Diether Ocampo likes working with foreign models more than with Pinays in his photo shoots

"Mga Pinay, hindi sila comfortable. I'd rather work withforeigners, kasi most of them, hindi naman nila ako kilala," says DietherOcampo about his problem with Filipina models when he does photo shoots for magazines.



Bukod sa Iisa Pa Lamang teleserye ng ABS-CBN kung saan nagmamarka ang exposure niya, okupado ang panahon ni Diether Ocampo sa K.I.D.S.(Kabataang Inyong Dapat Suportahan) Foundation. Umabot pa ang aktor saCordillera at Bacolod para sa ilang proyektong kaugnay ng kanyang advocacy.

"May mga paanyaya for shows abroad for TFC subscribers,"sabi ni Diet sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "At saka I'm into photography, di ba?" Binanggit din niDiether na nagsu-shoot siya for the magazine na kasosyo siya.

"Naging busy ako sa tapings lately, kaya hindi akonakakatanggap ng projects for photo shoots. Nagko-contribute din ako sa mgamagazine kasi. Isa 'yan sa pinagkakaabalahan ko ngayon," dugtong niya.

Nakakapagod nga kung tutuusin dahil sumasabay pa ritoang concerns niya for K.I.D.S. Foundation, at yung banda niyang Blow ay nakatakdanang mag-recording for their third album.

"Okey lang, tama yung pacing ng mga nangyayari, athindi naman ako nababakante," nangingiting sabi ni Diet.

PHOTOGRAPHY AND MOVIE. Sa photography,nagko-contribute nga si Diet sa magazine na isa siya sa may-ari at sa ilan pangmagazines.

"Close to what I am doing itong hobby naphotography," ani Diet. "Parang form of art din 'yan, just likemaking a movie. Capturing moments in still photos.

"Hobby ko lang naman, 'tapos nadi-discover ng iba. Sabi nila, bakit daw hindi ako mag-contribute sa kanila. Nahihiya ako kasihindi naman ako professional photographer talaga.

"Sinubukan ko, 'ayan, tuluy-tuloy na. Parang dito saindustriya, anumang simulan mo rito, talagang gusto mo, ituluy-tuloy na,"sabi pa niya.

MODEL TROUBLE. Si KristineHermosa ay nakuha na niyang model for photography.

"Siya yung pinakahuli," sabi pa ni Diether."Yung para sa anniversary issue [ng magazine niya]. Matagal na yun, e.Nag-shoot pa kami sa Boracay.

"Siya pa lang yung artista. Among the other modelsnaman, ang problema kasi, parang naiilang silang magpakuha ng pictures sa akin. Lalo na kung mga Pinay, hindi sila comfortable. I'drather work with foreigners, kasi most of them, hindi naman nila ako kilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I had a problem with my previousphoto shoots. Nahihirapang mag-project yung model, na parang nahihiyanghindi mo maintindihan. Lagi ko ngang sinasabi, just don't mind me. We have todo our jobs, para matapos nang maganda yung pictorial," patuloy niya.

DIREK DIET? Hindi kaya papunta na rin si Diet sapagdidirek?

"Alam mo, parang ganoon na nga ang puwedengmangyari," sabi niya. "Hindi ko masabi. Kasi nag-e-enjoy ako saphotography, and they would ask me, bakit daw hindi ako magdirek?

"Masyadong malaking responsibility kasi yun, peromatagal ko nang plano ang gumawa ng isang documentary for K.I.D.S. Foundation.Balak ko nga, ako na lang sana ang magpo-produce.

"Parang gusto ko na lang kumuha ng direktor na massanay na sa documentaries. Kailangan lang kasing alam ng direktor kung ano anggusto kong mangyari, yung detalye. So, iniisip ko rin. Hindi malayong mangyari namakapagdirek ako," nasabi pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN