Victor Basa says gay rumors prove that he tackles role convincingy

"Bihira ang nakakaganap ng gay roles na nakukumbinsiyung mga tao. I know myself better. They can say whatever they want, for aslong as I'm doing my job well, yun ang importante," says Victor Basa about the gay rumors thrown at him.




Sa sobrang excitement ni Victor Basa, nagkandapiyuk-piyok siya sa"Sunglasses at Night" number ng Coverboys kahapon sa Hotel Sofitel inManila, dahilan para kantiyawan siya ng marami.

"Nagulat kasi ako sa response ng mga taongnaroon," sabi ni Victor. "I got so overwhelmed, at ibig sabihinlang, may feelings ang pagkanta ko. It was too late to realize that I wassinging off-key, at aminado ako, pumiyok talaga ako," pag-amin ni Victornang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ipinakita na lang ni Victor that he can have grace underpressure. Hindi naging dahilan yun para masira nang husto ang performance ngCoverboys. Kasama niyang nag-perform sina Rafael Rosell, Jon Avila, JakeCuenca at John James Uy.

"It happens naman in live shows, and we're reallytrying to sing live na talaga. Kaya lang, hindi puwedeng maging excuse yun parahindi namin paghusayan yung trabaho namin.

"Masyado lang talaga akong na-excite at nawalan ako ngcontrol sa performance ko," napapailing na sabi ni Victor.

Kunsabagay, showboys naman talaga ang Coverboys at hindi rawsila boyband para masabing kailangang mahuhusay silang kumanta.

"Pero, so far, happy ako being a Kapamilya,"nasabi na lang ni Victor. "Naroroon palagi ang moral support. Natutuwaako, because every week, mayroon kaming raket, out-of-town shows. Mayroontalagang clamor for us to perform live, kaya dapat na pinagbubutihan namin.

"Tuloy pa rin yung trabaho ko as a VJ, at saka lagikaming napapanood sa A.S.A.P., and I'm really very happy," dugtong niya.

EXPOSURES AND GIRLS. Masuwerte na rin si Victor athindi naman siya nawawalan ng exposure. Sa rami ng talents ng ABS-CBN, kokontilang talaga yung naisasalang nang madalas.

"Maraming artista who are really struggling," saysVictor. "I love my job. I love acting, yun talaga ang hilig ko."

Kung anu-anong tsismis din kay Victor, pero sa mga na-linkna girls sa kanya, isa lang ang parang inaaminniya.

"Ah, yung sa amin ni ValeenMontenegro," sabi pa ni Victor. "We were together for about ayear. Eventually, na-weigh namin ang pros and cons. She has to work and she hasto attend school. Nasa college na kasi siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa naman akong nababalitaan na may tsismis saaking ibang girls, kasi, ang focus ko talaga, nasa trabaho."

CONVINCING AS GAY. Pero, hindi humihinto ang gayrumors about Victor. Kasi nga, may ilang TV exposures si Victor na gumanapsiyang gay, and there was even an indie film, Maling Akala, naconvincing siya as a gay.

"Nakagawa na ako ng gay roles, and that's justokay," sabi pa niya. "Those are just roles. I consider myself luckyenough to be given such challenges.

"Bihira ang nakakaganap ng gay roles na nakukumbinsiyung mga tao. I know myself better. They can say whatever they want, for aslong as I'm doing my job well, yun ang importante.

"Malaki lang kasi ang audience, lalo sa TV. Nag-iibaang interpretation lalo na kung larger than life na sa screen.

"I don't think na mata-typecast ako, I acceptednga another indie film, yung Xenoa 2 na hindi naman ako gay roon. Sci-fiadventure film yun, kaya excited ako. I guess people look at me, not as the character,but as an actor who can portray different kinds of roles."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN