Superstar Nora Aunor finally gets her green card

"Dyusko, mga anak ko...actually, yung mga anak ko. At yungpinakamimithi kong pangarap na maibigay sa kanila. Hanggang ngayon, yun angfrustration ko sa buhay. Maghintay na lang po kayo, pero darating tayo riyan," replies Nora Aunor when asked what she misses most about the Philippines.



Napakapanayam ng aktres na si Suzette Ranillo para saStartalk ang Superstar na si Nora Aunor. Ipinalabas ang naturang interviewkahapon, September 20.

Mahigit tatlong taon din palang hinintay ni Nora ang magingisang green-card holder, and finally, nakuha na niya ang matagal na niyangminimithi. Kaya malaki raw ang pasasalamat ni Nora sa kanyang abogado na siyangtumulong sa kanya.

"Napakalaki ng naitulong nila sa akin sa pagkuha ko ng greencard. Sabi ko nga, nang ma-interview ako, naiyak ako! Sabi ko nga, ‘eto na,'eto na... Kaya ako natatagalan dito sa Amerika dahil lang din doon."

Ikinuwento rin ni Nora ang nakakatawang experience niya withregard to her green card.

"Ay naku, dyusko po, hindi nga raw natin masisiguro kungmaaaprubahan ka. Kaya kailangan yung mga dates, alam mo lahat. Kung kailannangyari sa ‘yo. Hindi ako nakatulog kasi iniisip ko kung kailan nga banangyari yung unang huli sa akin!" natatawa niyang sabi.

Patuloy niya, "'Tapos noong maupo kami, umakyat kami, maylumapit sa aking security. Hindi ko alam, pagkita sa akin, sumenyas lang ngparang next, hindi ko alam... Then, five minutes siguro, tinawag na kami. Dyusko,yun pala, alam na nilang lahat na darating ako. Filipino ang nag-interview saakin. Kaya ako, kampante naman na ako. Sabi ko, maraming salamattalaga! Sabi ko, kung halimbawa, nagtagal ng limang minuto interviewnamin, after twenty-five minutes, piktyuran!"

Finally, makikita na siya ulit ng mga fans niya saPilipinas. Ano naman ang reaction ng mga anak niya ngayon sa Pilipinas sanalalapit niyang pagbabalik?

"Hindi ko pa nga alam ang reaction nila. But I'm sure masayasila. Hindi ko pa nga sila natatawagan, e. Pero tatawagan ko sila paraipaalam."

Kumusta naman na ang relationship nila ng anak na si Lotlotde Leon ngayon?

"Actually, hindi ko alam, hindi pa kami nagkakausap.Hinihintay ko pa rin ang tawag niya."

May tampo raw si Lotlot sa kanya dahil hindi niyakinakausap?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ah hindi, hindi siya dapat magtampo sa akin. Dapat nga, akoang magtampo sa kanya dahil hindi siya tumatawag sa akin. She knows where toget in touch with me. Siyempre, naghihintay lang ako ng, ‘Mommy, puwedebang ganito...ganyan-ganyan.' Siyempre, mas matutuwa ako sa ganoon kesa malalamanko pa sa ibang tao kung ano ang nangyayari sa kanya. Sana tawagan ako niLot para magkausap kami."

In the absence of her children, nandoon naman daw si JohnRendez na sumusuporta kay Nora. Anong klase bang suporta ang ibinibigaysa kanya ni John?

"Akala n'yo, parang matanda pa sa akin ‘yan. Minsanbumibigay ako dahil sa rami ng problema ko. Pero talagang akala mo, bata ako,siya ang nangangaral sa akin. Akala mo kung sinong matanda. Suntukin ko kaya?Hahaha! Hindi, joke lang."

Habang ini-interview si Nora ay nandoon lang din si John. Kaya tinanong din ni Suzette si John kung ano naman ang pinaka-miss niya sa Pilipinas?

"Ang pinaka-miss ko po? Ang aking anak na magbe-birthdaysa September 17. Yung anak ko...nami-miss ko rin yung dating lifestyle ko, like Iwas on a way of being a celebrity. Kahit papaano, everyone knows me. Dito saAmerika, pantay-pantay lahat," saad ni John.

Tinanong din ni Suzette si Nora kung ano ang pinaka na-missniya sa Pilipinas.

"Dyusko, mga anak ko...actually, yung mga anak ko. At yungpinakamimithi kong pangarap na maibigay sa kanila. Hanggang ngayon, yun angfrustration ko sa buhay. Maghintay na lang po kayo, pero darating tayo riyan."

Instead na si John ang sumagot sa tanong kung ano angmessage nito sa mga tao raw or fans niya sa Pilipinas, si Nora ang sumagot pararito.

Sabi ng Superstar, "Ako na lang ang sasagot... Alam n'yo, anggusto lang ni John ay ang maintindihan siya. Ang gusto lang ni John, alisin nanila sa isip nila kung anuman ang naririnig nila na kami ay mag-syota. Hindi pototoo yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-follow-up naman si John nang, "Hindi ko po siyagirlfriend, ako ang girlfriend niya!" biro nito.

Natatawa namang sabi ni Nora, "Hindi po totoo ‘yan. Hinditalaga."

Sa ngayon, may inihahanda raw na pelikula si Nora naipo-produce ng dati niyang leading man na si Sajid Khan. After twenty-fiveyears, nagkita nga raw ang dalawa sa Los Angeles.

"Napakabait na tao si Sajid and alam mo, maramisiyang binabalak na plano, parang Affair To Remember na tema, Filipino style,"pagtatapos ng Superstar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN