Is Vina Morales really pregnant?

Singer-actress Vina Morales is rumored to be two months pregnant courtesy of her non-showbiz boyfriend. But the actress and even her new management, Star Magic, could not give any statement as of the moment to confirm or deny the report. This photo of Vina was taken during the Awards Night of Pinoy Dream Academy Season 2 held last September 14 at the Cuneta Astrodome.



Pinag-uusapan ngayonsa showbiz ang pagbubuntis diumano ng singer-actress na si Vina Morales. Ayonsa lumabas na report, dalawang buwang buntis na raw ang nakatatandang kapatid ni ShainaMagdayao.

Pero hanggang ngayonay wala pang paglilinaw na ginagawa si Vina o maging ang mga malalapit sa kanya. Sinikap na kontakin ng ilangmalalapit kay Vina ang aktres, pero hindi raw ito sumasagot.

Matatandaan nakamakailan lang ay binigyan ng production number si Vina with other talents ngStar Magic sa ASAP ‘08 bilang pagwe-welcome sa kanya sa talent management ngABS-CBN na pinamumunuan ni Johnny Manahan.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang PR head ngStar Magic na si Rikka Dylim kahapon, September 23, sa ABS-CBN compound. Ayon sa kanya, kasalukuyang nasa Japan si Vina.

Two weeks ago aynag-imbita ang Star Magic sa press para sa solo presscon ni Vina. Ilang arawbago sumapit ang presscon na naka-set nung Lunes, September 15, na-cancel ito. Nagpasabi raw angama ni Vina na may natanguang commitment ang singer-actress that day kaya pina-cancelang presscon.

Kasunod nito ang pagputok ng balitang buntissi Vina. Inaasahan na ng Star Magic na pilit na iiugnay ang isyu ngpagkakabuntis ni Vina sa pagkakansela ng presscon niya. Pero maging angpamunuan ng bagong talent management ni Vina ay hindi makapaglabas ng officialstatement tungkol dito.

Bagamat kung totooraw na buntis si Vina, wala namang tutol ang Star Magic dahil nasa tamang edadna raw ang aktres. Vina is 32 years old. Kung may panghihinayang man ang StarMagic, ito ay dahil kasisimula pa lang nila na i-handle ang career ni Vina atmarami ang inquiries sa kanya for possible projects.

May mga pasubalinaman ang ilan na kaya hindi raw makalabas si Vina para aminin ang kanyangkalagayan sa publiko ay dahil sa legal problem na posible niyang kaharapindahil sa ama raw ng batang dinadala niya. Ayon sa report, ang non-showbizboyfriend ni Vina for two years diumano ama ng ipinagbubuntis ng singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Legally married parin daw sa hiniwalayang misis nito na kapwa niya Chinese ang boyfriend ni Vina. Any moment ay puwede raw silang sampahan ngkaso sa korte ng misis ng boyfriend niya.

Dagdag pa ng aming nakalap na report, masmayaman daw ang legal wife kesa sa boyfriend ni Vina at isa sa may-ari diumanong isang kilalang cosmetic beauty clinic sa Makati. Kaya gustuhin man daw niVina na magsalita at aminin ang batang dinadala niya, na matagal din niyang hinintay, ay hindi magawa ng singer-actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN