Vina Morales admits pregnancy in exclusive interview with "The Buzz"

After a few weeks of public speculation, singer-actress Vina Morales has finally admitted that she is two-months pregnant, courtesy of non-showbiz boyfriend Cedric Lee. Vina talked about her pregnancy and the father of her child in an exclusive interview with The Buzz to be be aired this Sunday, September 28.



Namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bandang alas-kuwatro ng hapon kahapon,September 24, si Vina Morales sa third floor ng lumang building ng ABS-CBN. Nandoon ang singer-actress para sa exclusive interview sakanya ng The Buzz, kung saan inamin niya publicly ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Nakasuot na puting damit si Vina at hindi pa masyadonghalata ang kalagayan niya habang ini-interviewni Cristy Fermin. Masaya ang aura ni Vina at feeling blessed naman daw siyadahil hindi niya nararanasan ang morning sickness, ‘tulad ng pagsusuka at pagkahilo.

Dalawang buwan na ang dinadala ni Vina.

Ipinaliwanag din ni Vina sa panayam sa kanya ng The Buzz ang relasyon nila ni Cedric Lee. Kumplikado kasi ang katayuan ni Cedric dahil bagamat hiwalay na ito sa kanyang asawa ay hindi pa annulled ang kanilang kasal.

Sinamahan ng Star Magic executive na si Ms. Mariole Alberto si Vina sa naturang panayam. Nasa pangangalaga na kasi ngayon ng talent arm ng ABS-CBN ang singer-actress.

Kagabi, September 24, napanood si Vina na naglaro saKapamilya Deal or No Deal ni Kris Aquino. Kasama ni Vina ang bunsong kapatidniya na si Shaina Magdayao at ang iba pang mga kapatid at pamangkin niya.Hindi nila kasama ang kanilang ina na si Mrs. Dianne Magdayao, na napabalitangumalis sa kanilang bahay diumano ilang buwan na ang nakararaan.

Kararating lang ni Vina mula sa Japan noong Lunes, September 23, para sa The FilipinoChannel (TFC) ng ABS-CBN. Kasama niyang nag-perform doon sina Sam Milby, Chokoleit,at Erik Santos. Dito unang umamin at nagkuwento si Vina ngkanyang pagbubuntis.

Kahapon ng umaga, kabilang si Vina sa mga artist ng ASAP ‘08na nagpunta sa U.S. Embassy para kumuha ng visa para sa show ng Sunday musicalvariety show ng ABS-CBN sa Guam next month.

Mapapanood ang exclusive interview ni Vina sa The Buzzsa Linggo, September 28.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN