John Lloyd Cruz justifies his "sugo ni Lucifer" line in "Maalaala Mo Kaya"

When asked about the blessings he has received,John Lloyd Cruz said, "It's been overloaded for quite a long timealready. Pero, kumbaga sa pagkain, satiyan mo lang dadalhin. Kumbaga, huwagpaabutin sa ulo kasi baka atakihin ka, magka-aneurysm."


Ang tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ay isa sa mgamaituturing na matagumpay na team-up, mapa-pelikula man o telebisyon. Sinasabing malaking risk nga raw noong isinabak sila sa mga proyektong iba ang kapareha.

Ngunit napatunayan ng pelikulang A Very Special Lovena maari ring maipareha ang 24-year-old na aktor sa ibang aktres tulad ni SarahGeronimo dahil naging box-office hit ito.

At dahil sa tagumpay nito, kinumpirma ni John Lloyd kahapon, Setyembre 25, sa pizza party ng Greenwich sa Rufino Plaza sa Makati City, angikalawang pelikula para sa kanila ni Sarah.

"I think it's safe to say na susundan namin ang A VerySpecial Love. As of today, it'sbeen confirmed. I'm very happy toannounce na magkakaroon ng sequel ang A Very Special Love," tugon niJohn Lloyd sa tanong ng entertainment press tungkol sa nasabing pelikula.

Ibig sabihin ba nito ay mapapalitan na si Bea bilangregular na katambal niya?

"Hindi naman mapapalitan 'yon ever, e," paniguro ngaktor. "Walang papalit sa nagingpagsasama namin ni Bea [Alonzo], the same way na walang puwedeng makapagpahintosa nagiging pagsasama namin ni Sarah."

Dagdag pa niya, "I mean, the more, the merrier...parang, sa mas marami kang babae na puwedengmaiparehas, mas maganda. Sa tingin konaman, wala namang magdi-disagree doon. Ako, I'm thankful lang na nai-partner ako kay Bea, nai-partner ako kaySarah, nag-work pareho."

Sinabi rin ni John Lloyd na mas gugustuhin niya na maiparehasiya iba't ibang aktres upang masukat ang kanyang kakayahan sa pag-arte.

Aniya, "So, sana sa mas marami pang babae, puwede. Kasi, 'yon lang naman ang gusto namin, e,ang makagawa ng maraming project hindi lang sa iisang tao para lumawak din'yong range mo bilang artista."

MOVIE WITH VILMA SANTOS. Isa pang kinumpirma ni John Lloyd ay angkanyang magiging pelikula with Vilma Santos.

Subalit hindi pa makapagbigay ng anumang detalye ang aktordahil, ayon sa kanya, isa lang din siya sa mga naghihintay na masimulan na angnasabing proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre sa paggawa ng pelikula, nandiyan ang directors,ang writers, ang staff, ang production. Isa lang ako doon sa talagang araw-araw naghihintay na sana mag-roll nakami, sana matuloy na. Pero, kagaya ngproject ko with Sarah, I think it's safe to say na merong pelikula withGovernor Vi."

Totoo rin ba na hindi na gay role ang ibibigay sa kanya,tulad ng mga unang napabalita?

"Sana matuloy pa. Ayaw ko kasing manatiling pangarap 'yong role na 'yon, e," sagot ni JohnLloyd.

Dagdag pa niya, "Sa tingin ko, magandang pagkakataon toshare it with none other than Governor Vi. Mai-share namin 'yong eksena, you know, everything on the big screen,mai-share ko with her. So, sanamatuloy... Kung hindi man, I'm sure hindinaman sila gagawa or magbibigay sa akin ng isang role na parang of lesser valuesa naunang prinesent nila."

ROLE IN MAALAALA MO KAYA. Samantala, naging sukatan naman sa pagiging mahusay naaktor ni John Lloyd ang katatapos lamang niyang pagganap bilang taong mayschizophrenia sa Maalaala Mo Kaya noong nakaraang Sabado, September 20.

Bagama't marami ang nagulat sa galing na kanyang ipinakitasa MMK, nabanggit ng isang entertainment reporter na may ilang na-offend sa isa sa mgaeksena kung saan nag-litanya siya tungkol sa pagiging "sugo ni Lucifer." Medyo hindi raw ito kinaya ng sensibilidad ng ilang manonood.

Ayon kay John Lloyd, inaasahan na rin niya na magkakaroon ngganitong reaksyon. "Kasi hindi talagasiya part ng script, e, adlib kasi siya," paliwanang ni John Lloyd.

Gayunpaman, naniniwala ang aktor na hindi niyakailangang humingi ng paumanhin para sa naturang eksena dahil ginawa lamangniya ang hinihingi ng kanyang karakter para sa nasabing episode na pinamagatang "Pedicab."

Para kay John Lloyd, "Sa akin kasi, with acting, ayaw konglagyan ng boundaries. Kung ano 'yongpinakamalayo na puwede niyang maabot, titingnan ko. Kung sa dulo, may ma-offend, may ma-turn off, sa tingin ko hindiko naman yata kailangang mag-apologize.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman yata kailangang ipagpaumanhin becauseportrayal 'yon, e... portrayal ng totoong nangyayari sa buhay. At sa totoong nangyayari sa buhay,nangyayari 'yong mga ganung pagkakataon na may mga taong wala sa tamangpag-iisip, may mga nabibitawang salita. Pero kung titingnan mo, kailangan palaging nasa konteksto ng character ong eksena o gustong iparating ng eksena."

Ngayon, naipakita na ni John Lloyd ang kanyang versatilitybilang aktor sa telebisyon, papayag naman kaya siya na gumanap bilang baliw saisang pelikula?

"Bakit hindi? Pero siguro matatakot lang ako," seryosong naisagot ni John Lloyd. "Kagaya noong ibang roles mo—let's say sa TV, sa teleserye or sapelikula—a part of the character medyo nai-imbibe mo, e, medyo naiiuwi mo. Medyo hindi yata nakakatawang maiuwi angganung klase."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN