Manny Pacquiao to retire from boxing next year, will run again in 2010

"Ibang laban naman ang haharapin ko sa 2009. Siguro naman ay puwede ko nang pagtuunan ang ibang bagay pagkatapos ng mgalaban ko. Ito na kasi ang gusto ng mga magulang ko at ng misis ko [JinkeePacquiao] na mag-retire na ako. Kaya gagawin ko ito para matuwa sila," says Manny Pacquiao about his plan to retire from boxing next year.



Ilang oras bago tumulak ulit papuntang U.S. ang PambansangKamao na si Manny "Pacman" Pacquiao ay nakapanayam siya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) kahapon, September 24.

Muling nagtungo sa U.S. si Pacman upang maghanda para sakanyang matinding training bilang preparasyon sa laban niya sa boxing ring withthe Golden Boy of Boxing na si Oscar dela Hoya on December 6 sa MGM Grand inLas Vegas.

Sa naturang laban, kung papalarin si Pacman at muling manaloay higit sa $15 million ang kanyang mapapanalunan. Kaya sa edad ni Pacmanngayon na 29 years old, siya na ang pinakamayaman at pinakasikat na Filipinoathlete sa kasalukuyang henerasyon.

Ayon sa business manager ni Pacman na si Eric Pineda ay goodfor two more big fights pa sa boxing ring si Manny. Win or lose daw with hisbout with dela Hoya, may dalawang laban pa raw si Pacman with Ricky Hatton saMarch or April 2009 at kay Floyd Mayweather Jr. on July or August 2009.

Ang dalawang naturang boxers ay kabilang sa listahan ng mgapound-for-pound boxing champions, kung saan nangunguna si Pacquaio.

Galing na mismo kay Manny na magre-retire na siya sa boxingsa August 2009. Matutupad na raw kasi ang dream niyang makaharap sa boxing ringsi dela Hoya at doon pa lang daw ay puwede na siyang magretiro—manalo man siyao matalo.

Kinumpirma rin niya ang balitang tatakbo siya ulit para sa isangposisyon sa gobyerno sa 2010.

"Ibang laban naman ang haharapin ko sa 2009," sabi ni Manny."Siguro naman ay puwede ko nang pagtuunan ang ibang bagay pagkatapos ng mgalaban ko. Ito na kasi ang gusto ng mga magulang ko at ng misis ko [JinkeePacquiao] na mag-retire na ako. Kaya gagawin ko ito para matuwa sila.

"Gusto ko naman din mag-concentrate sa pagtulong sa akingmga kababayan sa Mindanao. Napagdesisyunan na naming ito at tuloy ang mga planonamin sa 2010," pahabol niya.

Pormal na ring winelcome si Manny ng political party niPresident Gloria Macapagal-Arroyo na KAMPI (Kabalikat ng Malayang Pilipino).Plus factor daw si Manny sa naturang partido dahil magkakaroon ng concentrationang partido sa mga taga-Mindanao, lalo na sa mga taga-South Cotabato nanapapalibutan ng kaguluhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2007 ay tumakbo bilang congressman sa unang distritong General Santos City si Pacman, pero natalo siya sa eleksiyon ng kanyangkalaban at kinakapatid na si Representative Darlene Antonino. Kinapos kasi saoras at panahon si Manny para sa kanyang pagkampanya noon dahil nagkaroon siyang rematch with Juan Manuel Marquez.

Sa pagsama ni Pacman sa KAMPI, malamang daw na matupad naang isa pang pangarap niya. Ito ay ang makapagsilbi na siya sa mgataga-Mindanao bilang isang government official.

"Gusto ko talagang makatulong sa aking mga kababayan. Hindisapat ang magkaroon lang ako ng karangalan sa larong boksing. Gusto ko ay higitpa roon. Ipagdasal natin lahat na maging matagumpay din ako sa 2010,"saad ni Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN