Wendy Valdez on her critics: "I don't think God is giving them the right to punish me over and over again."

"You know what, it's very easy kasi for people or forall of us to rely on our own goodness and just keep quiet. Alam mo yun, not stand up for what we believe rather thanstand up for what we believe in. Kasi alam natin na puwede tayong ma-judge orhindi maintidihan ng mga tao. Napakadaling tumahimik or huwag na lang kumibo sa mga bagay kesa ipaglabankung ano ang pinaniniwalaan natin," says Wendy Valdez.



Isang bobita at mean girl ang character na ginagampanan niWendy Valdez sa I Love Betty La Fea. Isang character na alam niyang pilit paring ina-associate sa kanya ng mga tao dahil sa mga napanood sa kanya duringher Pinoy Big Brother (PBB) Season 2stint.

"She's bobita, mean siya, at wala siyang alam gawin kundiapihin si Betty. So, there's nothing really positive about her character.Parang sila [her critics], sinasabi nila na ‘Bagay naman ‘yan sa kanya kasiganyan naman talaga ang ugali niya.'

"Pero bakit, how would they know that? Kahit naman before,kapag nag-aaway kami ng mommy ko, sinasabi ko na, ‘Pagbintangan mo na ako huwaglang yung hindi ko ginawa.' I feelreally bad. And then, there are people na nagsasabi na, ‘Oo, bobita siya kasiyung pinaggagawa niya sa PBB.' Parang, stop it! It was a long time ago and Isuffered a lot from it and I have enough of Big Brother's issue.

"Oo, sige, kung nagkamali man ako sa tingin nila. But Idon't think God is giving them the right to punish me over and overagain," himutok ni Wendy sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon given by Star Magic for the talents included in I Love Betty La Fea.

EMOTIONAL WENDY. Medyo emosyunal pa rin si Wendy during the press conference.Hindi itinanggi ni Wendy na na-heighten na nga ito dahil sa isyungkinasangkutan naman niya sa Pilipinas, Game KNB? ni Edu Manzano.

Although, naibigay na rin naman ni Wendy ang kanyang sidetungkol sa nangyari, kung saan naging contestant siya sa game showni Edu. Napatunayan din naman ng mga tao na hindi totoo ang lahat ng naglabasanat maging si Edu came to her defense.

Pero bakit nga ba parang nawawala na yung dating "strongWendy" attitude niya?

"Hindi naman, nandito pa rin naman ako and I'm still doingmy job very well, and I continue my everyday life. So I think, ganoon pa rinsiya. Hindi katulad ng iba na wala, ayaw na talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just think deeply, but I'm still here. And I think, lahatnaman ng tao, ganoon. Wala namang nakapagsabi na ito na talaga ang gagawin ko.Especially with my age, ito yung age na nagba-battle pa ang thought ko aboutwhat you really want.

"Actually, yung sa Game KNB, dumagdag langsiya," patuloy niya. "Pero sa totoo lang, mas affected ako sa kung anuman yung mga nangyayari.Yung mga taong ayaw tumigil. Yung mga taong inilalagay palagi sa alanganin angpangalan ko just because hindi ko kayang lumaban about it.

"So, parang I justfeel that I can't take it anymore. Parang, ‘O, sige, itinutuloy ko lang.‘Tapos, there are people pa at the start of the show, ng Betty La Fea, parangdinidikit nila yung ako sa character, which is not fair. Parang ibinabaliknila."

Kung tutuusin, nagsimula sa PBB ang negative reaction ng mga taosa kanya, na hanggang ngayon ay naiko-connect pa rin sa kanya. May pagsisisi basiyang nararamdaman na sumali pa siya PBB o ganoon ang nakita sa kanyangattitude sa loob ng Bahay ni Kuya?

"Siguro kung meron man akong pagsisisihan, ito yung sobraakong emosyunal na tao," sabi niya. "You know what, it's very easy kasi for people or forall of us to rely on our own goodness and just keep quiet. Alam mo yun, not stand up for what we believe rather thanstand up for what we believe in. Kasi alam natin na puwede tayong ma-judge orhindi maintidihan ng mga tao. Napakadaling tumahimik or huwag na lang kumibo sa mga bagay kesa ipaglabankung ano ang pinaniniwalaan natin.

"I think, most of the Filipinos are like that, e. Tahimik nalang. Nagpapaka-submissive na lang. Paano na lang kung walang mga lumalaban, e,di wala na yung mga bayani dati? Mag-stay na lang sila sa bansa at tumahimik na lang," pag-aanalisa niWendy.

LEAVING SHOWBIZ. Nagulat naman kami sa ilang pahayag ni Wendy—biro man orhindi—na kapag hindi na niya nakaya ang mga intriga sa showbiz at pagdya-judgesa kanya ng mga tao ay susunod na lang siya sa rumored boyfriend niya na siBruce Quebral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This December kasi, Bruce will work outside showbiz.Naapruban na kasi ang application nito sa Emirates Airlines at magtatrabahona ito bilang flight attendant.

"Basta ako, kung ano na lang siguro ang plano ni Lord saakin, kung anuman ang mga magaganap, siguro susundan ko si Bruce sa Emirates!"tawa ni Wendy.

Ayon kay Wendy, whether may project na dumating or wala,itutuloy na raw ni Bruce ang pagiging flight attendant niya. Graduate siBruce ng Home Economics sa University of the Philippines.

Iiwan na ba ni Bruce ang showbiz career niya?

"I think so," sagot niya. "Showbiz is not stable naman. Kahit naman yungmga artistang sobrang yaman, talagang nagnenegosyo sila kasi hindi naman nilaalam ang future."

Kaya ba ganito rin ang pananaw niya sa showbiz na any time ay puwede siyang umiba ng linyadahil sa gagawin ni Bruce?

"Hindi naman siguro. Kasi kahit noong bago-bago palang ako, during Margarita days, naiisip ko na rin na I can go wherever Iwant. Alam ko naman kasi kung ano ang kapasidad ko bilang tao. And I've beenthrough a lot of jobs and nagsa-succeed naman ako do'n. At saka, graduate namanako ng college so I know na may fallback naman ako," pagtatapos ni Wendy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN