Nikki Gil answers rumors linking her to Billy Crawford

"Mahirapmagsalita kasi nga, just like I've said, we're getting to know each other and Idon't know what his intentions are. Ewan ko sa kanya. Tanungin n'yo na lang si Billy. Let him speak," says Nikki Gil about rumors linking her to Billy Crawford.



Noongkasagsagan ng second season ng Pinoy Dream Academy (PDA), hindi lang kung sinoang mananalo ang inaabangan dito ng publiko, kundi aamin ba sina Nikki Gil at Billy Crawford tungkol sa lumalabas na usap-usapan namay special relationship diumano na nabubuo sa pagitan ng dalawa?

Samu'tsaring mga balita ang lumabas na lalong nagpatibay na may espesyal ngangrelasyong namamagitan kina Nikki at Billy. Kabilang na rito ang celebration ngsinger-TV host, kasama si Billy at ilang malalapit na kaibigan nila. Lumabas din ang kuwento na si Nikki daw angpinagselosan nang husto ng ex-girlfriend ng international singer.

Hininging PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon si Nikki tungkol sapag-uugnay sa kanila ni Billy. Bagama't inamin niyang lumabas sila ni Billy,nilinaw ni Nikki na marami silang kasama noon

"Hindilang si Billy, siyempre gimik ng PDA yun," diin niya. "Kami ni Billy we'refriends, we go out, we see each other a lot. Pero nagkakakilanlan pa rin kami.

"Ican say naman na mabait siyang tao, he's really a very nice person, he's verydown to earth for someone who is so big. Kay Billy, hindi mo mararamdaman na may ere yung tao. Basta it's my honor, it's my pleasurehosting with him, singing with him sa ASAP," sabi ni Nikki.

Parakay Nikki, mas maganda kung si Billly na lang ang tanungin tungkol dito lalo'tsa ganitong kaso ay mahirap nga naman maglagay ng malisya o kulay sa parte ngmga babae.

"Mahirapmagsalita kasi nga, just like I've said, we're getting to know each other and Idon't know what his intentions are. Ewan ko sa kanya. Tanungin n'yo na lang si Billy. Let him speak," saadng dalaga.

Nasulatdin na si Nikki raw ang pinagselosan nang husto ng ex ni Billy from the States.When we asked Nikki about this, may punto ang singer nang sabihin niya sa PEPna isa itong bagay na hindi na niya sakop o hindi na siya dapat ma-involve pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganunnaman talaga, basta may ma-link lang na pangalan, pagseselosan na. Ako, I never met her. Sa issue na ‘yan, Ican say na out na ako dun. I may have been in this business not that long, butalam mo naman, alam ng tao na hindi ako lapitin ng mga intriga. I'm a kind ofperson na di pinapatulan ang mga ganyan. Kung nagselos siya, that's not reallymy problem anymore, I leave it up to them," pahayag ni Nikki.

Opennaman si Billy sa pagsasabing hanggang September lang siya ng bansa atpagkatapos ng kontrata niya sa ABS-CBN ay balik-States na siya. Kung mauuwitalaga sa isang tunay na relasyon ang kung anumang namamagitan sa kanila niNikki, it would be a long-distance affair for them. Given the choice, Nikki theis honest to admit na hindi siya gaanong aprubado sa ganitong klase ngrelasyon.

"Walanamang formula sa buhay, sometimes it works, sometimes it doesn't. Given the choice, I'd rather have a personhere. Ako pa, sobrang selosa ako! Gusto ko 24/7 nakikita kita, hindi lang salalake, kahit sa mga friends ko. Siyempre, it's more convenient in anyrelationship if you live in the same continent, at least," paliwanag ni Nikki.

RUMORED RIFT WITH TONI. Maymga balita ring lumabas na may alitan daw na namamagitan kina Nikkiat Toni Gonzaga. Nagsimula raw ito sacomparison ng style sa paghu-host ng dalawa; si Toni ay kasama ni Billy sa PDASeason II samantalang si Nikki naman ay solong hinu-host ang PDA LittleDreamers.

"It'spart and parcel of the business," sabi ni Nikki. "Pinasok ko ito, alam kong mayganyan. But I really think na magkaiba naman kami ng style of hosting. Some aremore seasoned, some are more experienced, but nevertheless, we have differentstyles to offer.

"Kaminaman ni Toni, we say 'hi' everytime we see each other. We're not close kasihindi naman kami ganung nagkakasama. Sa PDA, hindi kami masyadong nagkikitakasi I hosted the kids, she hosted the PDA adults."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Asa host, advantage para Nikki na kahit papaano ay nasisingit pa rinnaman niya ang kanyang singing career.

"Parangdito [hosting] nga ako nilalagay. Hindi na ako masyadong pinapakanta sa ASAP.That's fine, it's still work after all, it's still a break. I still do my homework, I also work tobetter my craft. I don't mind if they put me in hosting.

"I still have naman my album, I still docorporate shows. ‘Pag may corporate shows naman ako, may segue na singing. Atleast kahit saan ka itapon, okay lang," pagtatapos ni Nikki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN