Dennis Trillo on Cristine Reyes's reported suicide attempt: "Nagulat ako at natawa..."

"Sa pagkakaalam ko,naospital siya dahil sa sobrang pagod lang ‘ata or overfatigue. Pero yungpagsu-suicide, hindi ko alam. Hindi niya siguro gagawin yun at walang dahilan," replies Dennis Trillo when asked about the reported suicide attempt of ex-girlfriend Cristine Reyes.



Late na dumating sagrand presscon ng Mag-ingat Ka Sa... Kulam last Sunday, September 21, ang leadingman ng pelikula na si Dennis Trillo. Nanggaling pa raw kasi siya sa isangprovincial show.

Namangha naman siDennis sa ganda ng trailer ng pelikula nila ni Judy Ann Santos at 48thanniversary offering ng Regal Entertainment.

"Ngayon ko langnapanood yung buong trailer talaga," sambit ni Dennis. "Sulit na ulit yungisang taon [na shooting] at mabigyan ng pagkakataon ng Regal na makatrabaho ko si Judy Ann.Sobrang suwerte ko dahil ang daming naghahangad na artistang lalaki namakatrabaho siya and napakasuwerte ko na isa ako doon sa mga lalaking yun."

Ayon kay Judy Ann,hindi sila nagkaroon ng chance ni Dennis na maging close dahil may sarlingmundo ang aktor kapag nagsu-shooting sila. Ano ang masasabi ni Dennis dito?

"Hindi, kasi tahimiklang talaga ako, e. So, madalas nagkikita lang kami kapag nagyayaya siyamadalas kumain. Marami kasi siyang dalang pagkain talaga. And sa set, haloslahat kami laging gutom palagi. So,every break, every lunch break, every dinner, merienda, 'ayun, pupunta ako sakuwarto niya para makikain," lahad ng young actor.

Na-feel ba niya naisang Judy Ann Santos ang kapareha niya sa pelikula?

"Isa na rin yunsiyempre. Kasi hanggang ngayon, every time na nakikita ko siya, kahit napangalawang pelikula namin itong ginawa, star-struck pa rin ako sa kanyadahil iba yung aura. Maganda yung level of confidence saka yun, ibang level, e.Ibang level yung Judy Ann talaga. Kaya napakasuwerte ko na nakatrabaho ko siya,"pahayag ni Dennis, na unang nakasama si Judy Ann sa pelikulang Aishite Imasu.

ON CARLENE AGUILAR. Ano naman angreaksiyon niya sa nababalitang may idini-date na raw ang ina ng anak niyang siCalix na si Carlene Aguilar na mayamang businessmn?

"Ah, talaga meronba?" balik-tanong ni Dennis. "Wala akong balita. Pero siyempre, okey yun. Karapatan din naman niya na magingmasaya sa buhay niya, di ba? At kailangan maka-move on ang bawat isa sa aminkaya mabuti na rin yun siguro."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Uso raw ngayon angbalikan sa showbiz, gaya ni Mylene Dizon na nabuntis ulit courtesy of PaoloParaiso.

"Ah, hindi ko alam,e. Hindi natin masasabi kung what the future holds, di ba? Pero ewan ko."

Sa ngayon,wala bang chance na magkabalikan sila ni Carlene?

"Ngayon kasi masfocused ako sa trabaho ko. Kumbaga, alaga doon sa anak ko and masaya ako sangayon. So, ganun muna ang ginagawa ko."

Hindi ba silanagkaroon ng bonding ni Carlene noong hinahanda nila ang first birthday party niCalix?

"Nakakapag-usap kaminang maayos, lalo na sa pag-o-organize nung party nung anak namin. ‘Tsaka masayakaming parati and proud parents kay Calix. Masayang-masaya rin si Calix sabirthday party niya kasi ano, e, kitang-kita sa mukha niya na nag-enjoy talagasiya nung araw na ‘yon," sabi ni Dennis.

Never ba pumasok saisip nila ang ideya ng balikan?

"Sa ngayon, ano, e,katulad ng sinabi ko, mas focused ako ngayon sa career ko, sa pag-aalaga ng anak ko, although hindi kamimagkasama. Pero hindi naman kailangang biglain lahat, e. Tingnan natin kung anoang mangyayari. Pero sa ngayon career muna at maraming ginagawa."

Hindi rin daw niyanapapanood si Carlene na kumakanta sa Celebrity Duets.

"Hindi talaga akonakakapanood. Hindi naman sa sinasadya ko. Marami lang talagang commitmentngayon. Wala talaga akong pagkakataon makapanood. Pero marami nga ang pumupurina magaling daw siya. Sa ngayon kasi, hindi talaga ako naghahanap, kasi ayokongmaghanap ng panibagong problema."

ON CRISTINE REYES. Nabalitaan baniya ang balitang nag-attempt mag-suicide ng nakarelasyon niyang si CristineReyes?

"Sa pagkakaalam ko,naospital siya dahil sa sobrang pagod lang ‘ata or overfatigue. Pero yungpagsu-suicide, hindi ko alam. Hindi niya siguro gagawin yun at walang dahilan."

Paano niya nalaman?

"Nakibalita ako sa mgakaibigan din niya and nakausap ko rin siya. Tinanong ko siya and ano lang, parang sa sobrang pagod dahilnagti-taping siya palagi."

May communication parin ba sila ni Cristine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun lang. Yung timena yun. Dahil siyempre, nagulat ako nung makarating sa akin. ‘Totoo ba yun?'"

Dinalaw ba niya siCristine nang maospital ito?

"Wala, parang sandalilang din ‘ata siya doon. Kinumusta lang."

Na-tense ba siya nungmabalitaan niya na nag-suicide raw si Cristine?

"Nagulat ako atnatawa kasi wala naman siyang dahilan para gawin yun," sagot ni Dennis.

Sigurado siya nawalang dahilan si Cristine para mag-suicide?

"Parang wala, walanaman."

Paano kung siya palaang dahilan ng pagtatangka ni Cristine sa buhay niya, bagamat itinanggi na ng kampo ng young actress ang lumabas na report?

"Hindi siguro.Imposible," sabi ni Dennis.

Ano na ang sitwasyonnila ngayon ni Cristine?

"Basta maayos kamingnaghiwalay. Yun lang yun. Maayos, walang galit. Walang tampo."

Bakit nag-text parin siya kay Cristine?

"Dahil lang ponalaman ko na may ganung balita sa kanya. So, ako siyempre, concerned din namanako kahit paano kaya tinagawan ko siya," paliwanag ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN