GMA Films denies sending text message about first-day gross of "I.T.A.L.Y."

Eugene Domingo (right) and an Italian actor in a scene from GMA Films' I.T.A.L.Y.



Pinabulaanan ng GMA Films ang lumabas sa isang showbiz blog (walang byline ito, maging tunay na pangalan o hindi) nanagbibigay ng mga balitang sa kanila lang diumano mababasa. Ayon dito, nagpalabas daw ng isang text message ang mismong presidente ng film company na siMs. Annette Gozon-Abrogar tungkol sa first-day gross ng pelikulangI.T.A.L.Y (I Trust And Love You).

Nakalagay raw sa kumakalat na text message mula kay Ms. Annette na naka-P17 million diumano ang pelikula na tinatampukan nina Jolina Magdangal, Dennis Trillo,Eugene Domingo, Mark Herras, Rhian Ramos, at Rufa Mae Quinto. Nalampasan panga raw nito ang kinita ng Star Cinema movie, A Very Special Love.

Kasunod nito, naglabas ng sariling first-day gross ang nasabing showbizblog para sa I.T.A.L.Y., na hindi naman sinabi kung saan nanggaling at itinagona lang sa napaka-safe na "source."

Walang ganitong balitang lumabas sa kahit anong pahayagan, broadsheet man otabloid, at kahit dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Walang ni isang entertainment writer ang nakatanggap ng ganitongtext message mula kay Ms.Annette, kaya nagtataka ang lahat kung sinongmanunulat ang pinadalhan nito. Ang mga publicist ng pelikula na dapat ay unangnakatanggap ng ganitong balita ay wala ring nakuha.

Hindi kailanman nagti-text si Ms. Annette directly sa mga manunulat.Dumadaan ang lahat ng official statements ng GMA Films President sa dalawangtop men ng film arm ng Kapuso network na sina Joey Abacan at Noel Ferrer. Walang ipinadalang ganitong textmessage either si Joey o si Noel.

Hindi rin daw naging ugali ng GMA Films na maglabas ng first-day gross. Samga pinakahuling pelikula nito na My Best Friend's Girlfriend at My Monster Mom, halos one week bagoinilabas ang official box-office results. Kung mayroon mang nagsulat ng first-day gross nito, hindi direktang galing sa GMA Films.

Ayon sa GMA Films, maayos ang naging box-office gross ng I.T.A.L.Y. Hindiito ang magiging pinakamalakas na pelikula ng GMA Films, ngunit hindi rin ituturing ng kumpanya na isang flop. Maganda rin daw ang word-of-mouth feedback ngpelikula, kung kaya't magtatagal pa ito ng ilang linggo sa mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN