Boy Abunda clarifies rumors involving Kris Aquino and Gretchen Barretto

Boy Abunda manages the showbiz careers of both Kris Aquino and Gretchen Barretto. Both women also happen to be his friends. Boy says although he clarifies the issues that involve Kris and Gretchen, he doesn't ask them about the status of their relationships with their partners.


Nalalagay ulit sa malalaking isyu ang dalawang controversial actress na malapitsa puso ng TV host na si Boy Abunda—Kris Aquinoand Gretchen Barretto.

KRIS AND JAMES, ON THE ROCKS? Una, ang co-host niyasa Boy & Kris na si Kris Aquino. Bulung-bulungan sa showbiz nanagkakaproblema ulit si Kris at mister niyang si JamesYap sa kabila ng marriage counseling na kanilang pinagdaanan at bakasyonsa Amerika kamakailan.

Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kriskay Boy.

"Ah, she's very well," sagot agad ni Boy.

Right after last Sunday, nagkita sina Boy and Kris overdinner. May pag-uusapan daw sila na separate product endorsement na parehongnasa iisang kumpanya.

"You know, pag kami naman ni Kris, there's nothing not personalwith me and her. We had dinner with friends, but it has nothing to do withher and James. It's business."

Pero ano ang reaksiyon niya sabalitang on the rocks na naman daw ang marriage ni Kris at James?

"Hindi ako masyadong... Well, it's a roller coaster ride.It's a young marriage. So, let's give them time. Pero hindi yun ang dahilankaya magkikita kami ni Kris."

Nakikita ba niya na naapektuhan si Kris ng family problemniya sa kanyang pagtatrabaho as host sa Boy & Kris?"

"Hindi naaapektuhan ang personal na pagtatrabaho niya becausesa mga tsismis. Kris is very professional. Kung halimbawa, assuming yungsinasabi mo ay may katotohanan, 'no. Hindi kami naaapektuhan sa trabaho."

GRETCHEN KICKED OUT BY TONYBOY? Pangalawa, totoo bana pinalayas diumano si Gretchen ng live-in partner niya na si TonyboyCojuangco?

"No, I was talking to Gretchen the morning...when did itcome out? I called her the moment I woke up. Hindi totoo. Nasa bahaydaw siya ni Tony nung lumabas ang balitang ‘yan. Magkasama sila ni Tony.

"Tsaka alam ninyo naman, Gretchen is a chismis magnet, diba? Hindi naman kami nagsasabi na, ‘Ah, walang problema ang buhay ni Gertchen,'na perpekto ang buhay ni Gretchen. You know, she's very exciting. I don't even know what's going to happen to her tomorrow.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinalayas ba si Gretchen? Hindi. Yun lang. But don't get me wrong na I amsaying na, ‘Uy, si Ano, ha?' Hindi.

"I don't know what's gonna happen next week. I don't know what's gonnahappen next month. I don't know what's gonna happen next year. Ah, she's such a beautiful woman. She's a dear friend ofmine, pero hindi siya pinalayas."

Anong naging reaksyon ni Gretchen nang makausap ni Boy about the news napinalayas daw siya ni Tonyboy.

"May lagnat...and diretsa, ‘Gretch, I just read in the papersthat you're driven out of your house. Is it true?' She said, ‘No, I am home,I'm sick."

So, going smooth pa rin ang relasyon nila ni Tonyboy?

"You know, it's not for me to say smooth. Hindi akohusgado ng marriages. Kasi that's a very tricky question. If I say smooth, I don'tknow. May mga bagay na nagaganap lamang sa loob ng kuwarto ng mag-asawa. Hindinatin alam yun.

"I don't know. But ang ipinagdarasal ko, na sana tumibay ang kanilangrelasyon, magtagal at maging maligaya sila. But that is a prayer, that is awish. Hindi ‘yan analysis."

GRETCHEN'S CAREER UPDATE. Tuloy na ba ang gagawing movie ni Gretchen saStar Cinema Productions?

"Ah, ganito na lamang, let us put it this way... There have always been offers for Gretchen to do movies,television. Kahit paano naman, ang kaibigan kong ‘yan, hindi nawawalan ‘yan ngoffers. Maraming tao ang interesado na gumawa ng pelikula. Pero there'ssomething big that's about to happen in her career.

"Ayoko munang sabihin, pero kakaiba at masusurpresa ang tao. Of course,she's working on her second album. Pero may isa pang gagawing maganda siGretchen," nakabiting sabi ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN