Carlene Aguilar on Dennis-Cristine breakup: "Career move na rin on his part."

"Nasabi naman ni Dennis na gusto niyang ayusin ang buhay niya kayaginawa niya iyon. Parang career move na rin on his part. Yun lang naman angalam ko. Nasabi ko na rin beforesa isang interview ko ang mga nararamdaman ko for Cristine. ‘Tapos na naman‘yon at hindi ko na uulitin pa. Let's all move on para mas maganda ang mangyarisa amin, ‘di ba?" says Carlene Aguilar about Dennis Trillo and CristineReyes's breakup.


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang former beautyqueen na si Carlene Aguilar pagkatapos ng kanyangperformance sa Celebrity Duets 2 noong nakaraang Sabado (September 20).Nagkataon na walang natanggal sa araw na iyon kaya tuwang-tuwa si Carlene dahilinamin nitong ninerbyos siya sa kanyang naging rock number.

Maganda ang naging comments sa kanya ngmga judges na binubuo nina Freddie Santos, Danny Tan, at Tessa Prieto-Valdes.Si Carlene na nga lang kasi ang natitirang babae among the celebritycontestants kaya malaking hamon sa kanya ang makalaban ang mga lalake.

"Siyempre nakakanerbiyos pa rin kahit papa'no. Noong una kasi, tatlokaming girls ‘tapos biglang nawala si Ms. Melanie [Marquez)] ‘tapos si Ms. Cory[Quirino]. Ako na lang ang magtatayo ng bandila ng kababaihan sa contest.

"Mabuti na lang at walang na-eliminate. Mukhang okey naman kasi kaminglahat na nag-perform. Siguro nanghinayang silang magtanggal kaya buo pa rinkami next week."

CARLENE'S "BENEFACTOR."May nakarating nga kay Carlene na may benefactor daw siya na siyang gumagastospara sa kanyang mga text votes sa Celebrity Duets. Natawa nga si Carlenedahil ang alam niya ay gumagastos ang kanyang pamilya pati na ang mga kamag-anakniya't mga kaibigan para mapanatili ang kanyang standing sa naturang singingcontest.

"Ano bang benefactor ‘yon? Gay o DOM [Dirty Old Man]?" sabay tawa niya."Nakakaloka naman ‘yan. Kung alam lang nila kung gaano kahirap mangalap ngboto sa text, di ba?

"Kung totoo nga yang benefactor na ‘yan, e, di sana hindi na lang akosumali sa Celebrity Duets. Siya na lang ang bahala sa mga gastusin ko atmagbuhay-reyna na lang ako.

"Kaso nga wala naman kaya nakakagulat naman ang balitang ‘yan. Noongmay nagtanong nga sa akin niyan, talagang natawa ako. Mas maganda siguro kungmagpakilala sa akin ang benefactor na ‘yan. Para pasalamatan ko at sabihin sakanya na damihan pa niya ang text votes ko para di ako matanggal agad."

CALIX'S BIRTHDAY.Nagkuwento rin si Carlene tungkol sa naging birthday party ng anak nila ni Dennis Trillo na si Calix Andres last September 13 naginanap sa may Valle Verde in Pasig City. Sabi ni Carlene, wala nga raw mediacoverage ang first birthday ni Calix dahil napag-usapan na raw nila ni Dennisna magiging strictly family affair ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun naman talaga rin ang gusto ko. After all kasi sa nangyari sa aminni Dennis last year, siguro naman we both deserve a break para ma-enjoy naminang birthday ni Calix.

"Talagang wala kaming pinayagan na media from any network na mag-covernoong birthday ni Calix. Gusto kasi namin na tahimik at maayos ang firstbirthday niya. ‘Tsaka ang mga bisita naman ay halos mga bata. We just want aquiet celebration for our son."

DADA DENNIS WAS IN CHARGE. Hindi nga raw nagkasama sa birthday party ni Calix and kanyang mommyat daddy. Noong mag-start ang party ay nasa GMA-7 pa si Carlene dahil may CelebrityDuets pa siya. Si Dennis daw ang nag-asikaso ng lahat habang wala pa siya.

"I really appreciated his efforts. May Celebrity Duets kasi akonoong mga oras na iyon at talagang nagmadali akong umalis after ng show. Noongmakarating naman ako sa venue, kakaalis lang daw ni Dennis.

"Sinabi naman sa akin ng mommy ko na naging host si Dennis sa mga bisitani Calix. ‘Tapos karga-karga pa niya si Calix the whole time. That's good kasimaganda na ang bonding nilang dalawa. Tawag na nga niya kay Dennis ay ‘dada.'Kapag nakikita nga niya sa TV si Dennis, ‘dada' ang tawag niya.

"Gusto ko naman siyang pasalamatan because of the time that he gave kayCalix. Alam ko na may mga lakad din siya noong araw na iyon but he made good his promise sa anak niya. For me, tama na yung he was there ng ilang orashabang wala ako. At least, na-feel ni Calix that his dad was there to celebratehis first birthday."

THE NON-SHOWBIZ GUY.Ayaw magkuwento ni Carlene tungkol sa nababalitang non-showbiz guy nanakikitang kasama niya at minsan pa'y namataan saGMA-7 studio habang pinapanood siya sa Celebrity Duets. Pakiusap niCarlene na huwag na lang daw pag-usapan dahil hindi naman daw ito artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Better huwag na lang. Nakakahiya naman kasi. Basta ang masasabi kolang ay happy ako with my personal life," ngiti niya.

DENNIS AND CRISTINE'S BREAKUP. Tungkol naman sa breakup nina Dennis at CristineReyes, ito lang ang nasabi ni Carlene:

"Nasabi naman ni Dennis na gusto niyang ayusin ang buhay niya kayaginawa niya iyon. Parang career move na rin on his part. Yun lang naman angalam ko.

"Nasabi ko na rin before sa isang interview ko ang mga nararamdaman kofor Cristine. ‘Tapos na naman ‘yon at hindi ko na uulitin pa. Let's all move onpara mas maganda ang mangyari sa amin, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN