Alessandra de Rossi swamped with TV projects since moving to ABS-CBN

Young actress Alessandra de Rossi is very satisfied that her showbiz career is moving forward since moving to ABS-CBN.



Nabalitaan ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) na ginanap na ang story conference ng bagong featuredstory sa Komiks ng ABS-CBN na pinamagatang Dragona: Ang Superhero naMay Ibubuga noong September 19. Bida sa Dragona si Shaina Magdayao, makakaparehaniya si Jake Cuenca, at kasama rin sa cast si Carlos Agassi.

Pasok din sa cast siAlessandra de Rossi as the main villain; ordinaryo siyang tao na naging dragon.Naka-schedule ang taping ng Dragona, na ididirek ni Trina Dayrit, sa lateOctober at ipalalabas ito sa December.

Second regular showna ito ni Alex sa ABS-CBN mula nang siya'y lumipat mula GMA-7. Una siyanglumabas sa I Love Betty La Feana pinagbibidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Bukod sa Dragona,may gagawin ding primetime soap opera si Alex. Kaya sandali lang siya BettyLa Fea dahil sa soap na isa siya sa mga bida.

Masaya si Alex saitinatakbo ng career niya ngayon sa ABS-CBN. Bukod sa mga nabanggit nashows, kasama rin siya sa TV remake ng Pieta.Wala siyang pakialam na tinanggap ang role niyang young mother ni RyanAgoncillo, na sa pagtanda ay gagampanan ni Cherie Gil.

Busy rin sa pelikulasi Alex dahil pagkatapos ng indie film na Manila, kasama si PioloPascual, ginagawa naman nito ang One Night Only. Ito ang entry ng OctoArts Films sa 2008 Metro Manila Film Festival.

Kasama rin sa cast ng One Night Only si Jennylyn Mercado.Kaya curious ang marami kungnagbabatian ba sila o nag-uusap ng young actress, na kakapanganak pa lang, sa shooting. Bagokasi si Rhian Ramos ay si Jennylyn ang nakabangga ni Alex at wala pang closureang "word war" nila.

Presentdin sa presscon ng Dragona si Carlos Agassi na medyo pumayat, perobagay sa kanya at guwapo pa rin. Pinatutunayan ng muling pag-active niya sa showbiz na he's okay, at mali ang paulit-ulit na balitang may grabengsakit dala ng pagti-take ng steroids para mabilis magka-muscle atmagka-abs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN