FIRST READ ON PEP: Richard Gutierrez set to don the mask of "Zorro"

Young actor Richard Gutierrez already has a new project on GMA-7 after Codename: Asero. He will soon be seen riding a horse and wielding a sword on Zorro.



Naibalita na ang susunod na soap ng kapareha ni RichardGutierrez sa Codename: Asero na si Heart Evangelista ay ang Luna Mystica, isangfantaserye kung saan si Mark Anthony Fernandez ang makakasama niya.Manggagaling naman si Mark Anthony sa magtatapos sa susunod na linggo naromantic-comedy series na Ako si Kim Samsoon, ka-partner si Regine Velasquez.

Ang Luna Mystica ang papalit sa Codename: Asero kapagnagtapos ito.

Si Richard naman, nagsisimula nang mag-aral ng fencing dahilang kanyang susunod na primetime series sa GMA-7 ay Zorro, ang fictionalMexican character na isinulat ni Johnston McCulley noong 1919.

Una itong naisapelikula ni Douglas Fairbanks noong 1920 namay titulong The Mask of Zorro. Ang naturang first Hollywood action star dinang gumawa ng sequel nito noong 1925 na Don Q, Son of Zorro. Si AntonioBanderas ang huling gumanap na Zorro sa big screen noong 1998 at 2005.

Sa TV naman, una itong naging serial sa Walt Disney noong1957 at si Guy Williams ang gumanap sa Zorrohanggang magtapos ito noong 1959.

Noong 2007, nag-team up ang Sony TV at Telemundo para saseryeng Zorro: La Espada Y La Rosa starringthe Peruvian actor Christian Meier at naipalabas ito sa Pilipinas, sa ABS-CBN.Malamang na ito ang rights na binili ng GMA-7 para sa bagong show ni Richard.

Hinahanapan pa ng bagong makakapareha si Richard para sa Zorro.

Ang Zorro ang ika-pitong serye ni Richard bilang lead star sa primetime block ng GMA-7. Una siyang nabigyan ng malaking break sa Mulawin, na sinundan ng Sugo, Captain Barbell, Lupin, Kamandag, at ang kasalukuyang Codename: Asero.

Pero bago siya naging lead star sa mga nabanggit na fantaserye at action-adventure series ng GMA-7 ay nakasama muna siya sa mga primetime soaps, Ikaw Lang ang Mamahalin at Habang Kapiling Ka.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN