Bong Revilla may team up with Ruffa Gutierrez in Star Cinema project

"Inaayos pa naman. Not yet sure kung yun na nga angkumbinasyon. Pero kung sakali man, okey lang ako. Okey lang ako na magkasamakami ni Ruffa ulit," says Bong Revilla when asked about the possibility of doing a movie again with Ruffa Gutierrez (inset) who was onced linked to him.



Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ni Ramon "Bong" Revilla, Jr.sa selebrasyon ng kanyang kaarawan sa C3 Events Place nung Miyerkules,September 24. Bising-busy nga ang senador sa pag-iikut-ikot sa mga mesa ngkanyang guests.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal),nabanggit niya agad ang kanyang wish para sa kanyang kaarawan.

"Ang wish ko is not for myself but for the country.Sana magkaisa na ang lahat ng mga namumuno dito sa ating bansa, yung mgakasamahan ko sa Senado, para magkatulung-tulong para maiahon sa kahirapan angating bansa. At sana lahat ng mga nanunungkulan sa ating pamahalaan namagkasundu-sundo na. It's high time na isipin naman natin yung kapakanan ng mgakababayan nating naghihirap. Tama na yung away," bungad ni Senator Bong.

Sabi ng ilan, paghahanda na raw sa pagtakbo niya bilangvice-president ng bansa sa 2010 election ang naganap na malaking selebrasyon ngkanyang 42nd birthday.

"No naman," tanggi ni Sen. Bong. "Ah, normal celebrationnatin ito, e. Every year naman meron tayong celebration. Gusto kolang makaroon ng parang get-together with showbiz. Nakakatuwa naman atmaraming dumalo na mga kasamahan natin sa industrya."

Kahapon, Huwebes, September 25, ang mismong araw ng kaarawan ni Sen. Bong. Peromarami ang nag-e-expect na kasabay ng selebrasyon ng birthday niya ay isangannouncement ang kanyang gagawin.

"Wala, wala. Basta ako, magtatrabaho lang tayo. Malayo pa ang2010 at trabaho lang tayo sa Senado."

LOLO BONG. Excited na rin ba siya sa pagdating ngbago niyang apo courtesy of daughter Inah Revillaat mister nitong si Vince del Rosario?

"Yun nga, malapit na. Lolong-lolo na talaga si Bong. Hindina pwedeng i-deny," sabay tawa ng senador.

"Sana huwag lang sasabay sa 25. Sana at least 26, 27. Kayasabi ko kay Inah, ‘Huwag kang masyadong gagalaw anak para hindi lumabas ng25,'" natatawang kuwento pa ni Bong sa PEP.

May ipinakitang video footage kay Sen, Bong during the partykung saan naka-short lang siya at puting T-shirt habang pinaghehele ang isangbata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Gab yun. Si Gab yung hinehele-hele ko. Hindi ko alam na kinukunan ako ngvideo. Kaya gaganun-ganun ako. Na-schock ako. ‘Uy, ano ‘yan!'

Si Gab o Gabriel ang apo naman niya sa anak na si Jolo at sanaanakan nitong si Grace Adriano, na anak naman ni Rosanna Roces.

MOVIE WITH RUFFA AGAIN? Sa party ni Sen. Bong, nagkasama-samaang tatlong babaeng naugnay sa kanya noon. Tinanong tuloy ng PEP kung anongfeeling niya sa presence nina Ruffa Gutierrez, Gretchen Barretto, at Rufa MaeQuinto sa kanyang party, gayong naroon din ang asawang si Lani.

"Well, nakakatuwa di ba? Whatever is past is past. Angimportante, nagkasama-sama sila in one occasion. Walana ‘yung sinasabing tampuhan or whatsoever. Kita mo, at least, malapit lahat.Yun naman ang pangarap ko, e. Sa lahat ng bagay, gusto ko magkaisa."

Speaking of Ruffa, tuloy na ba ang movie na gagawin niya sa Star Cinema withRuffa Gutierrez?

"Yeah, hinihintaty lang namin sa Star Cinema.Depende yun sa kung yun nga yung nasa script. But nothing isdefinite pa kung si Ruffa nga yun or kung ano."

Okey lang ba sa kanya na maintriga ulit sila ni Ruffa kapag gumawa sila ngmovie?

"Inaayos pa naman. Not yet sure kung yun na nga ang kumbinasyon. Pero kungsakali man, okey lang ako. Okey lang ako na magkasama kami ni Ruffa ulit."

"Dalaga" na ulit si Ruffa.

"Yeah, okey lang."

Pumayag ba si Lani?

"Walang problema."

AFRAID OF ANNABELLE. kung magkakatrabaho ulit sila,matakot na siya ngayon sa manager at ina nitong si AnNabelle Rama.

"Dati na akong takot kay Tita Anabelle."

Dagdag pa ni Ruffa, mas better pa rin daw para sa kanya angmister niya na si Yilmaz Bektas, kaya sure siya na hindi na sila mali-link niSen. Bong.

"Oo naman. Okey na sa akin si Lani. Ha-ha-ha!"

Samantala, inimbita ba niya si Optical Media Board (OMB)Chairman Edu Manzano sa party niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everybody is invited. Sabi ko nga, ito yung time namagkasama-sama ang mga taga-industriya. It's an open invitation. Kung anumanyung nangyari sa amin before, wala na yun, e. Sa akin trabaho lang, nothingpersonal."

Kailan sila mag-uusap uli ni Edu?

"Ewan ko. Anytime," tapos ni Sen. Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN