GMA-7 sure of another jackpot in Mark Anthony-Heart team-up for "Luna Mystica"

Heart Evangelista and Mark Anthony Fernandez will be paired for the first time in the GMA-7 upcoming fantasy-drama Luna Mystica.



Nakakuha ang PEP(Philippine Entertainment Portal) ng additional information sa Luna Mystica,ang susunod na primetime series ni Mark Anthony Fernandez sa GMA-7 pagkatapos ng AkoSi Kim Samsoon. Ayaw pa sanang mag-release ng detalye ang isang konektado sa produksiyon ng Luna Mystica dahil maaga pa raw, pero dahil nabanggit na rin ito ni Mark Anthony sa panayam sa kanya ng PEP, pumayag din ang aming source na magbigay ng karagdagang detalye. (Click here to read related article.)

Ayon sa aming source, mid-October na rawang simula ng taping ng fantasy-drama na ito to be directed by Mike Tuviera at headwriter naman si RJ Nuevas. Sometime in November ang airing ng Luna Mystica napapalit sa Codename: Asero, kung saan si Heart din ang leading lady niRichard Gutierrez.

Pinipili pa raw angibang cast, pero ang sigurado pa lang ay sina Sheryl Cruz, as the maincontravida, at sina Kris Bernal at Aljur Abrenica na napapanood ngayon sa Dyesebel.Balik-GMA 7 si Sheryl sa series na ito. Sa mga nagtatanong kung bakitkinuhang muli ng GMA-7 ang serbisyo ni Sheryl, sinabi ng aming source namagaling naman itong artista at mahal ng aktres ang Kapuso network.

Gaya ng nasulat ngPEP, hindi sasayangin ng GMA-7 ang kasikatan at husay ni Mark. Kaya samga nag-aalala na hindi magagamit ng aktor ang kanyang kahusayan sa pag-artedahil fantaserye ang gagawin niya, tiniyak ng aming source na pinag-aaralannang husto ang project na ibibigay kay Mark, at alam nilang naka-jackpot nanaman sila na ipareha ito kay Heart.

Samantala, galing sa Naga siMark para sa Kapuso Night sa fiesta ng Our Lady of Pe├▒afrancia. Gaya ng mganangyayari sa mga pinupuntahan nitong lugar, pinagkaguluhan na naman angkaguwapuhan nito.

Kuwento ni RamsDavid, ang production unit manager ng Ako Si Kim Samsoon at LunaMystica, kahit umulan ay hindi nag-alisan ang tao at nagbukas na lang ngpayong dahil sa kagustuhang makita si Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ni MarkAnthony na pinagkaguluhan sa Naga sina Mark Herras at Angelika dela Cruz.Kababalik pa lang kahapon ng grupo,pero may request na agad na pabalikin si Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN