Women once linked to Bong Revilla attend his birthday party

Gretchen Barretto (far left) gives her message to Bong Revilla (extreme right) while his wife Lani Mercado (second from right) looks on. Rufa Mae Quinto (second from left) just laughs.



Masayang naidaos kagabi, September 24, ang 42ndbirthday party ng actor-politician na si Bong Revilla sa C3 Events Place, Greenhills, San Juan.

Bukod sa pamilya at mga kaibigan ni Bong at ng asawa nitongsi Lani Mercado ay umagaw ng atensiyon ang pagdating ng dalawang babaengnaiugnay kay Bong noon, sina Gretchen Barretto, Rufa Mae Quinto, at Ruffa Gutierrez. Kasabay nadumating ni Gretchen ang kaibigang si Ruffa, na nakatampuhan dinnoon ni Lani dahil sa "isnaban" issue.

Ayon sa report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, mismong siLani raw ang nag-imbita kina Gretchen, Rufa Mae, at Ruffa, paramatapos na ang isyu sa kanilang lahat at magkasundo-sundo na sila.

Ang nakakatuwa pa ay nang pumunta sa stage sina Gretchen atRufa Mae, kasama ang mag-asawang Senator Jinggoy Estrada at ang asawa nitong siPrecy Ejercito, upang magbigay ng mensahe para kay Bong, na katabi naman angmisis niyang si Lani.

"To Lani and Bong, I hope that you'll happy forever!" batini Gretchen habang tumatawa.

Sabi naman ni Rufa Mae, "Heypi-heypi birthday, have manymore birthdays to come, and it's good to see you together..."

Sa masayang pangyayaring ito ay si Bong siyempre angpinakamasaya.

"Finally, natapos na rin yung mga problema na ‘yon,nagkaharap-harap sila ngayon. Yun, masarap ang pakiramdam, maluwag. At leastwe're all together here in one party," pahayag ni Bong sa 24 Oras.

Bukod kina Gretchen, Rufa Mae, at Ruffa, lalong nagingstar-studded ang birthday ni Bong sa pagdating ng malalaking bituin sa showbizat maging sa pulitika.

Hindi siyempre nawala ang mga best friends ni Bong nasina Jinggoy, Phillip Salvador, at Tirso Cruz III. Dumalo rin ang biyuda niRudy Fernandez na si Lorna Tolentino.

Dumating din sina Aga Muhlach, Ogie Alcasid, Annabelle Ramaand husband Eddie Gutierrez, Joey Marquez, William Martinez, Anjo Yllana,Yasmien Kurdi, Lovi Poe, John "Sweet" Lapus, Michelle Madrigal. MiriamQuiambao, Mother Lily Monteverde, Carlene Aguilar, Jenny Miller, GMA-7 executivesWilma Galvante and Marivin Arayata, German Moreno, Lolit Solis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nandun din sina Paul Alvarez and wife Almira Muhlach,former senator Robert Jaworski with son Dodot and wife Evelyn, Ronnie Ricketts,Monsour del Rosario, Jestoni Alarcon, Pia Pilapil, Rez Cortez, Joko Diaz,Jordan Herrera, Mrs. Rose Flaminiano, MarissaSanchez, Ernie Garcia, Jose Manalo, Wally Bayola, Joel Torre, Leo Martinez,Jacky Woo, Bibeth Orteza, Malou Choa-Fagar, Claire dela Fuente, at AceEspinosa.

Sa hanay naman ng pulitiko, naroon ang mga kapwa senador ni Bong na sina Manny Villar at Kiko Pangilinan at marami pang iba.

To view PART I of photos, check out this link.

To view PART II, click here instead.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN