Joem Bascon afraid to go into a relationship with showbiz girl

"More on acting talaga ang gusto ko. Kasi kung magigingmatinee idol, I think for a while lang yun, di ba? Darating din sa point nakailangan mong gumawa ng different characters. So for me, mas maganda kungsimulan na natin ngayon," says Joem Bascon on why he prefers to be known as an actor rather than as a matinee idol.



In two years time, flourishing ang career ni Joem Bascon napuwedeng sabihin na hindi naman intentional talaga ang pagkakapasok niya sashowbiz. Natatandaan pa namin na sa bahay nila noon sa may Antipolo nagkaroonng location shoot ang isang teleserye ng ABS-CBN nang maispatan siya ngdirektor na si Jerry Sineneng at makitaan ng potential.

The rest, as they say, is history.

Ilang independent films na rin ang ginawa ni Joem, perokahit baguhan pa lang siya ay masasabing nagmamarka na agad sa mga manonood angkanyang pagganap. Sa kasalukuyan ay kasama siya sa cast ng I Love Betty La Fea,kung saan ginagampanan niya ang role na chickboy-best friend ni John LloydCruz.

Pero nilinaw naman ni Joem na malayong-malayo sa totoongbuhay ang character na ginagampanan niya.

"Chickboy kami talaga lalo na noong before pa siyama-in-love kay Marcella, which is played by Megan Young. Maganda naman yungrole ko, yun nga lang, total opposite talaga ng personality ko. Masyado kasingloud si Mario. Siya yung feeling niya, God's gift to women!" natatawa niyangpaglalarawan sa kanyang character.

INDIE FILMS VETERAN. Ayon kay Joem, bago ang presscon para sa kanila ng Star Magickahapon, September 23, kagagaling lang daw niya sa shooting ng Walang HanggangPaalam, an independent film directed by Paolo Villaluna. Silang dalawa ni Lovi Poe ang magka-partner dito.

Feeling ni Joem, bukod sa Batanes, isa ang Walang HanggangPaalam sa maipagmamalaki niyang pelikula.

"First day of shooting ngayon. Actually, after nga nitongpresscon, babalik ulit ako sa shooting. It's a story of Maria and Ryan, whichis Lovi and me. Mag-boyfriend, parang thrill seekers kami, doon tatakbo yungkuwento," lahad niya.

Nalilinya si Joem sa indie films, enjoy ba siya sa ganitonggenre?

"Enjoy, enjoy," sambit niya. "Actually, medyo hirap nga akosa Betty. Yun nga, medyo heavy yung mga ginagawa ko. Kailangang ma-distinguishtalaga yung commercial from indie films character. Medyo mahirap, pero kailanganggawin."

Kung si Joem daw ang masusunod, mas gusto niyang makilalatalaga bilang aktor more than as a heartthrob or just being popular.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"More on acting talaga ang gusto ko. Kasi kung magigingmatinee idol, I think for a while lang yun, di ba? Darating din sa point nakailangan mong gumawa ng different characters. So for me, mas maganda kungsimulan na natin ngayon.

"Tingnan na lang natin kung saan madadala at kung ano angplans sa akin ng mga bossing, kung magiging matinee idol or the actor, JoemBascon. Basta sa ngayon, happy ako, I'm working. Ang daming experiences nanagagawa ngayon," pahayag ng young actor.

PIOLO LOOK ALIKE. Kung may mapapansin agad kay Joem, ito ay ang madalassabihin sa kanya na "kamukha" niya ang co-Star Magic talent niya na si PioloPascual. Pero unti-unti, nakakawala na siya sa ganoongpagkakakilala sa kanya ng mga tao.

How does he feel about it?

"Actually, hindi ko na lang iniisip yun," sabi ni Joem."Work na lang ako nang work. Pero kung matanong man yun, I'm very happy rin na,at least, nakawala na rin. Feeling ko naman, kahit paano, nakawala naman dahil sa mgaginagawa ko.

"Pero yun nga, ang tagal nang sinasabi... Sa two years ko,palagi nilang sinasabi yun. So for me, hindi ko na lang iniisip yun. Basta ako,trabaho na lang nang trabaho. Kung makilala rin as me, okey lang sa akin. Kunghindi pa rin for some, okey lang din. Basta nandito ako at nagwo-work."

Hindi naman daw intentional na binabago niya ang looks niya,like his hairstyle, para hindi siya masabihang kamukha palagi ni Piolo.

"Hindi naman, ito na talaga ako," paglilinaw niya. "Hindi kobinabago, actually, this is me. At saka sa tingin ko, the more na iniisip kopalagi si Piolo, the more na nalalapit, e. So, sabi sa akin, just be yourself.Maging ikaw. So, yun nga, nagpe-pay-off naman."

Sa palagay niya, wala naman problema kay Piolo kung maynagsasabi man na kamukha siya ni Joem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong magkita kami, itinuturo niya ako, ‘Parang ako, ikaw;ikaw, ako.' Parang ganoon. Wala lang, lokohan lang. Siyempre, it's flatteringna kahit paano, nire-recognize naman niya. Pero honestly, puro biruan langtalaga."

NO TO SHOWBIZ GIRLFRIEND. Tungkol naman sa kanyang lovelife, he's very much singledaw. Kung lalagyan man daw ito ng kulay, it's more on date-date lang talaga.

"No time for serious relationship, e," sambit niya.

Natatawa nitong sinabi na natatakot siya sa isangshowbiz relationship.

"Never pa, never ko pang na-experience na magka-girlfriendng showbiz. Ewan ko, natatakot ako, e. Takot ako."

May mga nagagandahan at may crush naman daw siyang artistangbabae, pero hanggang doon lang daw talaga.

"Ayoko, e, takot ako. Pero siyempre, tingnan din natin.Kapag hindi mo na mapipigilan, di ba? Baka naman kasi minsan, bigla n'yo nalang ako makita with showbiz girl, so tingnan natin, di ba?"

Kung si Joem daw ang tatanungin, sina Roxanne Guinoo andAnne Curtis ang "pretty girls" sa showbiz. Pero halatang nailang ito atnatigilan nang i-reveal ng mga kasamahan niya sa I Love Betty La Fea, sina Megan Young atKristel Moreno, na crush nila si Joem.

"Talaga lang, crush nila ako? Pretty ‘yang dalawang ‘yan. Kakuwentuhanko sila palagi. Ngayon ko lang nalaman. Ewan ko, sana hindi magkailangan kapagnalaman.

"Single ba? Single ba si Megan?" natatawa niyangtanong. "Si Megan kasi, mas matagal ko nang kaibigan. Mas close ko si Megan.Siguro sa susunod na taping, mas kukuwentuhan ko nang kukuwentuhan si Kristelpara maging close pa kami," natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN