"Banana Split" girls agree their show gives them positive vibes

Banana Split girls (from left) Princess Ryan,Cristine Reyes, Angelica Panganiban, and Dianna Medina all say they feel goodabout their show, which is full of laughter, high energy and positive vibes.



Masayang nakipagkulitan sa entertainment press ang apat sapitong nagseseksihang babae na kasama sa cast ng Banana Split—Angelica Panganiban, Cristine Reyes, Dianna Medina at Princess Ryan—during thepresscon ng naturang bagong all-female gag show ng ABS-CBN na ginanap kahapon,September 25, sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.

Wala sa presscon ang tatlo pang kasama sa cast na sinaRoxanne Guinoo, Valerie Concepcion, at RR Enriquez.

Present din sa Banana Split presscon ang mga direktornito na mag-amang Edgar "Bobot" Mortiz at Frasco Mortiz.

Ayon kay Direk Bobot, patterned talaga ang Banana Splitsa Goin' Bananas na sumikat noong ‘80s. Kasama ni Direk sacast ng Goin' Bananas sina Christopher de Leon, Jay Ilagan, Al Tantay, at Johnny Delgado. Puroboys silang mga bida sa Goin' Bananas, habang mga girls naman ang bidasa Banana Split. Every week may bisitang lalaki sa Banana Splitna paglalaruan ng mga girls. Lahat ng sketches umiikot dun sa guest.

"Hindi ito sex comedy. Naughty lang. Kung mapapansin n'yohindi lang naman dahil seksi sila, hindi yun ang comedy namin. It's more on thematerial, sa script. At saka sa acting na makikita n'yo. Ibang klaseng comedyito," dagdag pa ni Direk Bobot.

Game naman na sinagot nina Angelica, Cristine, Princess, atDianne ang mga katanungan ng press people, kabilang ang PEP (PhilippineEntertainment Portal). Narito ang mga nakatutuwa at nakagugulat dingrevelations ng mga Banana Split Girls.

Is this their first time to do a comedy show?


Cristine: "First show ko po sa comedy. First time. Super-lightlang yung taping namin. Enjoy lang kami. Pero, siyempre, ginagawa rin namin yungtrabaho namin. Minsan nag-stick din kami sa script. Tawa kami nang tawa lalo nakapag nagkakamali."

Princess: "Ako naman po dahil dun sa Bora,yung first show ko na ginawa, medyo may background na rin ako sa pagpapatawa.Kasi tinitignan ko lang dun sina Roderick Paulate. Observe lang palagi before.‘Tapos ngayon naa-apply ko naman yung mga natutunan ko sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Angelica: "Ako po first time ko. May mga guestingsako before, pero mas masarap pala yung feeling na part ka talaga ng cast. Kasifeeling mo meron kang authority. ‘Tapos nalalaro mo talaga yung buong sitcom.

"At ang sarap-sarap ng feeling, kasi ang gaan-gaan ng taping namin. Siyempre, mostof us hasa talaga sa drama. So, ako for more than 15 years, puro drama lang yungginagawa ko. Para akong may breaker na every week nakakahinga ka talaga nangmaluwag. Hay, ang sarap palang mabuhay! ‘Tapos tawa ka lang nang tawa!

"Naalalako, nag-Ang TV pala ako....and thennag-Kaybol. Siyempre, bata pa ako noon, parang laru-laro langyung ginagawa ko. Ngayon, parang meron ka nang responsibility na gawin yungtrabaho mo. Mag-stick ka sa sinasabi sa iyo. Ang then, siyempre, dapat enjoy ka."

Dianne: "Ako naman po may background din po ako sacomedy kasi, before po, segment host po ako ng Wazzup, Wazzup."

Mahilig ba talaga sila sa saging?

Angelica: "Yes, kasi healthy. Masarap siyang kaininaraw-araw. Umaga, gabi."

Cristine: "Ako, gusto ko banana crepe."

Princess: "Banana-cue naman ang sa akin."

Dianne: "Sa akin banana split."

Dahil first time nilang magsama-sama, kumustanaman ang bonding nila?

Angelica: "Masaya naman po kami lagi sa set. Lagingmay kulitan."

Cristine: "Nagba-bonding po talaga kami tuwingtaping. Kasi po hiwalay-hiwalay po kami ng dressing room, e, so ako,nangangapit-bahay kina Angelica ‘tsaka kay Roxanne. Kumukuha ako ng pagkain nilakasi ang dami nilang pagkain."

Dianne: "Masaya pong kasama sina Angelica, lahat pong cast. Sobrang nag-e-enjoy po kami every taping, lalo na kapag may mgaperformances po kami na kailangang magsayaw. During rehearsals, nagkakaroon pokami ng time at moment na makapag-bonding."

Princess: "Yung nagwo-workshop pa kami, medyonaiilang pa kami sa isa't isa. Pero noong nagte-taping na kami, okey na.Comfortable na kami sa isa't isa."

Sino sa tingin nila sa cast yung mukha pa lang, nakakatawana? At sino naman yung kapag humirit na ng punchline ay talagang nakakatawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Princess: "Para sa kin si RR yung mukha pa langnakakatawa na. Titignan mo pa lang siya nakakatawa na. Napaka-natural ngpagpapatawa niya. Si Direk, yung mga simpleng dialogue ang pinapagawa kay RR,pero napaka-effective niya. Pati sa pag-deliver ng mga lines.

"Dun sa isangquestion, para sa akin sina Cristine at Angelica. Lalo na si Angelica, kasitipong iiyak-iyak pa siya pero kapag sinabi na niya yung punchline talagangtatawa ka."

Cristine: "Ako naman, yung natatawa ako, titignan kopa lang, si Angelica. Kasi matagal ko na siyang nakasama, pati sa movie, so,parang kilalang-kilala ko na siya. Lalo yung mga tingin niya, kaya natatawa naako agad.

"Dun naman sa nakakatawang mag-punchline, siguro si Valerie, kasi yungdialogue, hindi ito nakakatawa, ang corny, pero matatawa ka kay Valerie sapagsasalita niya."

Angelica: "Ako, yung titignan ko pa lang natatawa naako, si Cristine. Kasi yung face pa lang niya nakakatawa na. ‘Tapos yung maypagkabaliw yung hitsura. Totoo, nagsasabi lang ako ng katotohanan.

"Si Valerieat si RR din para sa akin yung nakakatawang mag-punchline. Kasi kadalasannaman, nagiging malas lang siguro si Valerie, kasi yung mga nabibigay sakanyang punchlines, hindi talaga nakakatawa, pero tatawa ka na lang din."

Dianne: "Sa akin yung makita ko pa lang natatawa naako, si RR po. Kasi super-natural ng pagiging komedyante niya. ‘Tapos yungnakakatawang mag-punchline, si Angelica, kasi solid siya kung humirit.Nakakatawa talaga siya. Kapag meron po kaming eksena, sa kanya po talaga akonatatawa. Minsan kay Cristine din."

Kung sila ang papipiliin ng guest na lalaki, sino sa mgaartista natin ang gusto nilang paglaruan?

Princess: "Ako, ang gusto ko, si Empoy. Kasi nakasamako na siya sa Bora dati. Naku, kapag katrabaho mo siya, lalo na kapag sacomedy, sobrang sasakit yung tiyan mo sa katatawa! 'Saka challenge din, kasikapag si Empoy ang kaeksena mo, mahirap mag-concentrate sa mga gagawin mo. Angdami niyang adlibs, pero swak pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Cristine: "Ako ang gusto ko si Vhong Navarro kasisolid siyang magpatawa, e. Siguro soon kapag na-guest namin siya."

Angelica: "Ako si Piolo [Pascual]. Masarap kasingasarin. At saka masarap lang siya. Di ba syempre kapag niloko natin yan,kikiligin tayo."

Dianne: "Ako naman si Dagul. Para maiba naman yungconcept. Aside from hunks, gusto ko iba naman. Cute siya, e."

Sa isang grupo, merong masasabi na pinaka-close. Sa kanilangmga girls, sino ang pinaka-close nila?

Princess: "Ako po sa ngayon gusto ko po silang lahatka-close ko. Pero si Cristine kasi nakatrabaho ko na, una sa Eva Fonda,magkasama kami doon. ‘Tapos si RR palagi kong nakakasama sa Wowowee dinkapag naggi-guest. Marami, actually, pero wala pa talaga yung dinidikitan motalaga. Hopefully, lahat kami ganun, as a group talaga, para mas lalong mag-workyung Banana Split."

Cristine: "Ako po noong una si Angelica, ‘taposhanggang sa naging lahat naging ka-close ko. Sumunod si Valerie. Noong makasamako si Roxanne, okey rin. ‘Tapos ngayon si Princess and si Dianne, ‘tapos si RR.Wala po kasi kami yung kampi-kampihan."

Angelica: "Ako naman, kasi kami ni Cristine, sapictorial at sa workshop, kami yung nag-aasaran. Kami yung nagpipikunan. Kasinga nagkatrabaho na kami dati sa isang pelikula, so, kilala na namin yung ugaling isa't isa.

"And then ngayon naman kami ni Roxanne ang magkasama sa dressingroom, so alam ko na kung paano siya matulog. Masaya kasi lagi yung bonding,kami nina Princess, Dianne. Mahilig kasi ako, yung mang-aasar lang ako. Dunnagsisimula yung bonding namin. Kasi nakaka-tatlong taping pa lang kami. So,kinikilala pa rin namin ang isa't isa hanggang ngayon. And hindi mo pa alamkung sino yung ka-match mo talaga ng ugali."

Dianne: "Ako naman po, lahat nakakausap ko. Lahatkabiruan. Pero before po kasi, mas nakakausap ko na po before, bago pa mag-startitong show, sina Roxanne, Princess. ‘Tapos noong mismong nagte-taping na pokami, nag-start na po yung bonding, yung camaraderie, so yun nagkaroon na pokami ng kuneksyon sa isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaka-insekyuran ba sila pagdating sa paseksihan?

Princess: "Ako marami, e, kasi may mga assets talagana sa kanila lang. Tulad si Angelica, ang ganda ng legs niya. Para sa akinnakakatuwa lang na more than insecurity, parang ginagawa ko lang inspiration nagusto ko, ganyan ang legs ko, ang tiyan ko."

Cristine: "Sorry, hindi ako nai-insecure kaya. Sorry,wala po akong insecurities sa katawan ko. Baka wala po akong maisagot sa tanongn'yo—joke! Hindi, wala, wala po talaga."

Angelica: "Kasi sa sobrang ganda ng katawan niya[Cristine], ang lakas-lakas niyang kumain ‘tapos hindi talaga siya tumataba.Parang ano ka ba? Ang sarap ipatanggal sa show. Pero ang ganda talaga ngkatawan niya, yung tiyan niya. Kasi ako wala akong tiyan, wala akong shape,talagang ibinulgar ko talaga. Sa kanya ang ganda talaga ng curve ng katawanniya. Ang sarap pang titigan nang ganyan. Nakakatomboy!"

Dianne: "Ako naman po it's not yung pagiginginsecure. It's more of humahanga ka dun sa mga kasama mo. Kasi lahat naman posila seksi, magaganda po talaga. Hindi naman po yung sa nai-insecure ka."

Kailangang nasa good mood sila para magpatawa, paano silanag-a-adjust sa situation na medyo mainit ang ulo nila or may problema sila?

Princess: "Siguro po, hindi talaga maiiwasan yun.Pero dahil konti pa lang yung taping days na nagawa namin, wala pa kamingna-experience na ganun. Pero sa tingin ko po, kung saka-sakaling mangyari yun,kunwari mainit ang ulo namin, feeling ko matatanggal talaga kapag nasa set kana. Kasi lahat talaga masaya. Nakakahawa yung positive vibe, yung saya ngstudio."

Cristine: "Sa akin po, parang ang nangyari naman saakin, araw-araw akong nagkaroon ng taping, so yung time na yun pagod na pagodtalaga ako. Pero ‘pag nandun ka talaga sa set, nawawala po yung pagod, promise!Kasi masaya kami talaga lahat kapag magkakasama. Lagi kaming naglolokohan. Sofar, sa tatlong tapings namin, wala pa namang time na uminit yung ulo ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Angelica: "Siguro naman sa set hindi naman kamimagkakainitan ng ulo. Siguro magpaplastikan na lang kami kapag nangyari yun.Oo, plastikan na lang kasi kailangang isipin ang trabaho. Pero wala panamang incident na may uminit ang ulo. Katulad ng sabi ni Cristine, maynangyayari na galing ka ng ibang taping, ‘tapos pagod ka. Parang nakakatamad.Pero once na nandun ka na sa set ng Banana Split, nawawala yung pagodmo. Ang saya-saya, ‘tapos ang lahat parang full of energy, kaya nahahawa ka narin."

Dianne: "Ako naman po, if ever na mangyari yun,siguro I will work professionally na lang po. Kasi yung mga kasama mo masasayasa set. Siyempre, ayaw mo naman makaapekto sa taping , di ba?"

May naikuwento pa si Angelica, na kapag naiinipna siya, yung tipong dalawang oras na at hindi pa siya nakukunan, ay talagangnagbibihis siya as Scarlet, ang kontrabida role na ginagampanan niya sateleseryeng Iisa Pa Lamang.

Angelica: "Kapag nabo-bore lang naman ako. Nagbibihistalaga ako as Scarlet. ‘Tapos nagtataray ako sa mga dumadaan sa hallway. Tapostatawa lang sila. Siyempre, hindi nila ako siniseryoso. Pero ako seryoso talaga.Kina-career ko talaga. Feeling ko may camera sa harapan ko."

Patikim pa lang yan ng mga kakulitan at katatawanang handogng mga girls ng Banana Split. Mapapanood na ang Banana Splittuwing Sabado ng gabi starting October 11 sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN