Jon Avila after Kapitan Boom: "Work is my girlfriend right now."

"I consider everything a blessing. Hindi ko naman na-planang mga bagay na ito. Experiencing everything so fast is overwhelming for me,"says Jon Avila about his career right now.



Marami ang nagtatanong kung ano na ang susunod na mangyayari sa career ni JonAvila pagkatapos mabigyan siya ng break sa KapitanBoom. Naka-focus muna si Jon sa paggawa ng pelikula at mayroonsiyang pinagkakaabalahang dalawang proyekto sa ngayon.

"Sabay kong ginagawa, both for Direk Joey Reyes. Theone is for Viva, with Rufa Mae Quinto, titled CivilStatus: Single; and the other is for OctoArts, One Night Only, in whichthe story happened in just one day. It's kind of a fast-paced movie," sabi ni Jon.

AFTER KAPITAN BOOM. Ito'y habang pinag-iisipanpa sa ABS-CBN ang follow-up sa Kapitan Boom. May alam na si Jon sa mgadetalye, pero mas mabuting manahimik na muna siya habang hindi pa tiyak angpagtatrabaho niya para rito.

"It's going to be a surprise, but for sure, matutuwaang mga tao, bata o matanda," nangingiting sabi ni Jon.

Mabilis ang mga pangyayari sa career ni Jon pagkatapos namaging sensation siya sa Pinoy Big Brother CelebrityEdition.

"I consider everything a blessing. Hindi ko naman na-planang mga bagay na ito. Experiencing everything so fast is overwhelming for me. Sa London kasi, roon ako lumaki, and I'm not used toget a lot of attention," kuwento pa ng binata.

Pero, sa ngayon ay talagang nalulunod siya sa atensiyon ngmga tao, at mabuti na lang, marunong ding humarap sa ganitong sitwasyon angbaguhan.

"It's a nice feeling, just to know na kahit paano, Ican inspire people. I know the responsibility when people already look up toyou," dugtong ni Jon.

Ginagamit na rin niya yun sa kanyang advantage, at paramakatulong na rin daw sa ibang tao, sa paraang makakayanan niya.

TALKING TAGALOG. "Nag-aaral na ako ng Tagalog,sa bahay ko," wika ni Jon sa garil na Tagalog.

"Wala akong time namag-aral ng Tagalog when I'm at work. Tiyaga lang talaga. I'm doing my best.Lalo na if you got used to a certain language, you can't do that namanovernight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, mga role ko sa movies ko, sa TV, puro Tagalogang lines ko. Kahit sinasabi ng mga direktor ko na mag-English ako, okey lang,hindi pa rin. I would really work hard on that para matuto ako," pahayagni Jon.

ZANJOE AND MARIEL. Naging interesado tuloy kami saworking relationship nila ni Zanjoe Marudo.Magkasama sila sa grupo ng Coverboys, at mukhang nagkakasundo naman sila.

"Walang problema sa amin ni Zanjoe,"depensa agad ni Jon. "Akala nila, because na-link ako kay Mariel[Rodriguez] sa PBB, hanggang ngayon,puwedeng maging conflict sa amin yun ni Zanjoe. We're okay.

"There's nothing to settle. Lumang isyu na nga 'yan.One year na, ah. Marami nang nangyari for the past year, It doesn't affect ourwork naman."

For the record, tinanong namin si Jon kung ano ba angeksaktong namagitan sa kanila ni Mariel, lalo na noon sa loob ng Bahay ni Kuya.

"No, there was no romantic affair. We just had aconnection. A good connection between two people.

"I believe in destiny, and obviously, it wasn't meantto be. May ibang plano siguro para sa aming dalawa," natatawang sabi ni Jon.

MAJA SALVADOR. Ano na ang nangyari sa kanila ni Maja Salvador? Pagkatapos na magkasama sila sa KapitanBoom, wala na bang progress yung sinabi ni Jon na type niya ang dalaga?

"She's a beautiful person, inside and out. As to a possible relationship sana, wish ko lang na wecould have done something about it. Pero, pareho na kaming naging verybusy."

Hindi ba umabot sa puntong inanyayahan ni Jon si Majafor dinner sa bahay na tinutuluyan niya?

"Walang ganoon," sagot ni Jon. "Noong Kapitan Boom days, mas marami kaming timetogether, kasi, sa trabaho. Sa tingin ko, magaling siyang makipagkaibigan.

"She's a good friend, a really nice person. It would bevery nice to have her in my life.

"At the moment, wala akong love life. I'm too busyfocused with my work. Work is my girlfriend right now," at sakapinakawalan ni Jon ang isang matamis na ngiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN