Glaiza de Castro excited about being included in "Gagambino"

"Masaya ako dahil nakabalik ulit ako sa primetime. Kasi ang last na primetime ko ay Asian Treasures pa. Ang tagal na nun, di ba? ‘Tapos, ito rin yung first role ko na magiging superhero ako, ‘tapos may mga costume kami, nag-training din kami, may mga fight scenes," says Glaiza de Castro about being included in Gagambino.



Hindi maitago ni Glaiza de Castro ang excitement sa bago niyang project sa GMA-7, Gagambino, na tinatampukan din nina Dennis Trillo, Katrina Halili, Polo Ravales, at Isabel Oli.



Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang 20-year-old actress sa Celebrity Night ng National Press Club sa Intramuros, Manila, last Friday, September 19. Ipinahayag niya ang ilang dahilan kung bakit labis siyang natutuwa sa naturang proyekto.



"Bale ang story po kasi nito, lima kaming magkakaibigan na nakagat ng mga insekto. Ang kumagat sa akin, yung bubuyog. So, kung ano yung nakakagat sa amin, ‘yon yung magiging kami ‘pag naging superhero na. Ito bale ang magiging powers namin.



"And masaya ako dahil nakabalik ulit ako sa primetime. Kasi ang last na primetime ko ay Asian Treasures pa. Ang tagal na nun, di ba? ‘Tapos, ito rin yung first role ko na magiging superhero ako, ‘tapos may mga costume kami, nag-training din kami, may mga fight scenes.

Patuloy niya, "First time ko rin makakatrabaho si Dennis. Actually, gusto ko talaga siyang makatrabaho dahil napakagaling niyang artista. Actually, lahat ng mga kasama ko sa show magagaling talaga sila."

Sinabi pa niya kung kailan posibleng magsimulang umere ang Gagambino.

"Baka October po, ito yata ang papalit sa Dyesebel, e," pagbabalita ni Glaiza. "Nakapag-taping na po ako, dalawang beses na po akong nakapag-taping, ‘tapos medyo nahinto kasi nag-focus sila kina Dennis at Katrina."

Nilinaw rin ng young actress na walang kaso sa kanya kahit pa sabihing second choice lang siya para sa naturang role.

"May nagsabi rin niyan sa akin. Actually, may sinabi sa aking show before Gagambino pero ang pinagpi-pray ko talaga, e, maisama ako doon.

"I didn't mind kung maging second choice o hindi ako first choice, kasi para sa akin trabaho ‘yan, e. Parang, hindi importante sa akin ever kung ano yung sa billing o second choice man ako o ano man, basta may trabaho ay masaya ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil galing din siya sa ABS-CBN, masasabi ba niyang mas maganda ang career niya ngayon sa GMA-7?

"Pareho naman po, pero mas maraming opportunity ngayon, e. Honestly, that's why lumipat na rin kami.

"And sana po abangan ninyo, aside from Gagambino, may indie film po ako na ipalalabas this October or November, ito yung Manghuhula with Eula Valdez na entry sa Cinemanila. 'Tapos, ipino-promote ko pa rin yung self-titled album ko. Tapos na po kami sa mga mall show, bale baka provincial tours naman kami this year."



Lastly, sa palagay ba niya ay nawala na yung sinasabing image niya bilang "look-alike lang" ni Angel Locsin?



"Medyo nahihiwalay na po ang pagiging look-alike ko ni Angel," nakatawang sabi ni Glaiza. "Parang dati kasi, ang tawag nila sa akin ‘Angel.' ‘Tapos ngayon, ‘Yan si Glaiza, yung kahawig ni Angel.' Nandoon pa rin minsan yung 'Angel', pero at least ay kilala na ako bilang Glaiza talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN