Judy Ann Santos on working with Piolo Pascual again: "Panahon na lang ang makapagsasabi."

"Kalma na muna tayo. I mean, I'mhappy for him because Angel [Locsin] is there. He has a new love team. And Ihope, you know, it would click," says Judy Ann Santos about the possibility of working with former screen partner Piolo Pascual.



Next week ay aalis muli ng bansa si Judy Ann Santos paramag-lobby para sa kanyang pelikulang Ploning, ang official entry ng Pilipinas forBest Foreign Language Film sa Oscar Awards.

Malamang na sa October 1 opening ng kanyangbagong pelikula sa Regal Entertainment, Mag-ingat Ka Sa...Kulam, 1ay wala siya. Kaya naman masipag ngayon pa lang si Juday sapagpo-promote ng kanilang horror film ni Dennis Trillo.

"Ang tagal ko na kasing hindi nananakot sa movie. Yung lasthorror ko, Ouija [2007], pero hindi ako nananakot do'n, ako ang tinatakot. So,ang maganda lang, sa Regal din yung last horror movie [Regal Shockers] ko na nananakot ako, thenngayon sa Regal pa rin yung parang comeback ko sa ganoong genre. Siyempre, wishko na suportahan ng mga tao, panoorin nila dahil sinisigurado naman namin namaganda at matatakot sila!" natatawang pahayag ng aktres sa second presscon ngMag-ingat Ka Sa...Kulam last Sunday, September 21.

"HUMINGI AKO SA LANGIT." Kinumusta rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayJuday ang tungkol sa Nurserye nila ni Derek Ramsay, Humingi Ako Sa Langit.Hopefully raw ay maipalabas na ito.

Worth the wait naman ba, sa tingin niya, ang naturang series?

"Yes, its worth the wait! Sobrang ibang-iba ‘to! Siyempre,sa lahat naman ng artistang nagpo-promote ng show nila, sinasabi nilangibang-iba. Ako kasi, sa part ko, masasabi ko na iba ito sa akin. Kasi yungpinanggalingan ko, yung Ysabella na ang background ko ro'n, culinary. E, dito,wala akong background ng medical."

Nahirapan daw siya talaga sa role niya bilang isang clinicalinstructor.

"Mahirap kasi kailangan tama ang hawak ko ng mga gamit, patimga terms. May mga terms na ang haba-haba ng linya ko talaga. So,nagbabasa-basa ako habang naghihintay ng take. May doctor at nurse din nanakaantabay sa set namin para kapag may term akong hindi alam, tatanungin kosila," lahad niya.

Dahil sa naturang series, bigla raw nanood ng mga Hollywoodseries si Juday, ‘tulad ng Grey's Anatomy at House. Naging instant fan daw siyang mga naturang serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naisulat naman mismo ng manager ni Juday na si Alfie Lorenzosa column nito na instead na sa primetime programming mapapanood ang Humingi Ako Sa Langit, magiging pre-primetime programming ito ng ABS-CBN. Ano ang masasabi niJuday rito?

"Okey lang sa akin kung doon sila masaya, e, di sige, diba?" napapailing na natatawa niyang sabi.

Pero ayon naman sa nakausap ng PEP na konektado sa ABS-CBN,sa pagkakaalam niya ay primetime talaga ang timeslot ng Humingi Ako Sa Langit. Malamang na ito raw ang papalit sa timeslot ng Iisa Pa Lamang ni Claudine Barretto.

ON PIOLO PASCUAL. Tinanong din ng PEP si Juday kung kumusta na ang pakikitungoniya sa dating ka-love team na si Piolo Pascual.

Sa isang event kasi ay na-interview ng PEP si Piolo atnasabi nga nito na okey na silang dalawa ni Juday, although nalulungkotdin ito na tipong "hi and hello" na lang silang dalawa. May mga instances dawkasi na nagkikita sila, 'tulad noong nasa Dubai sila at nang magkasabay rin silasa isang flight.

Si Juday ba ay may ganun ding pakiramdam sa kinahinatnan ngfriendship nila ni Piolo?

"Ako, naniniwala kasi ako na kung ano ang gusto ni Lord, yunang mangyayari," sabi ni Juday. "Kumbaga, gaya nga ng sinabi ko sa interview,ang pakikipagkaibigan ko naman sa mga nakaka-partner ko, wala naman akong sinu-showbiz.Siguro naging maganda rin naman ang pagkakaibigan namin ni Piolo at maramingtao ang nakakita noon. Ako naman, whatever friendship we had, hindi namanmawawala yun."

Hindi man direktang sinabi ni Piolo, mukhang na kay Judy Annpa rin ang susi kung magsasama silang muli sa isang project. Ano ang masasabini Juday rito?

"Well, ako kasi, panahon na lang ang makapagsasabi. Pero saakin ngayon, ipag-mature muna natin ang mga taong nakapaligid. Kasi masnagiging kumplikado kapag yung mga taong nakapaligid ang hindi pa talaganakakatanggap ng mga katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"So, ano na muna, kalma na muna tayo. I mean, I'mhappy for him because Angel [Locsin] is there. He has a new love team. And Ihope, you know, it would click," pagwawakas ni Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN