Newlywed Joyce Jimenez leaves husband in U.S. for long-distance relationship

"From the minute that he proposed, I talked tohim. I told him na hindi puwede akong lumipat sa L.A. [Los Angeles] muna.Kasi, I have so many commitments here. So, okey lang sa kanya," explains Joyce Jimenez about her set-up with husband Paul Eli Egbalic.



Live na nag-guest sa Startalk ang bagong kasal na si JoyceJimenez kahapon, September 20. Noong Martes, September 16, daw siyadumating sa bansa mula sa Amerika kung saan siya nagpakasal sa Fil-Am na siPaul Eli Egbalic.

Unang tanong agad ng host na si Lolit Solis sa kanya ay kung totooba ang isyu na kaya siya nagpakasal ay dahil buntis na siya?

"Hindi," sagot ni Joyce. "Alam ko, hindi ako buntis ngayon.Pero malay ko ba kung next month or something!"

How is she now, being married?

"Ganoon pa rin. I mean, nothing really changed, obviously.Kasi nandito pa rin ako. Parang may asawa ako, pero nandito pa rin ako."

Wala bang nagtampo dahil hindi niya naimbitahan ornakalimutang imbitahan?

"Balita ko, meron. Pero sa tingin ko, wala. Pero maramingtao na parang hindi naman nagtampo, pero nagtatanong kung bakit doon akonag-asawa at hindi rito. Pero parang na-explain ko na yung family niya atfamily ko, most of them are over there. So, I wanted to get married here.Pero to be fair naman with all of them, we decided to get married na lang saUnited States," paliwanag ni Joyce.

Isa sa mga ninang sa kasal nina Joyce at Paul ay si Dr.Vicki Belo. Parehong kinulit nang todo nina Lolit at Joey de Leon si Joyce kungmagkano raw ang ibinigay sa kanila ng doktora, kahit ibulong na lang daw sakanila. Katuwiran ni Lolit, kapag nalaman daw nilang malaki, magpapakasal narin daw sila ni Joey. Pero hindi talaga nila napilit si Joyce na magsalita kahit tawa siya nang tawa.

"Ayoko! Basta she gave me love and support and that's allI need from her."

Ayon kay Joyce, hindi rin daw natuloy ang dapat sana'yhoneymoon nilang mag-asawa sa Mexico.

"Hindi rin, we decided not to. Nag-bar lang yatakami. We decided not to go there anymore, kasi sobrang bitin."

Posible raw na yung ibang tao, mag-isip ng iba. Kailan langkasi ay ipinapakita siyang ikinakasal, pero nandito na siya ulit sa Pilipinas.Ilang araw pa lang sila halos nagsasama bilang mag-asawa, bakit siya umuwikaagad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, yun talaga ang plano namin or that's what we reallydecided on. I have naman tie-up with Private Joyce and yung EverBilena. And he knows that. From the minute that he proposed, I talked tohim. I told him na hindi puwede akong lumipat sa L.A. muna.Kasi, I have so many commitments here. So, okey lang sa kanya.

"I'm just taking care of Private Joyce, kasi importantetalaga sa akin ang Private Joyce. Kasi sa tingin ko, when we finally have kidsand we decided to have a family, gusto ko rin siyempre na makapagbigay ng kahitpapaano, for our relationship, monetary-wise. I know he can take care of us butat the same time, I wanna be able to take care of him," saad ni Joyce.

Lumalabas, hiwalay rin pala sila sa ngayon. Gaano katagalnaman ang paghihiwalay nila?

"Hanggang December lang, ‘tapos uuwi ako sa L.A. para saChristmas, New Year, and then, I'll visit here again and go back there again."

Okey lang ba yung ganoong set-up sa asawa niya?

"Oo! Okey lang sa kanya. Kasi siya rin, he's going to Georgiafor training. So, kahit nandoon ako sa States, magkahiwalay rin kami, balewalarin. Mag-isa lang ako sa L.A. "

Hindi naman daw siya puwedeng sumama sa kanyangasawa sa Georgia.

"Hindi puwede. He's training to be an officer. So, he has tolive in a dorm. Hindi puwedeng may roommate, kasi training yun. So, mag-isa parin ako. Bakit ako mag-isa diyan!"

Pero aminado si Joyce na nami-miss daw niya siyempre angasawa. Kung kaya naman noong umaga ng araw na yun, nagawa ng Startalk namakausap ang mister ni Joyce.

Ayon kay Paul, "I just want to tell her that I miss her alot. Wished we had a nice honeymoon. I love her and I just can't wait to seeher soon.

Tanong naman ni Lolit si Joyce kung ano ang ginagawa nila ng mister niya a Internet kung nami-miss niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagtsa-chat kami sa webcam, yun lang."

Hindi raw sila yung klase ng mag-asawang very showy sa isa'tisa. Alam naman na raw ng asawa niyang mahal niya ito.

"Just be good, okay? You better be. I'll see you in twomonths time," mensahe ni Joyce sa kanyang mister.

Kailan naman nila planong magkaroon ng baby?

"Two years pa," sagot ni Joyce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN