After Celine Dion, Charice now wants to sing duet with Whitney Houston or Mariah Carey

Charice performs in front of 7,000 Filipinos in the celebration of TFC's 15th anniversary titled One Kapamilya Go!



Muling pinabilib ng teen singing sensation na si Charice angmga kapwa niya Pinoy sa Los Angeles nang mag-perform siya para sa One Kapamilya Go! na kick-off celebration ng 15th year ng TFC (TheFilipino Channel).

Dumating last Friday, September 19, si Charice sa Californiamula sa New York, kung saan naka-duet niya ang international singer na siCeline Dion sa Madison Square Garden. Nag-check in si Charice kasama angkanyang ina na si Mommy Raquel sa isang napakagandang suite sa Double Tree Hotel.

Tuwang-tuwa si Charice pagpasok sa kuwarto at ang unangtanong ay kung mayroon bang Internet connection doon. Main hobby kasi niyangayon ang pagdo-download ng kiddie games, movies, at songs mula sa iTunes sakanyang Macbook. Pagkatapos ay nilo-load niya ito sa kanyang pinakapaboritonggadget, ang iPod Touch na iniregalo ni Ellen DeGeneres nang mag-guest si Charicesa show nito na Ellen.

Bukod sa mga kiddie animated films na laman ng iPod niCharice, naroon din ang footages ng kanyang mga international TV guestingskabilang na ang pagkanta niya sa katatapos lang na concert ni Celine. Kuwentoni Charice sa TFC executive na si Mickey Munoz, ang kanyang Mommy Raquel dawang nag-video ng footages sa duet nila ni Celine.

Tuwang-tuwa raw si Charice sa isang game na umiinom siya nggatas mula sa kanyang iPod. Pero ang paulit-ulit niya na pinakikinggan ay angbagong CD ni Celine na ibinigay sa kanya ng international singer with matchingpersonal autograph.

Sumundo na araw, September 20, dumating sila at exactly 4p.m. sa rehearsal ng One Kapamilya Go!Wala namang tigil ang pagpapa-picture sa kanya ng mga tagahanga niya na sobrang ikina-enejoy naman ni Charicebawat sandali.

Pawang Take 1 ang ginawang pagre-rehearse ni Charice sastage. Para sa finale ng show, kasama niyang kakanta sina Martin Nievera,Sheryn Regis, at Carol Banawa. Pero dahil bago sa kanya ang kanta na "SabihinMong Ikaw Ay Pilipino" na nilikha ni Ryan Cayabyab, itinayp niya ang lyrics atinilagay sa kanyang pinakamamahal na iPod na siyang nagsilbing teleprompter niCharice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa si Charice sa mga piling mga artistang inimbita ng TFC sa One Kapamilya Go! at doon very excited ang lahat ng tao na makita siya. Ito rin ang kauna-unahangpublic performance niya pagkatapos ng special appearance niya sa konsiyerto niCeline.

Para kay Charice, napaka-espesyal ang ginawa niyangperformance sa One Kapamilya Go! dahilmga kapwa Pinoy at Fil-Ams ang kanyang naging audience. Isang Amerikana namanang nagpakita ng pagkagiliw kay Charice habang pinapanood siya.

Nilapitan siya ni Mickey at nakilala niya sa pangalang Rose.Si Rose ay isang facilities cleaner sa Ontario Convention Center. Naikuwento niRose kay Mickey na napanood niya si Charice sa show ni Oprah Winfrey at labissiyang naiyak sa kuwento ng buhay ng teen singing sensation. Kaya nang malamanni Rose na kakanta si Charice sa venue ay nagpalipat siya ng shift para langmapanood siya nang malapitan at mahalikan ang young singer.

"I am completely bowled over by her angelic voice and I can'tbelieve she is that young," sabi ni Rose. Patunay lang na pang-global na talagasi Charice at iba't ibang lahi na ang humahanga sa kanya.

Pagdating nung mismong show, Sunday (September 21), asexpected, pinahanga ni Charice ang mahigit sa 7,000 nating mga kababayan sakanyang performance ng "A Moment Like This" at "I Believe." Naghiyawan pang lalo ang mga tao nangkinanta niya ang "My Heart Will Go On" ni Celine.

Hanggang sa matapos ang performance ni Charice ay wala parin daw tigil ang mga tao sa pagpalakpak dahil sa sobrang proud sa inaaningtagumpay ng kapwa nating Pinoy worldwide.

Pagkatapos noon ay lumipat si Charice sa kabilang ballroom, kungsaan may mga 500 Filipinos na hindi nakapasok dahil punung-puno na ang mainhall ng Ontario Convention Center. Doon ay impromptu niyang kinanta ng acapellaang "Because You Loved Me."

Mula sa Ontario Convention Center, dumiretso na si Chariceat ang kanyang ina sa Los Angeles Airport para sa 10:30 p.m. flight pabalik ngPilipinas. Pero bago yun, tinanong ni Mickey si Charice kung meron pa rin basiyang wish sa dami ng blessings na natanggap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Isa na lamang po ang pangarap ko sa ngayon, angmaka-duet ko sa kantang ‘When You Believe' ang kahit isa lang sa dalawa ko panginiidolo na sina Mariah Carey at siWhitney Houston," sabi ni Charice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN