Manilyn Reynes still hurting but now moving on after miscarriage

"Okey naman ako,kailangang mag-move on at ang hirap magmukmok. Pero may time na nalulungkot parin ako. Siguro kung mag-isa lang ako, matagal akong makakabawi. Nag-usap ngakami ni Aljon at sabi namin, we have to move on, life has to go on, babalik dinsi baby," relates Manilyn Reynes about losing her third baby in a miscarriage.



Narinig ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang malulutong na tawa ni Manilyn Reynes sa thanksgivingparty at launching na bagong shows ng Q Channel 11 kagabi, September 23,sa Alfredo's restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City.Isa si Manilyn sa tatlong hosts ng Moms, naumeere rin sa Q 11. Bilang welcome sa new shows ng sister station ng GMA-7,dumating din ang hosts ng ibang shows ng network.

Pero nang makausap na ngPEP si Manilyn, ramdam pa rin ang lungkot niya pagkatapos makunan sa kanilasanang ikatlong anak ng asawang si Aljon Jimenez. Kailangan lang daw lagisiyang busy at laging may nakakausap para hindi naiisip ang nangyari sa babynila.

"Okey naman ako,kailangang mag-move on at ang hirap magmukmok. Pero may time na nalulungkot parin ako. Siguro kung mag-isa lang ako, matagal akong makakabawi. Nag-usap ngakami ni Aljon at sabi namin, we have to move on, life has to go on, babalik dinsi baby," lahad ni Manilyn sa PEP.

Magpu-four months nasana ang baby na ipinagbubuntis ni Manilyn nang siya'y makunan. Buo na, perohindi pa raw nakita ang gender nito kaya hindi nila alam kung girl o boy angbaby. Very faint daw ang heartbeat nito at ang paliwanag ng doktor ni Manilyn, mabuti na ganun ang nangyari at baka lumabas ang baby na may malubhangsakit.

"Ang pain of losingthe baby ay ang thought na six years namin siyang hinintay," sabi ni Manilyn. "Kahitsina Kylie [11 years old] at Kirby [6 years old], excited na sa kapatid nila.Nagtatanong nga si Kirby, saan daw nagpunta ang kapatid niya. Ang sabi ko nalang, sa heaven at babalik din. Si Kylie, hinihimas ang likod ko pagnapag-uusapan ang nangyari sa kapatid nila. Nalungkot din sila.

"Masaya na rin akosa nalaman kong maraming nagmamahal sa akin. Ang daming nag-text at tumawag saakin para magtanong sa nangyari and to offer comfort. I know naman, bibigyan pakami ni Lord ng baby," nakangiting sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

One thing that makesManilyn going ay ang almost four years nilang show nina Lani Mercado atSherilyn Reyes na Moms. Sa meeting nila sa first week of Octobermalalaman kung ano ang plano sa kanilang anniversary. But for now, masaya silasa positive feedback ng viewers sa kanilang show.

Idinagdag na ringibalita ni Manilyn na binili nila ni Aljon ang rights ng Pan de Pugon sa branchnitong malapit sa Ramon Magsaysay High School.

Ibinalita rin ngactress-TV host na may gagawin siyang digtal film para sa Directors' Guild of thePhilippines, Inc. (DGPI), ang Dead Na Si Lolo, to be directed by SoxyTopacio. Comedy-drama ito at makakasama niya sina Gina Alajar, Dick Israel, JooneeGamboa, at Elizabeth Oropesa.

Dagdag ni Manilyn, "May gagawin pa akong movie na entry sa MetroManila Film Festival, pero mag-uusap pa ang manager ko at producer. Saka ko naibabalita pag ayos na ang negosayon. Sa dami ng gagawin ko at tuluy-tuloy nablessings, kailangan kong mag-move on. I still have my husband and twobeautiful boys to love and to take care of."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN