FIRST READ ON PEP: Marian Rivera keeps mum on rumored breakup with non-showbiz boyfriend

"Ayoko namang isipin na walang pressure kasi lahat naman ngtrabaho, may ganoon talaga. So, imbes na isipin kong nape-pressure ako...Kumbaga, ang maganda na lang, isipin ko na magawa naming maganda ang movie naito. Mapasaya ulit namin ang mga manonood na iba ang movies, iba ang soap," replies Marian Rivera when asked if she feels any pressure about her first movie with perennial screen partner Dingdong Dantes.



Sa isang magandang bahay sa Vermont Park, Antipolo Cityginanap ang first shooting day ng One True Love kahapon, September 24. Tampoksa pelikulang ito na joint venture ng GMA Films at Regal Entertainment sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, at Iza Calzado. Ito ay mula sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Ayon kay Marian, bagamat nakagawa na sila ni Dingdong ngdalawamg magkasunod na serye na parehong No. 1 one sa ratings, Marimar at Dyesebel, iba pa rin dawang excitement kapag pelikula ang ginagawa nila.

"Actually, ibang-iba talaga ang movies sa soap, e. Yungmovie, dibdiban talaga kung dibdiban. Parang hindi mo puwedeng ibalewala lahatng eksena mo," paliwanag ni Marian nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Pagkatapos maurong nang maurong ang shooting ng One TrueLove, finally ay nasimulan na rin ito at may playdate na nga sa November 19. Sapalagay kaya ni Marian ay mas maganda ang timing ng pelikula ngayon kumpara saoriginal playdate sana nito na August?

"Siguro, kasi lahat ng schedules din, inayos at naayos siyang mabilis," nakangiti niyang sagot.

May pressure na ba silang nararamdaman ni Dingdong? Satingin kaya nila ay madadala nila ang lakas ng hatak nila sa telebisyon sapelikula?

Si Iza, na katabi lang ni Marian noong kausap namin siya, aynagbiro kay Marian at sinabing, "Kayo na ang bahala ha, yung mga fans n'yo ha!"

"Uy, hindi a! Damayka rito!" natatawa namang sagot ni Marian.

Pero naniniwala si Marian na may pressure talaga sa kanilani Dingdong kung ano ang kasasapitan ng unang pelikula nila sa takilya.

"Ayoko namang isipin na walang pressure kasi lahat naman ngtrabaho, may ganoon talaga. So, imbes na isipin kong nape-pressure ako...Kumbaga, ang maganda na lang, isipin ko na magawa naming maganda ang movie naito. Mapasaya ulit namin ang mga manonood na iba ang movies, iba ang soap,"pahayag ng young actress.

LOVE SCENES. Mag-asawa raw ang role nila ni Dingdong sa One True Lovekaya siguradong may love scenes na mapapanood sa kanila ang mga tagahanga nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, hindi naman siya heavy love scene. Yung attack korito, noong wala pang nangyayaring masama kay Dingdong dito, yung atake ko sakanya, kalog ako. Pinapatawa ko siya, pero hindi naman masyadong OA. Hindinaman masyadong hard."

Base sa script ng One True Love, mas mainit daw ang lovescenes nila rito kumpara sa mga eksenang napapanood sa kanila sa telebisyon.

"Well, kasi kahit nakalagay sa script, depende pa rin kayDirek Mac Alejandre ‘yan, e. Ilangbeses ko na nakatrabaho si Direk Mac at alam ko at buo ang loob ko sa kanya at malakiang tiwala ko na hindi magiging bastos yun.Mas kikiligin sila kesa isipin nila na, 'Ay, ganito yun, ganito yan!'"

Pero mas marami ba silang maipapakitang bago ni Dingdong sa pelikula?

"Mas matured kasi ito. It's a romantic drama. Ang story,ikinasal kami at hindi masyadong biro ang mga pangyayari," sabi ni Marian.

RUMORED BREAKUP. Siyempre, hindi na rinpinalampas ng PEP ang pagkakataon upang tanungin si Marian sa nabalitaan namin nabreak na sila ng rumored non-showbiz boyfriend niya na si Ervic Vijandre.

"Ganoon? Basta yungpersonal ko, akin na lang yun," palagi nang sagot ni Marian sa tuwingtinatanong siya tungkol sa kanyang lovelife.

Pero kumusta nga ba anglove life niya ngayon?

"Masaya ako, masaya akosa kung anuman ang nangyayari sa personal na buhay ko ngayon," aniya.

Sino ang nagpapasaya sakanya ngayon?

"Well, hindi naman porkeganoon, kailangang boyfriend agad, di ba? Marami diyan. Basta, masaya ako ngayonkasi maraming offers sa akin. Nagkaroon kami ng bonding ng mga cast ngDyesebel. Sila Direk Joyce [Bernal], at hangga't may time, nagba-bonding kaminglahat."

Single ba siya ngayon?

"Basta!" matipid peronakangiti niyang sabi.

CLOSER & SWEETER? Hindi dahil may pelikulasilang ginagawa, marami ang nakakapansin na nag-iba ang closeness at sweetness ninaMarian at Dingdong ngayon. May ibig bang sabihin ito?

"Kahit naman dati... Paanonaman naging iba?" tanong niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro naging mabaitlang ako sa kanya uli!" natatawa niyang sabi. "Kasi dati, dedma-dedma. Ngayonkasi, mas naa-appreciate ko na siya lalo. Ngayon kasi, mas okey."

Nawala ba yung closenessnila dati?

"Hindi naman nawala. Basta,mas naa-appreciate ko lang siya lalo ngayon. Kasi dati, okey kami, wala kamingwall. Kung ano ang secret niya, secret ko. Pero mas lalo na ngayon," saad niMarian.

PLANNED VISIT. Sinabi rin ni Marian namukhang malabo na sigurong matuloy ang pinaplano niyang pagbabakasyon atpagkikita nila ng kanyang ama sa Spain. Pero ayon sa young actress, every dayna niyang nakakausap ngayon sa telepono ang kanyang ama.

"One week lang po kasi ang ibinibigay sa akin ng GMAna bakasyon. May movies pa and then, taping na ulit ng bagong soap opera. So, si Papa ko po, siguro sa April [2009],baka siya na lang daw po ang uuwi rito," pagbabalita ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN