Iza Calzado and Marian Rivera would love to work with ABS-CBN stars Piolo, John Lloyd, and Jericho

Iza Calzado (left) and Marian Rivera (right) revealed to PEP that given the chance, they would love to be paired with the following Kapamilya leading men: (bottom, from left) Piolo Pascual, Jericho Rosales, and John Lloyd Cruz.



Given the choice, GMA-7 leading ladies Iza Calzado andMarian Rivera would love to be paired with ABS-CBN actors Piolo Pascual, JohnLloyd Cruz, and Jericho Rosales.

Napakalaki ng ginawa ng tambalang Richard Gutierrez at KCConcepcion, lalo na sa mga kasabayan nilang young stars. Dahil napagtambal silasa dalawang pelikula kahit magkaibang TV networks ang pinagtatrabahuhan nila,open na rin ang ibang artista sa pagsagot kung sino ang gusto nilang makaparessa kabilang station.

Bumisita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa first-day shooting ng One True Love ng GMA Films at Regal Entertainment kahapon, September24. Pagkatapos ng tsikahan sa dalawang female leads ng pelikula na sina Marianat Iza, habang hinihintay ang pagbabalik ni Dingdong mula sa doktor, nabanggitnamin kay Marian na interesado ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz namakatambal siya.

Naibalita—ngunit pinabulaanan ng parehong kampo—na si JohnLloyd ang ni-request ng Regal Entertainment sa Star Cinema kapalit ng hindi napagpigil kay Angel Locsin sa kanyang unang pelikula para sa film arm ng ABS-CBNopposite Piolo Pascual.

Sa presscon ni John Lloyd para sa kanyang Maaalala Mo Kayaepisode na ipinalabas noong nakaraang Sabado, September 20, sinabi niya nainteresado siyang makatambal si Marian, given the chance.

"Ako rin," sabi naman ni Marian sa set ng One True Love."Siyempre, exciting yung makasama mo ang ibang artista na hindi mo katrabaho saTV. Si John Lloyd, ever since, gusto ko talagang maka-partner."

Maging si Iza man ay gusto ring makatrabaho si JohnLloyd, pati na si Jericho Rosales.

"Magaling kasi si John Lloyd, may lalim umarte," sabi niIza.

Si Piolo naman ay nakasama na raw kasi ni Iza sa isangpelikula, ang Milan, although "that was just two days work." Kaya si Echo angsecond choice niyang makasama.

Idinagdag naman ni Marian ang pangalan ni Piolo sa gustoniyang makapreha na taga-ABS-CBN.

Nagkasama na rin daw sina Marian at Piolo, pero sa isang printad lang. May isang ikinuwento si Marian na wala pang nakakaalam. Ayon sa kanya, nagkasama naraw sila ni Piolo sa isang dinner ngunit may kasama pa silang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasa Subic kami noon, shooting [ng Dyesebel]. ‘Tapostinawagan ni Piolo si Direk Joyce [Bernal] na nasa paligid lang daw sila, bakagusto nitong mag-dinner. Sabi ni Direk, kung puwede kaming isama ni Dong, okaydaw. Pagdating namin doon, nandoon din sina Erik Santos at Mark Bautista. Angganda ng bonding, di ba?" masayang kuwento ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN