ‘no!" bulalas na biro niLolit. "Sino naman ang hindi matu-trauma sa akin? At saka hindi, sabihin nanatin... Yung nangyari kay Gabby, 13 years siyang nasa abroad. Hindi siyanakabalik dito. Kung hindi nga dahil kay Mommy Rose, hindi siya makakabalikdito. So, sino naman ang hindi matu-trauma noon?

"Kumbaga, ang naiisip ko nga, kaya siguro medyo makuwenta nangayon si Gabby, siyempre nasa States siya, mahirap ang walang pera. Atsaka, kapag nagtrabaho ka ro'n, trabaho. Yung eight dollars na kikitain mo peroras, ikakayod mo talaga. Kaya si Gabby naman siguro, ‘Teka, kuwentahin ko ngaitong mga pera ko, di ba?"

Sabi ni Joey, si Lolit daw ay sanay na sanay na sapagma-manage. Sa kanyang palagay, ano ang puwedeng kahinatnan ng pangyayaringito sa pagitan nina Gabby at Mommy Rose?

"Yung totoo ha? Emosyunal kasi ang mga tao. Yung emotion ngmga taga-showbiz ang lalaruin mo. Siyempre, yung initial na reaction, na walangutang na loob si Gabby. Si Mommy Rose ang nagdala sa kanya rito, ginanyan niyapa. ‘Tapos ang ganda-ganda nga ng nakuhang deal sa kanya ni Mommy Rose,ginanyan niya pa.

"Pero meron din namang ano... Sabihin na natin, ang dami-ramirin namang tsismis na kumakalat tungkol kay Mommy Rose. Gaya nga noong sasubdivision na hindi naibigay ang titulo. ‘Tapos yung kay Jinkee Pacquiao nameron daw tseke na—daw, ha!—na 12 million na ini-encash ni Mommy Rose at hindi koalam kung totoo yun. Yun lang ang naririnig ko. Puwedeng makaapekto rin yun kayMommy Rose na kaya siguro nagkakaaway-away sila because of money, dahil na ngarin sa naging image ni Mommy Rose.

"'Tapos nga, ang nangyayari pa, parang lumalabas na itong siGabby, sulsulin! Pati si Nadia Montenegro nadadamay. Parang, ganito ba talagasi Gabby? Ever since walang...backbone? Ang sasabihin ko sana iba!" tawa niyapa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kilala ko rin naman si Nadia, may pagka-taklesa lang, butshe meant well. Parang kaibigan talaga ang turing niya kay Gabby," pahabol niLolit.

MANAGING GABBY. Hindi ba talaga nagpursigi si Lolit na i-manage ulit siGabby nang bumalik ang aktor saPilipinas?

"'Eto ha, ewan ko kung aaminin ni Daddy Rollie Concepcion.At that time kasi, ang gustong magpabalik kay Gabby sa Pilipinas, si SenatorJinggoy Estrada. Sana papalabasin niya sa pelikula doon sa production niya.‘Tapos, miniting ko noon si Daddy. Tinanong nga ni Daddy noon na kung puwede,magpatawaran na. Magsimula na dahil isa lang naman ang pinagkakatiwalaan niyangtao na puwedeng mag-manage kay Gabby at makatulong, at ako yun," pagsisiwalatni Lolit.

Hanggang ngayon?

"E, siguro... In fairness naman talaga, except for the scam,naging maganda ang pagsasama namin."

So, what happened?

"E, yun nga, nagpunta ako sa States! Yung balitang Gabby,talagang traumatic nga sa kanya, hindi nakipagkita sa akin! Talagang takot natakot, tago nang tago! Pagdating nga rito, ikinuwento ko nga ang nagingexperience ko at nagkaroon na kami ng ano ni Daddy...nag-away-away na kami. PeroI know talaga, sa pagkakakilala ko sa pamilya Concepcion, meron talaga silangsoft spot para sa akin. In fairness, lalo na kay Mommy."

Ano ang mensahe niya para kay Mommy Rose?

"Well, yun siguro, kung nag-try siya na pabalikin si Gabby,kung hindi rin naman siguro maganda ang intention niya for Gabby. ‘Tapos, siGabby naman, nakita mo naman ang intention ni Mommy Rose, magandanaman. Hindi talaga, Gabby, maniwala ka sa akin, kahit ako talaga, hindiko makukuha yung ganoon kagandang deal para sa ‘yo."

Kung sakali at biglang tumawag si Gabby sa kanya at sabihingi-manage niyang muli, ano ang gagawin niya?

"Fourteen years na ang ano ko, e...hindi! Ayoko na! Fourteenyears na kaming nagsama. Natapos na yun sa scam, tama na. Ayoko na!" diretsongsagot ni Lolit.

Biniro naman siya ni Joey na mag-scam na lang daw siya uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para sa kanya? Ayoko na, ‘no!" halakhak niya.

Pero mahal pa rin ba niya si Gabby?

"Oo, siyempre, may pinagsamahan naman kami."

ON PIOLO PASCUAL. Kinumusta rin kay Lolit ang pagkikita nilang muli ni Piolo Pascualat kung nagbatian ba silang dalawa?

"Si Piolo? Oo! Kasi noong wake ni Rudy Fernandez, dumatingsila ng nanay niya. Talagang, ‘Ay, my best friend, Piolo Pascual!' Ang talagangtuwang-tuwa ako noon, yung nanay ni Piolo, talagang ‘Ay, Lolit, ako ang Mommy Ameliani Piolo!' Parang best friend nila akong talaga! O!"

Nang magkita naman daw sila sa Pond's press conference atCrowne Plaza, si Piolo raw ang unang bumati sa kanya.

"Sabi niya nang makita niya ako, ‘Hi Tita Lolit!' O, diba, feeling ko, may gusto talaga sa akin si Piolo Pascual. Parang nagtatalo angano ko noon...kung si Piolo or si Dingdong [Dantes]! O!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN