FIRST READ ON PEP: Dingdong Dantes accidentally reveals that his next soap is again with Marian Rivera

Matinee idol Dingdong Dantes made a slip in announcing that his next project for GMA-7 would still be with perennial screen partner Marian Rivera. Upon realizing his mistake, he said, "Hindi ko naman sasabihin kung ano, e. Basta nakausap nakami tungkol dito."



Dingdong Dantes made a slip in announcing that his nextGMA-7 primetime soap is still with Marian Rivera.

Naghintay na bumalik sa set si Dingdong ang piling manunulat, kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na naimbitahan sa firstshooting day ng One True Love ng GMA Films at Regal Entertainment kahapon,September 24. Kailangan kasing palitan ang bendang kanyang sugat sa kamay dahil nababad na naman ito noong Martes, September23, sa taping ng Dyesebel.

Nasugatan ang kanang kamao ni Dingdong sa isang eksena saDyesebel kung kaya't kailangan itong mabendahan. Dahil halata ito, minabuti ngcreative staff ng Dyesebel na ma-incorporate na rin ang sugat niya bilangFredo.

Habang hinihintay si Dingdong, pilit na tinatanong ngentertainment press kay Marian kung ano ang magiging next project niyapagkatapos ng Dyesebel. Magaling magtago si Marian at walang makuha sa kanyakundi drama raw ang susunod niyang soap. Hindi rin sumasagot si Marian sakatanungan kung sino ang makakatambal niya; magpapangtlong ulit ba sila niDingdong o bibigyan na siya ng bagong kapareha.

Pagdating ni Dingdong, sumalang na agad siya sa interviewpara sa promo ng pelikula nila nina Marian at Iza Calzado sa direction ni MacAlejandre at ipalalabas sa November 19.

Ilang sandali pa, si Dingdong naman ang tinanong kung alamna niya ba ang next project niya sa GMA-7.

"Oo, kami ulit ni Marian," sagot niya na parang wala pa sasarili dahil napasagot agad sa sunud-sunod na tanong sa kanya.

Naghiyawan ang mga manunulat at sinabing "lagot!" siya kayMarian dahil ayaw pa ngang umamin ng screen partner niya kung sila pa rin ba angmagsasama.

"Hindi ko naman sasabihin kung ano, e. Basta nakausap nakami tungkol dito," nakangiting palusot ni Dingdong.

Para maligaw lalo, ang unang sagot ni Dingdong kung ano angmagiging genre nito, baka raw comedy na taliwas sa sagot ni Marian na dramaito.

Hindi pa talaga puwedeng pag-usapan ang magiging nextprojects nina Dingdong at Marian. Sa tatlong ipinapalabas na primetime soaps ngGMA-7—Codename: Asero ni Richard Gutierrez, Dyesebel nina Marian at Dingdong, atAko Si Kim Samsoon ni Regine Velasquez—nakalatag na ang mga ipapalit. Ito ayang La Lola nina JC de Vera at Rhian Ramos, Gagambino ni Dennis Trillo, at LunaMystica nina Heart Evangelista at Mark Anthony Fernandez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ang susunod na isasalang rito ay ang Zorro ni Richardkung kaya't matagal pa talaga bago simulan ang third soap nina Dingdong atMarian. Kaya hindi pa talaga dapat binabanggit para lalong manabik ang mga fansnila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN