Vina Morales is two months pregnant, say PEP sources

It has been confirmed from different sources that 32-year-old actress Vina Morales is two-months pregnant by her non-showbiz boyfriend Cedric Lee.


Kumpirmadong buntis ang singer-actress na si Vina Morales. Ito ang napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa magkakaibang sources. Gaya ng unang naiulat dito sa PEP, dalawang buwang buntis na si Vina at ang ama raw ng kanyang dinadala ay ang non-showbiz boyfriend niya na si Cedric Lee.

Dumating na pala kahapon ng umaga, September 23, si Vina mula sa Japan kung saan nag-perform siya para sa mga kababayan nating Pinoy roon. Ayon sa source ng PEP, nakausap daw ni Vina ang isa sa mga nakasama niya sa show nila sa Japan at dito niya inamin na buntis nga siya.

Isa pang source, na konektado pareho kina Vina at Cedric, ang nagkumpirma sa PEP na dalawang buwang buntis na nga ang 32-anyos na si Vina. Idinagdag pa ng aming source na mahal na mahal talaga ni Vina ang kanyang non-showbiz boyfriend kahit hindi pa annulled ang kasal nito sa kanyang asawa.

Noong isang taon ay naging malaking balita ang paglantad ng asawa ni Cedric at pangha-harass diumano nito kay Vina. Pinaratangang "homewrecker" si Vina dahil sa pakikipagrelasyon ng singer-actress kay Cedric na kasal pa sa asawa nito.

Pero sa isang panayam ay nilinaw ni Vina na hiwalay na si Cedric nang magkaroon sila ng relasyon.

Nagpadala rin ng open letter si Cedric sa ilang entertainment columnists upang ipagtanggol si Vina. Ito ang bahagi ng liham na ipinadala ni Cedric:

"Vina is not a homewrecker. Vina will not knowingly, willingly, andpurposely enter the relationship that would cause the breakup of afamily. I've been separated for quite a while before I met Vina. Infact, I have two other relationships before I met her. When I met Vina,I was technically single. I'm in the process of simplifying my life [and]that means that the issue of annulment has been raised. However, I willnot elaborate on this matter out of respect for the privacy of all theparties involved, especially that of my kids."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalita ring nag-break sina Vina at Cedric, pero nagkabalikan din. At ngayon nga ay nagbunga na ang kanilang pagmamahalan.

Samantala, napag-alaman din ng PEP na nagpunta sa U.S. Embassy kaninang umaga, September 24, si Vina at ang ilan pang performers ng ASAP '08 para kumuha ng visa para sa show nila sa Guam. Kahit nagdadalangtao ay sasama pa rin daw si Vina sa Guam para mag-perform sa mga kababayan natin doon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN